Chapter 24

140K 3.4K 757
                                    


Chapter 24
Dinner.

"Sorry po talaga, Ms. Aranjuez." panghihingi ko ng paumanhin sa adviser ko.

She chuckled. "Ano ka ba, Lyrae." aniya. "Okay lang 'yon. Saka medyo nakakacope-up nanaman si Lawrence dito sa school eh."

"Uhm, kung gusto nyo po pwede rin naman po tayong maghanap ng kapalit ko eh." suggestion ko at bigla akong napaisip kung sino ang pwedeng makasama ni Lawrence. "Miss, I think I know a person." napangiti naman ako sa naisip ko.

"What?!" napatayo pa si Anne sa kanyang kinauupuan at agad na nagtawanan ang mga kaklase ko habang napailing nalang si Lawrence na walang ekspresyon ang mukha. "Krizianne Samonte as in me?" hindi makapaniwala nyang tanong.

"Yes, Krizianne." ngiti ng adviser ko. "And I wont take no as an answer." dagdag nito and I chuckled nang napaupong bigo si Anne sa kanyang upuan nang makita kong tahimik lang si Lawrence sa kanyang upuan na parang ang daming iniisip.

Huminga naman ako ng malalim at humarap ulit sa adviser namin na patuloy na nagsasalita sa harap tungkol sa mga iba't-ibang announcements or activities na magaganap.

I should say sorry right?

"Lawrence.." tawag ko dito nang tahimik nitong inaayos ang kanyang bag dahil break na namin.

He sighed at humarap sa akin ng nakangiti. "Hmm?"

"Uhm, sorry nga pala kung hindi ko nasabi sayo na nagback-out na ko sa pagiging guide mo." kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung ano ang pwede nyang isagot.

He smiled at ginulo ang buhok ko. "Ang cute mo talaga." he chuckled. "Sinabi ko naman sayo nung una palang na pwede tayong humanap ng kapalit mo diba?" aniya. "At least, I get to know you more in those three days na magkasama tayo. Thankful na ko dun." ngumiti ito sa akin but it's not that kind of smile na madalas nyang pinapakita sa akin. This time, it's a different smile.

"Well, hindi ako thankful." biglang singit ni Anne at kumapit sa braso ko. "Save me, Rae. Mababaliw na ko kapag nakasama ko pa sya ng dalawang araw." aniya. "Kaya mo bang makitang nababaliw ang bestfriend mo?" ngumuso ito at muntik na akong humagalpak ng tawa.

"Grabe ka naman, Anne." komento ko as I chuckled.

"Save me ka dyan." ani Lawrence at inakbayan si Anne and I swear, nakita kong namula si Anne sa ginawa ni Lawrence. "Baka hanap-hanapin mo ko pag natapos na ang dalawang araw na kailangan mo kong samahan." biro ni Lawrence at agad syang tinulak ni Anne.

"Wag kang magpatawa, okay?" Anne rolled her eyes at tumawa nalang si Lawrence. "Tara na nga. Gutom na ko." bigla sabi ni Anne at nauna na palabas ng classroom.

"Wait for me, babe." natatawang sabi ni Lawrence at agad lumipad sa ere ang kamay ni Anne na naka-dirty finger.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at nakita si Josh na nakasandal sa pader ng classroom namin habang nakatingin sa akin na agad ko namang pinuntahan.

"Josh!" masayang bati ko dito.

Tumayo naman sya ng maayos at inayos ang kanyang polo. "Mukhang ang saya-saya mo ah." he sarcastically said at nauna sa paglalakad sakin na agad akong sumunod.

"Nakakatuwa kasi sila Anne at Lawrence." sabi ko nalang.

"Sila Anne at Lawrence nga ba? O si Lawrence lang?" nilinaw nya ang kanyang tanong at palihim akong napangiti.

"Joshua Christian Sy." pinigilan ko to sa paglalakad at iniharap sa akin. "Nagseselos ka nanaman ba?" naningkit ang aking mga mata and he sarcastically laughed.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now