⚘ dalawampu't anim

320 28 0
                                    

KEN

"Tangina, anong ginawa mo Jerry!" I could hear them arguing. Tinignan ko sila ng masama bago ko sila marinig nagsitakbuhan.

I will go after them, I swear. Hinding-hindi ko papalagpasin ang ginawa nila kay Sam.

"S-sam, shit. Please tell me you are okay. Wag kang pipikit okay? Tatawag ako ng ambulansya" I was seriously as the verge of tears. I can't think straight anymore.

Seeing her pained like this, I should've told her sooner na kasama niya ako. It was all my fault.

"I'm sorry" Mahinang sambit ko sa kanya but what hurts me more is when she smiled at me.

How could she smile like that?

"I-it's not y-your fault, K-ken" Mahina ring tugon niya. I immediately took my phone pero what a great timing, ngayon pa ako na-lowbat.

"Where's your phone? We'll call the ambulance right now" nagpapanic na tanong ko sa kanya. She gave me her bag saka ko agad na hinanap ang phone mula sa bag niya.

"K-ken, s-stop crying" hindi ko alam but I did the opposite as she told me. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong maiyak sa nangyari.

Pumindot ako ng kahit anong number mula sa contacts niya. I really need to call the ambulance pero hindi ko kabisado ang number ng hospitals dito. And I am slowly regretting na wala  akong naging pakialam sa paligid.

"Hello? Samantha? I am glad—" I cut her off nang magsalita ako.

"Ma'am, we need the ambulance please. Sam is in a bad state please" Sambit ko

"W-what? Who are you? Asan si Sam?!" Napapikit na lang ako bago pakalmahin ang sarili ko.

"I'll explain later ma'am, please call the ambulance"

━━━━━━━━━━━━━━━

"Ikaw ba 'yung tumawag kanina?" Tanong ng isang babae na medyo kamukha ni Sam. Nakasuot siya ng eleganteng damit kasama ang ilang mga alahas.

"Yes po, I'm so sorry. Napindot ko lang po yung number niyo sa contacts ni Sam. Pasensya na kung naistorbo ko kayo"

"It's okay. I'm Shy, her sister. How is she?" Tanong niya, kaya naman pala. Pero bakit hindi pa ata siya napapakilala sa amin ni Sam?

"Hindi ko pa po alam. Iniintay ko rin po 'yung doktor" tugon ko sa katanungan niya. Well, Sam is also a mysterious type of person. Hindi na dapat ako magtaka if I found out something new to her.

"Are you perhaps his boyfriend?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya. Umiling ako kahit there's a art of me na gustong tumango. But I won't do that, baka batukan pa ako ni Sam.

"Kaibigan po ako ni Sam" ana ko bago yumuko. I kinda feel uncomfortable with her sister. Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako at baka ano ang masabi ko.

"Good thing. Akala ko si Stell at Eve lang ang kaibigan niya. Kamusta naman si Sam sa school?" She asked. Teka lang, I thought she's her sister eh bakit parang wala siyang alam sa nangyayari kay Sam?

"Actually marami pong humahanga sa kanya. Ang bait kasi kaso nga lang po hindi niyo siya makakausap kung hindi ikaw ang mag-uumpisa ng topic" I said before I heard her chuckled.

"Pag-pasensyahan mo na 'yan. Nasanay na walang kumakausap kaya laging tahimik. Simula pagkabata si Stell at Eve lang ang nakikita kong kasama at kausap niya. The rest, ayaw siyang kausapin" I looked at her, Ibang iba ang mga mata niya kumpara mo sa mga mata niya kanina.

I can see clearly sadness in her eyes. May nangyari kaya sa kanila ni Sam?

"Do you know why Sam wanted to be a Cosplayer?" She asked, Umiling naman ako. Oo nga bakit nga gusto nya?

"She wanted to cover all the bruise of her childhood" napatigil ako biglang sinabi niya. Muli siyang natingin sa akin ngunit mukhang nasasaktan siya.

"We, we are adopted. Dalawa kaming kinuha sa orphanage noon. Dapat si Sam lang kaso ayaw niyang umalis ng wala ako noon. He was just 6 and I was just 11 that time. Akala namin magiging masaya kami dahil finally, may kumupkop na samin. Pero nagkamali kami" ana niya. Kaya naman pala malalim na tao si Sam, may pinag-daanan.

"They abused us, swerte na namin kapag marami silang natirang pagkain. Para kaming katulong noon, hindi lilipas ang mga araw na hindi kami nasasaktan. Grabe ang trauma ni Sam doon. Halos isang taon rin kaming nasa puder nila, actually 9 years" dagdag niya, naawa ako bigla kay Sam.

She was too pure for this world.

"Ano na po bang balita sa tunay niyong mga magulang?" Tanong ko sakanya, She sighed painfully.

"Nahanap ko sila. Ang kaso dito, hindi ko sila maipakilala kay Sam. She's mad at me" ana niya. Mad? Kaya ba ayaw i-kwento ni Sam sa amin ang tungkol sa ate niya?

I think I understand now.

"Iniwan ko siya at umalis para hanapin ang tunay naming mga magulang. Pero nung bumalik ako wala na siya, yung natira na lang yung galit sa puso niya. In the first place I shouldn't left her behind. I deserve her hates" ana niya, I offer a bottle of water to her.

Kung alam lang ni Sam kung bakit kailangang umalis ni Ate Shy.

"Ilang buwan ko pa lang talaga nakikilala si Sam. Pero alam ko, kaya ka niyang patawarin. Siguro hindi lang siya handa sa ngayon" sambit ko sa kanya para maka-gaan naman sa loob niya. Kasabay nito ay ang pag-labas ng doktor.

"Family?" Tanong ng doktor na ikinatayo naming dalawa ni Ate Shy.

"Sister" Wika ni Ate Shy. She looked at me before and smirked.

"Boyfriend" I raised my eyebrows when she point at me. I widened my eyes when I heard what she said.

Teka ano daw?!

TO BE CONTINUED..

❛Notice❜ ┇ SB19's Ken✔️Where stories live. Discover now