Chapter 6

168K 5.2K 934
                                    

Chapter 6

Locker room.

"Bye po, 'mmy, 'ddy." paalam ko at hinalikan ko silang dalawa sa pisngi as I reach out sa tiyan ni mommy. Hinalikan ko rin ito. "Bye, baby."

Oo, mom's pregnant with my baby brother. And I'm happy that I'm gonna be a sister, a big sister. That's why I have a feeling na mas kailangan ko pang maging responsable dahil sa mga nangyari dati. And I dont want that to happen again. That I'm going to be the best sister na pwede nyang ipagmalaki balang araw.

Hinatid nila ako ngayon sa school dahil first day ko daw as a Junior student. Year level ko lang naman ang nagbago, ganon pa rin ang uniform and such. Pero masaya ako dahil kasama ko silang dalawa.

"Dont forget about my reminders, Rae." ani daddy bago ako lumabas ng kotse at napatingin ako dito. "No boys allowed." dagdag ni daddy at hinampas sya kaagad ni mommy na ikinatawa ko.

"Sean!" mom said in a warning tone to daddy at agad nanahimik si daddy. Lumingon naman sa akin si mommy ng nakangiti. "You have to go early. Skip training first, okay? May pictorial ka mamaya for a new product." ani mommy.

It's been a while since huli akong magphotoshoot. Nakakaexcite ulit tuloy. Parang first time ko ulit na mag-eendorse.

Masigla akong tumango. "Sige po." sabi ko at kumaway bago bumaba ng tuluyan sa kotse.

"Lyrae!" masayang bati sa akin ni Klare pagkapasok ko sa classroom. Magkaklase pala kaming dalawa.

Napangiti ako. "Hello." sabi ko at niyakap nya ako. "Buti naman at okay ka na." sabi ko dito ng makitang todo ngiti sya at bigla nanamang sumingot. "D-Did I say something wrong?"

She pouted. "Going strong. Still moving on." aniya. "Trying not to remember any single thing."

Ganito ba talaga nagagawa ng pagiging broken hearted? Sobrang sakit ba talaga at sobrang hirap makalimot?

"Really?" I said as I look at her bag tag. Personalized ito na ang design ay decorated name ni Joshua.

Agad nya naman itong tinakpan. "I cant help it, okay?" malungkot na reklamo nito. "It's still him. It's still, Joshua."

Umupo ako sa tabi nito at muli syang nagsalita. "Hay nako!" untag nito at agad akong napatingin sa kanya. "Pag nalaman ko talaga kung sino yung babaeng 'yon na pumipigil sa happy ending namin ni Josh, I just really dont know what to do to her." inis na inis na sabi nito.

I just chuckled. "Hindi ba dapat kung saan sya masaya, let him go?" bigla kong tanong sa kanya.

Napatingin naman sya sa akin at kumunot ang kanyang noo. "At kailan ka pa naging love advicer?" aniya saka sya tumawa.

"Nabasa ko lang sa novel na binabasa ko." nagkibit-balikat ako.

"Buti pa kayo ng mga libro mo, going strong." bigla ulit lumungkot ang tono ng pananalita nito.

I just smiled at her. "Pati ba naman sa mga libro ko, humuhugot ka?" I asked and she laughed again. "Klare, bipolar ka ba?" umiling sya habang tumatawa pa rin.

Napailing nalang ako. Minsan talaga'y may pagkabaliw 'tong si Klare. Pero mas gusto ko ng magmukha syang baliw sa kakatawa kaysa makita ko syang baliw dahil nasasaktan sya.

"Kaklase ba natin si Camille?" biglang tanong ko sa kanya dahil malapit ng magbell ay wala pa sya.

Hindi kami nagkakausap ni Camille noong summer. Twing sinusubukan kong bumisita sa kanila ay lagi syang wala at kasama daw ang boyfriend. Well, sino pa nga ba ang boyfriend nya? Naiinis nanaman ako twing naaalala ko. Pero sana naman ay seryoso na talaga si Henry kay Camille dahil mapapatay ko talaga sya kapag niloko nya lang ang bestfriend ko.

"Ang alam ko, hindi eh." nag-aalangan nyang sagot.

Hindi namin sya kaklase? Bakit naman wala sya sa star section? May bumagsak ba syang grade or what?

"May bagsak ba sya?" tanong ko ulit.

Nagkibit-balikat ito. "Ewan." simpleng sabi nito. "Pero the fact na hindi na sya star section, baka nga may bagsak syang grade."

Napailing nalang ako. Hindi naman sya bumabagsak dati. It's her first time na bumagsak. Kahit ano pa mang subject 'yan ay hindi makatarungan. It's all because of Henry's fault.

"Your books are all in your lockers. You may already get them if you want." ani ng adviser namin. "The rest of school hours is free time. There's also boutiques at the grounds. Enjoy, Juniors!" masayang sabi nito saka lumabas ng classroom namin at agad nagsiwalaan ang mga kaklase ko.

"Ahm, punta lang ako sa lockers." kalabit ko kay Klare na balak na rin makipagwala sa mga kaklase namin. "I'll just check the books." dagdag ko at tumango-tango lang sya.

I get my bag at tahimik na naglakad patungong locker room nang makita ko si Camille sa tapat ng St. Reginald, hawak-hawak ang kanyang phone. Nasa section 3 pala sya. So, talagang bumaba ang grades nya.

"Camille--"

"Babe!" napahinto ako sa pagtawag sa kanya nang dahil sa ginawa nyang pagsigaw.

Sinundan ko sya ng tingin na patakbong lumapit kay Henry. Hinalikan ito ni Henry sa pisngi at inakbayan saka nagpatuloy sa paglalakad ng magkasabay.

Napayuko nalang ako at nagpatuloy patungong locker room.

"J-Josh!" gulat kong sabi nang makita ko itong naglalagay ng isang box ng ferrero sa loob ng locker ko. May nakadikit pang isang maliit na rose doon at may letter din syang hawak.

"L-Lyrae.." kinakabahan nitong sabi at titig na titig pa rin ako sa mga dala nyang balak nyang ilagay sa loob ng locker ko.

"A-Ano yan?" I stuttered. "Welcome gift?" I tried to joke as I can ngunit nanatili syang seryoso at nakatingin ng diretso sa akin.

Huminga ito ng malalim. "That's it. I'm done with this secret thing." he stated at naramdama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"W-What are you talking about?" nauutal kong tanong, clueless on what is he talking about.

"Lyrae, I cant hide it anymore." nahihirapan nyang sabi. "It's like everyday na mas tinatago ko ang nararamdaman ko sayo, mas lumalala lang." panimula nito at nag-angat ng tingin sa akin. "Lyrae..I love you." he stares at me.

Agad akong napailing at pinilit ang sarili kong matawa. "Y-You're joking." I said at lumabas ng locker room ngunit nahabol nya ako agad. Hinawakan nya ako sa braso at agad ko itong tinignan na agad naman syang bumitaw.

"Lyrae, just please..listen." pakiusap nito but I dont want to. Ayokong marinig ang mga sasabihin nya.

"Stop joking around, Joshua." I warned him.

"Lyrae, I love you." sabi nya na parang hindi ako narinig. "I've been keeping this feelings since you're first year. Noong Intrams--"

"I said stop joking around!" sigaw ko na nagpahinto sa kanya. "I dont have time for this, Joshua." I said. "Maghanap ka nalang ng ibang maloloko mo. Wag na ako. Wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon." pakiusap ko at tumalikod na sa kanya.

"This why I'm afraid that you'll know about my feelings!" malakas nyang sabi as I take a step away from him. "You think that I'm not serious huh? Well, you'll see. You'll see, Lyrae. I'm gonna let you see how serious I am. How much you make this fucking heart fall for you all over again."

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now