Chapter 12

177K 4.9K 623
                                    

Chapter 12
The Best Of Me.

"A-Ahm, where do you want to go first?" nauutal nyang tanong na mukhang hindi alam kung ano ang gagawin naming dalawa.

Well, after all. Hindi naman talaga sya ang nagplanong lalabas kami. And for crying out loud! Ako ang unang nag-aya sa kanya. What the hell. Bakit ngayon ko lang naisip yun? Not so girl move, Rae.

Luminga-linga ako sa paligid trying to avoid his eyes na kunwaring naghahanap ng pwede naming gawin. "I dont really know." kinagat ko ang aking ibabang labi.

Ngayon lang ako nabobo at naging ganon ang nasagot ko. I'm always straight forward at alam ko kung ano ang mga gusto kong gawin. Except for this one. I guess. Dahil hindi ko talaga alam kung ano ang pwede naming gawin.

Madalas kaming nagshopping ni mommy twing pumupunta ng mall at nakikita ko kung paano ma-bored sa amin si daddy habang sinusundan lang kami kaya might as well, I wont suggest that one. Hindi kami nanonood ng movies dahil ang awkward. Tatlo kami at para akong third party sa relasyon nila mommy at daddy. Kaya pag movies ay it's either I'm with my friends or sa bahay kami manonood. Lagi rin kaming kumakain at hindi naman talaga nawawala yon pero kakasimula palang namin at kakain na kaagad. Ugh. I really dont know.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nagulat sya sa pagtingin ko kaya napaiwas sya ng tingin as his cheeks turns to red. "Uhm, may naisip ka bang pwede nating gawin?" tanong ko nalang dito at nag-iwas na rin ng tingin sa kanya. "First time ko palang kasi lumabas with an opposite gender." dagdag ko at saka lang ako nakaramdam ng kahihiyan.

Am I turning red too?

"H-Hindi ko rin alam." nauutal na sagot nito. "It's....It's also my first time so.." nakita kong kinagat nito ang kanyang ibabang labi.

Pumikit ako ng mariin para mawala sa isipan ko ang pagkagat nya sa kanyang labi. Shit. I'm just a teenager. Hindi ako sanay makakita ng ganyan. Kahit sabihin pa nating simpleng pagkagat lang yan ng labi nya.

Pero it's also his first time? Ang akala ko'y sanay na sya dahil alam na nya kung paano sumuyo sa babae.

"So, uhm, nganga tayo ngayon." I tried my best to joke dahil parehas kaming nagkakahiyaan sa isa't-isa.

Parang biglang nawala ang confidence na tinuro't pinama sa akin ni daddy sa sobrang hiya na nararamdaman ko ngayon. Maybe I'm just not fond of being with a guy. My life is fully surrounded by girls and of course dad and lolo, the father of daddy. Lolo's dead and I haven't seen Daddy Brendt for a long, long time. Forgot to mention Tito David. He's Tita Ash's older brother. His a pain in the ass, sabi ni mommy.

"O-Of course not!" agad syang nataranta at kinuha ang kanyang phone saka nagsipipindot doon.

Kumunot ang noo ko sa ginawa. So, ito ba ang gagawin namin? Magce-cellphone?

Pinanood ko syang seryosong nakatingin sa kanyang cellphone at dahan-dahan pa nitong iniscroll ang kamay para sa kung anumang binabasa nya.

"So, we should watch a movie first." aniya habang nagbabasa parin sa cellphone. "Then, if you want to buy some few things, I can accompany you. Let's play in an arcade and let's eat after that." at saka binaba ang cellphone at tumingin sa akin na naguguluhan sa kanya. "Is that program fine with you?" he asked.

"Akala ko...wala kang alam dahil first time mo lang?" I asked him. "Then in an instant, alam mo na lahat ang gagawin natin."

He immediately opens his phone again at iniharap sa akin ang screen.

What to do on a date? First date.

Yan ang nakalagay sa title ng article na binabasa nya.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon