Chapter 41

128K 3.2K 351
                                    


Chapter 41
Years.

"Let's give it up for Lyrae Sirius Sarmiento for her Valedictorian speech."  ani ng emcee.

Nagpalakpakan ang mga kabatch kong gagraduate na rin at tumayo na ako sa kinauupuan ko upang umakyat sa stage for my valedictorian.

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita. "Goodmorning, my fellow batchmates." panimula ko.

Lahat naman sila ay sumagot rin sa akin ng goodmorning at hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

"High school years.. what a very memorable years for me at alam kong sa inyo rin." I stated. "I've learned and experienced so many things na hindi ko inaakalang mararanasan. All I thought ay madidikit lang ang mukha ko sa mga makakapal na libro all throughout freshmen high school until I graduate... Pero hindi pala."

Tinago ko na ang hinanda kong valedictorian speech dahil alam kong hindi ko rin naman ito babasahin. Naisapuso at naisautak ko na ang mga gusto kong sabihin. And I'm ready to let it all out.

"Instead of books, I fall into the different crooks of my life. Instead of focusing on studying, it turned into loving." sabi ko. "Narealize ko na mahirap maghanap ng mga tunay na kaibigan, pero there will be always that one person who's your greatest and bestfriend."

Nahagip ng mata ko si Anne na ngayo'y nakangiti lang sa akin habang nakikinig sa speech ko.

"And I learn so many things about love." ngiti ko. "Love means accepting, understanding, hurting, sacrificing, letting go and moving on." I stated. "It's a cycle dahil hindi naman pwedeng lagi lang masaya. We need to experience all those obstacles para mas maging matatag tayo pero nasa atin parin kung ano ang pipiliin nating gawin o kung paano natin haharapin. It's either you'll succeed, or you'll lose."

I chuckled nang makita kong seryoso na ang mga kabatch ko na mukhang napasok na sa mga puso't isipin nila ang mga pinagsasasabi ko.

"But in the end, we will always be happy. That's for sure. We just need to wait for the right time. Kasi diba nga, there's a rainbow always after the rain?" ngiti ko. "So, ayun lang. Goodluck sa college life nating lahat and have a nice day. Congratulations to all of us! Thank you!"

Nagbow ako after my speech at lahat naman sila'y nagpalakpakan as I return to my seat.

"Congratulations." bati sa akin ni Kyle at iniabot sa akin ang isang magarbong bouquet.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap 'yon. "Thank you."

"So, ganon, kuya?" bigla namang singit ni Anne. "Si Lyrae pa talaga ang naunang batiin kaysa sa kapatid nyang napakaganda."

I chuckled at pati narin si Kyle.

"Hindi ko nanaman na kailangan pang bigyan ka ng bouquet eh." sabi nalang ni Kyle at lumitaw na sa likod ni Anne si Lawrence na may dala ring bouquet.

Mabilis itong humalik sa pisngi ni Anne na nagpapula naman ng todo kay Anne.

"Ang hilig mong magnakaw!" sita ni Anne kay Lawrence at bigla ring humalik sa pisngi nito. "Panakaw rin ha?" kindat nito.

Tumawa naman si Lawrence. "Sige lang. Hindi kita ipapapulis kahit ilang beses mo pa akong nakawan."

Napailing nalang kaming dalawa ni Kyle na para bang nauumay na kami sa dalawang 'to.

Simula ng naging sila ay naging sobrang clingy na sila sa isa't-isa na para bang mamamatay na sila kapag wala silang sweet moments at nalayo sila sa isa't-isa.

"Para namang hindi kayo mamamatay dati ni Joshua twing hindi kayo nagkikita."

Yan ang sinabi nya sa akin ng sinita ko silang dalawa ni Lawrence at agad naman syang napatahimik non saka nagsorry sa akin dahil agad nagbago ang aking mood.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now