Chapter 40

140K 3.2K 719
                                    


Chapter 40
Hindrance.

"Ugh, what should I wear?" naiinis na tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang tatlong dress na napili kong magandang isuot.

Hindi ako makapili mula sa tatlong dress na ito. Parang gusto kong isuot silang lahat para maganda pero syempre hindi pwede yun at magmumukha akong tanga kung patong-patong ang damit na suot ko.

"Eh kung mag-kimono ka nalang kaya?" natatawang suggestion sa akin ni Anne habang kumakain sya ng lollipop at tinitignan lang ako.

Matalim ko lang tinignan. "Pang-Japanese 'yon, Anne. Nagpapatawa ka ba?" sarkastiko kung sabi sa kanya.

Humalakhak sya. "Kimono, Hanfu, Hanbok.. Parang pare-parehas lang naman silang tatlo eh." pangangatwiran niya.

"Still characterized by different countries." sabi ko at itinaas ang isang white dress dyed with a touch of color yellow. "Kimono for Japan, Hanbok for Korea and Hanfu for China."

Lumingon ako sa kanya at itinapat sa akin ang hawak-hawak kong dress na agad naman syang nagthumbs-up.

"But they're all traditional garments. They're particularly the same." she defended.

"If that's what you believe then you may keep that thoughts." sabi ko nalang upang matigil na ang pagtatalo namin about traditional clothing dahil wala naman akong balak magsuot non.

Pumasok na ako sa comfort room upang isuot na itong dress at mabilis rin na lumabas upang ayusin ang buhok ko.

"Magpagupit ka kaya." biglang sabi ni Anne habang tinitignan ako sa pag-aayos ko ng buhok ko. "Tagal mo ng di nagpapagupit. Ang haba-haba na ng buhok mo." puna nya.

Hinawakan ko naman ang dulo ng buhok ko at nakita kong mahaba-haba na nga ito. Malapit na itong umabot sa dulo ng likod ko.

"Papagupitan ko nalang siguro pagkauwi ko galing States." sabi ko nalang at clinip ang buhok ko sa likod.

"Speaking of States, dito nalang pala ako sa Philippines. Hindi na ko sasama." aniya. "I'll stay with kuya sa condo nya. Nakakatamad bumisita." tinatamad nyang dahilan.

"Sayang naman." sabi ko at tumayo na sa harap ng tukador. "Tita thought that you'll visit them."

"Hmm, sa summer nalang siguro. Pag bakasyon na ni kuya para magkasama na naming bibisitahin sila mommy't daddy saka sa San Francisco kayo pupunta, nakakahiya naman kung idadaan nyo pa ako Canada. Sayang ang pera at plane ticket." pagdadahilan nya.

Tumango nalang ako at akmang magsasalita pa sana nang biglang nagring ang phone ko.

"Hello?" bungad ko ng sinagot ko ang tawag.

"Baby.." and his husky voice lingered in my ear. "I'm near. Please get ready."

Ngumiti naman ako at awtomatikong isinukbit ang satchel side bag ko na color light brown.

"Okay. Uhm, bababa na ako sa sala." sabi ko dito.

"Sure." aniya. "I'm hanging up. Nasa subdivision nyo na ko. Bye. I love you." sabi nito't pinatay na ang tawag.

Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Anne.

"I can do this right?" nakangiting tanong ko sa kanya.

She chuckled. "Para saan pa ang pagiging Sarmiento mo kung hindi ka confident, diba?"

I'm confident. I'm pretty confident sa mga bagay-bagay pero hindi ko alam kung bakit pagdating kay Joshua or anything that has connection to him ay kinakabahan ako. Nawawala ang confidence na mayroon ako at napapalitan lang ito ng puro kaba.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now