⚘ dalawampu

396 30 1
                                    

THIRD PERSON'S

Noong pumasok si Ken sa cafeteria ay sinalubong siya ng malakas at masakit sa taingang ingay na nanggagaling sa mga estudyante.

Halos lahat may sariling mundo, nandito yung mga lumalamon sa gilid, yung mga popular na estudyanteng walang ibang ginawa kundi magpaganda at mag selfie. Yung iba nangungupit sa kapwa estudyante, isang magulong lugar na binuo ng mga taong may sariling mundo

Pero may isang pumakaw sa atensyon nito.

Isang babaeng naka upo sa sulok na lamesa. Naka salamin ito na lalo lang nagpapaganda sa paningin ng binata. Sabayan mo pa ng perpektong hugis ng mukha.

Tila ba pinana na naman ni kupido ang puso ng binata.

Nagdesisyon itong lumapit sa dalaga. Sa bawat hakbang nito ay may halong kaba dahil sa kahihiyang nagawa nito sa dalaga. Ngunit kahit may takot ay mas pinangungunahan ito ng saya at sabik makita at makausap ang dalaga ng maayos.

"Hey" mahinang boses na narinig ni Sam mula sa gawing kaliwa niya.

Nakayuko ito at mukhang nahihiyang makita ang dalaga

"Hey!" Simpleng pagbati pabalik ni Sam.

Napansin ito ni Sam kaya saglit na napatawa bago ayain ang binata na umupo.

"Nag-intay ka ba ng matagal? Sorry." Mahinang sambit ni Ken saka umupo sa tapat nito. Sam simply smiled and shook his head

"No. It's fine actually kadadating ko lang. A minute before you came" Sagot ni Sam. He was kinda relieved that hindi niya masyadong napaghintay si Sam since he doesn't want to leave a bad impression to her.

"Ah, ganun ba?" Nakayukong ana parin ni Ken. Napansin ito ni Samantha na tila nahihiya parin si Ken kaya gumawa ito ng paraan.

"Tumingin ka nga sa mga mata ko" ana ni Sam na agad ikinagulat ni Ken. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng dalaga but then he immediately obeyed her at tumingin sa mata ni Sam.

"Huh?" Patay malisyang ana ni Ken.

"Sige na, sa mata ko" ana ni Sam. At kahit nahihiya ay sinubukang titigan ni Ken sa mata si Sam. He could feel his cheeks burned dahil sa hiya kay Sam.

Yung kabog ng puso nya tila hindi na normal. Sobrang lakas ng tibok nito at tila naglilikot ito at gustong kumawala.

"Mukha ba 'kong kahiya-hiya? Kanina ka pa di makatitig sakin" Puna ni Sam sa kanya. Muli itong yumuko and secretly played with his hands.

"Kase.."

"Kase?"

"Sorry, kasi sinungitan kita. Nahihiya lang ako kasi pumayag ka pa na makipag-kita kahit may kasalanan ako sayo" ana ni Ken. Sam bursted out of laughter, bukod sa itsura nito ay she just found it cute.

Hindi siya makapaniwala na yung masungit na lalaking kinaiinisan nya noon ay nagsosorry ngayon. But she can't blame him too, baka naman kase nasa bad mood lang siya when she tried to approach and asked him.

"Ano ka ba? Diba sabi ko sayo okay na yun? Past is Past. Wala ka ng dapat ikahiya. Tsaka bakit naman hindi ako makikipagkita eh diba libre mo?" Pabirong kantyaw ni Sam para kahit papaano ay mapangiti si Ken at nagtangumpay naman siya.

"Hoy mga hangal!" Sabay silang napatingin sa likod at nakita nila sila Stell na papalapit sa kanila kasama ang iba pang mga kaibigan niya.

"Huy, nagkakadelopan na yung dalawa oh!" Pang-aasar ni Josh na ikinasama ng tingin ng dalawa.

"Issue ka? Hoy Jaime, kausapin mo nga 'yang jowa mo!" Sita ni Sam kaya naman napatingin si Jaime sa lalaki with her famous annoyed face saka inirapan si Josh.

"Oh Josh, pigilan mo si Jaime. Sasabog na yung jowa mo" pang-aasar rin ni Ken sa dalawa.

"Alam mo, Stell? Syempre hindi. Aalis na nga ako dito! Pinagtutulungan ako ng dalawa e!" Ana ni Josh.

"Ako rin!" Sabat rin ni Jaime.

"Hoy, obvious kayo Josh! Anong gagawin nyo ni Jaime pag nakaalis na kayo? Tigil-tigilan niyo nga ako!" Ana ni Sam.

"Nga pala, asan sila Rhian?" Tanong ni Ken.

"Bakit si Rhian hinahanap mo? Andyan naman si Sam e-" Stell was cut off his sentence nang batuhin siya ng tissue ni Ken

"Isa pa, Stell. Babangasan talaga kita!" Pagbabanta ni Ken sa kaibigan

"Andun, nasa Student Council kasama si Sejun tsaka Justin! Apaka sungit mo!" Magkasalubong na kilay na ana ni Stell

"Sagutin mo kasi ako ng maayos!" Nakangusong ana ni Ken.

"I do-"

"Putang-"

TO BE CONTINUED...

❛Notice❜ ┇ SB19's Ken✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon