⚘ isa

900 30 1
                                    

THIRD PERSON's

Payapang naglalakad si Kyrille sa hallway. Patungo siya sa classroom niya. But the problema is dahil baguhan lang siya ay naligaw siya ng kaunti sa campus. Luminga-linga siya sa paligid upang manghingi ng tulong sa mga estudyante ng paaralang ito.

Habang naglalakad ay may nakasalubong siyang isang lalaki kaya minabuti niya na magtanong nalang muna dito. Wala na din naman siyang choice kundi ang lalaking ito.

"Hi Kuya! Magtatanong lang po sana, alam niyo po ba kung asan yung Class A ng Grade 11?" Tanong niya sa lalaking naka-cap at naka-off plain white t-shirt

"Punta ka sa Principal's Office tas doon ka magtanong" maikling sagot nito na ikinakunot ng noo ni Kyrille bago magdirediretso ang lalaking pinagtanungan niya. Sinamaan niya ito ng tingin habang paalis ito, he's rude.

"Gago 'to si Ken!" Sigaw nung isa pang lalaking kasabay niya bago ito sundan. Samantalang tumigil naman sa harap niya ang isang lalaking hindi pamilyar ang itsura. But he was surely cute for her

"Bago ka lang po ba? Pagpasensyahan niyo na po yung lalaki kanina. Sadyang ang sarap lang kotongan nun. By the way, I'm Justin, Justin de Dios. Class A ka diba? Halika sabay na tayo" nakangiting ana ni Justin kaya napangiti narin si Kyrille dito. Buti pa ang lalaking ito, samantalang yung nauna akala mo naman gwapo kung makaasta.

Since first day ni Kyrille sa school na 'to ay sumunod lang siya sa nagpakilalang si Justin at ayaw niya na lang isipin yung lalaki kanina dahil mas lalo lang nag-iinit ang ulo niya.

"Nice to meet you, Justin. Salamat ha" Justin just smiled at her saka sinenyasan siyang sundan siya papunta sa assigned rooms nila.

_____

"Samantha my friend!" Salubong na sigaw ni Stell saka yayakapin sana si Kyrille nang nakabusangot niya itong hawiin.

"Oh? Bakit parang mukha kang nawalan ng minamahal sa itsura mo" pang-aasar ni Stell dito bago umupo sa tabi ni Kyrille

"Sabi ko naman kase sayong samahan mo ako dito dahil hindi ko masyadong kabisado ang lugar na 'to. Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita eh. Nanggigigil ako sayo" Sabi nito akmang ihahampas ang bag na dala niya sa binata.

"Sorry na nga!" Ani Stell. Ngumiti ng peke si Kyrille bago muling nagsalita

"Nababadtrip ako dun sa pinagtanungan ko. Parang tanga kausap. Buti na lang talaga may dumating na cute para tulungan ako papunta dito dahil hindi ako sinundo ng tukmol kong kaibigan" Nakita niyang napakamot si Stell sa batok niya saka ngumiti ng alanganin.

"May cute ka naman palang nakilala eh. Saka isa pa, nakarating ka na naman dito so wala ng problema"

"Akala mo lang wala! Ang sama ng ugali ng lalaking yun. Kung sino man ang huklubang yun, sana di masarap ulam niya" reklamo ni Kyrille. Napangisi naman si Stell

"Wag ka na magalit. Tignan mo na lang ako, pangpa-good vibes kaya ang cuteness ko" Biro ni Stell sabay flower cup na pose pa with matching pout.

"Heh! Oo na Cute ka na. Pero di parin mababago nun yung totoo na may atraso ka saking engot ka" Napanguso na lang si Stell

━━━━━━━━━━━━━━━

KEN's

"Boi, yung crush mo nag update sa FB niya. Ang ganda talaga oh" saad ni Josh kaya agad kong kinuha ang phone niya at tinignan ito.

Napangiti ako nang makita ang sinasabi ni Josh na update ni Sam ng profile picture niya sa Facebook. She's Sam, I don't completely know her pero gustong gusto ko siya. She was the only cosplayer I like.

Crush lang naman. Saka mahilig din kase ako sa anime minsan nga pinagpupuyatan ko pa ang mga yun. They're my hobby and entertainment lalo kapag wala akong magawa.

Isa pa, pag talaga magkakaroon ng adaptation yung mga anime na favorite ko, gusto siya ang gaganap. I don't know, maybe because she was unique.

I mean look at her. I don't usually got a crush on someone pero kakaiba talaga 'tong si Sam when I first saw her.

Mapa Kirari ng Kakegui, Nezuko ng Demon Slayer, Mitsuha ng Your Name at marami pang iba ay kuhang kuha niya.

Balita ko sa mga nakakakilala sa kanya bukod sa maganda siya, mabait, matalino at palakaibigan din daw ang babaeng ito. Kaso di naman ako marunong makipag-kaibigan. We are completely different from each other.

Hindi ko nga minsan iniimik sila Justin pag nag-iingay sila eh. Madalas lang akong nakikipag-asaran sa kanila sa GC namin but I don't usually talk personally dahil feeling ko ang awkward kong tao lalo kapag hindi ko kilala.

Pinupush na rin ako nila Stell na i-message siya. Wala lang, talk about anime ganyan or get to know each other and be friends since silang lima lang daw ang mga kaibigan ko. Kaso nahihiya talaga ako, hindi ko lang sinasabi dahil paniguradong aasarin nila ako. Sasabihin ko na lang sa kanila na busy ako para hindi na nila ako kulitin pa. Nakakarindi kaya.

Talagang kinukulit pa nila ako na kausapin ko raw siya, ewan ko ba sa kanila. I like her pero not that much. Siguro like I am someone who was just attracted to her pero hindi that point na iniisip nila.

Feeling ko lang ang cringe


"Bakit kasi di ka magfriend request diyan? Baka maunahan pa kita" sumama ang tingin ko kay Josh. Heto na naman sila at kinukulit nila ako

"Wag niyo na nga akong kulitin! Pang-ilan na yan, Josh Cullen" seryosong sambit ko sa pangalan niya

"Joke lang. Pero kung ako sayo. Magsesend na ko ng request sa kanya at magmemessage na ko. Baka maunahan pa ko" There's still a part of me na gusto siyang makausap and be friends with her on fb kaso nahihiya talaga ako.

I just feel like magsasayang lang siya ng oras kung magkaka-interes man siya sa akin. I don't have an exciting life.

"Pag-iisipan ko" sagot ko lang saka ibinalik ang phone niya. Narinig kong tumunog ang bell kaya dali-dali kaming tumakbo ni Josh papasok ng room kung ayaw naming mamarkahan as late.

TO BE CONTINUED..

❛Notice❜ ┇ SB19's Ken✔️Where stories live. Discover now