Chapter 33

139K 3.4K 310
                                    


Chapter 33
China.

"Mukhang bored ang prinsesa ko ah." biglang tumabi sa akin si daddy habang nanonood kami ni Anne ng movie dito sa sala.

Nakatutok lang ako sa mga pictures namin ni Joshua. Mukha na nga akong baliw dahil hindi naman ganon karami ang pictures namin kaya pinapaulit-ulit ko nalang tignan  isa-isa ang mga ito.

"Hay, Tito. Sinabi nyo pa po." sarkastikong sabi ni Anne saka humalukipkip at muling tinutok ang mga mata sa flatscreen.

Tinignan ko lang si Anne saka huminga ng malalim at itinago ang cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak.

"Rae, I cant stand seeing you like this." problemadong sabi ni daddy at tinitigan ako ng mabuti.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Wala po, 'ddy." sabi ko nalang. "Iniisip ko po na ang lapit na rin po pala ng pasukan. Matatapos na ang summer." pagdadahilan ko.

Nanliit ang mga mata ni daddy sa akin at sumulyap sa cellphone ko na mariin kong hawak.

"So, kaya ba panay tingin mo sa pictures nyo ni Josh?" tumaas ang kilay nito sa akin.

Mas lalo kong itinago ang phone ko sa ilalim ng hita ko para hindi makita ni daddy.

"Hindi po. Si daddy talaga!" pinilit kong tumawa upang masira ang maling atmosphere na nabuo ngunit mas naningkit lang ang mga mata ni daddy sa akin.

"Awkward." rinig kong komento ni Anne na kunwaring sa movie naka-focus kahit na alert na alert ang tenga nya sa amin ni daddy.

Kung pwede ko lang syang sapakin sa harap ni daddy ay matagal ko nang ginawa. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito na si Anne. Nabaliw na ata sya nang dahil kay Lawrence na anya'y hindi na nagtetext sa kanya nang dahil sa nangyari last, last week noong birthday nga nito.

Maging sa akin ay hindi na ito nagme-message kagaya ng dati. Ayoko namang maging cold sya sakin dahil gusto ko parin syang maging kaibigan.

"Rae.." nagbabanta na ang boses ni daddy.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga ng malalim. "H-Hindi lang po talaga ako sanay na wala si Josh sa tabi ko." pag-aamin ko.

Tumaas ang kilay ni daddy saka humalukipkip na para bang hinihintay akong magsalita muli kaya pinagpatuloy ko.

"I mean, halos araw-araw ko po syang kasama--"

"Araw-araw kamo hindi halos." singit ni Anne at tinapunan ko lang sya ng isang masamang tingin saka nagpatuloy.

"Okay. So, araw-araw ko nga po syang kasama and without him by my side, parang may kulang po talaga." sabi ko't yumuko sa kahihiyan.

Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat ng iyon kay daddy knowing na hindi parin good shot sa kanya si Joshua na anya'y napipilitan lang sya dahil alam nyang mahal namin ang isa't-isa at alam nyang doon ako masaya.

"Lyrae, babalik naman kasi si Josh. Nagbakasyon lang yung tao eh."

Hindi na talaga napigilan ni Anne ang kanyang sarili saka humarap na sa amin ni daddy upang makisali.

Dad chuckled at napailing nalang sa sinabi ni Anne. "But you know, Rae, Anne is right." komento ni daddy. "It's not like he's not coming back cause he is." dagdag pa nito.

"I know, 'ddy but you know, I really  just cant help it." sabi ko nalang.

I think I'm going crazy. Nababaliw na ata talaga ako.

Pumunta kasi ngayon si Josh with his family upang bisitahin ang kanyang mommy. One month ata sila doon dahil matagal pa naman ang pasukan nya lalo na't college na sya. Ayaw nya mang  malayo sa akin, kailangan nya pa ring sumama roon at may mga rituals and prayers rin ata silang kailangang gawin na magkakasama. Pag-aaralan daw ulit nila ng kuya nya ang mga iba't-ibang Chinese traditions na nakakalimutan na nga daw nila.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon