⚘ lima

468 30 0
                                    

SAM

"Buti naman at sinundo mo na ako this time" nakapameywang kong salubong kay Stell nang makita siya sa tapat ng bahay.

"Opo mahal na kamahalan. Baka isumbat mo na naman sa akin eh" sabi niya saka inirapan ako. Waw lang ha, napipilitan lang ata 'tong tukmol na 'to para sunduin ako.

"Alam mo mauna ka na nga. Labag ata sa loob mo na sunduin ang bespal mo. Sige na, mauna ka na dun!" Sabi ko sabay tulak sa kanya paalis.

"Eto naman si Sam. Syempre joke lang naman yun, masyado ka namang maramdamin" sabi niya saka kumapit sa braso ko.

"Ajero, bitawan mo nga ako! Para kang tuko kung makakapit dyan eh" saway ko sabay hawi sa kanya para bumitaw siya sa braso ko.

"Sorry na nga kase" This time, ako naman ang umirap sa kanya. Sino ba naman kase ang makakatiis sa lalaking 'to?

"Oo na. Bitawan mo na ako utang na loob, Stellvester" Ngumiting tagumpay naman siya saka bumitaw sa akin, finally.

"Oo nga pala, kamusta nga pala kayo ni Ken?" sabi niya pa sabay sundot sa tagiliran ko at tumataas-baba pa ang kilay. Siraulo talaga 'to, hindi ko rin alam kung bakit naging kaibigan ko yan eh.

"Walang kami" blankong sabi ko habang patuloy lang sa paglalakad.

"Wala naman akong sinabi ah. Defensive mo, Samantha ha" Kaagad ko namang hinampas ang braso niya. Napaka-maissue talaga ng isang 'to.

"Aray ko naman!" reklamo niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil nabubwisit talaga ako sa kanya.

"Ni hindi ko nga kilala yung taong yun tapos aasarin mo sakin. Abnormal ka" Sabi ko saka inirapan siya.

"Edi ipapakilala kita. Ehem ehem" sabi niya pa na parang nagvo-vocalize at naghahanda para sa pagsasalita. Kung ano man ang sasabihin niya tungkol sa lalaking yun, hindi ako magiging interesado.

"He's Felip Jhon Suson" Wait, pero ang pangalan niya sa account niya is Ken. Ang layo naman ng real name niya sa nickname niya. Pero sabagay, ano bang pake ko dun sa lalaking yun dzuh.

"He's technically has the same age as you"

"Alam mo, Stell. Hindi ako interesado sa kanya kaya di mo na kailangang ipakilala ang damuhong yun sa akin okay?" Page-explain ko sa kanya.

"Teka, ano ba kase talagang nangyare?" Tanong niya sa akin. Sa totoo lang kapag naaalala ko yun, mas lalo lang akong nabubwisit sa pagkatao ng lalaking yun.

"Naliligaw kase ako nun sa campus and he was the only person I saw in the hallway kaya kahit na sobrang nahihiya pa ako, I asked him kung saan yung magiging room natin. And guess what he said"

"Ano?"

"Pumunta daw ako ng Principal's Office at doon magtanong. Like hello! Naliligaw ako boi, paano ko mahahanap kung saan yung Principal's Office, buang ka" Narinig kong humalakhak si Stell. Aba, tuwang tuwa siya sa kahayupan ng bulok niyang bespren. Kagigil ha.

"Pagpasensyahan mo na yun si Ken. He just doesn't like to talk too much" Wala naman kase akong pake sa kanya pero nanggigigil parin ako sa sinabi niya.

"As if naman may dahilan siya" sabi ko saka umirap.

"Wala naman. Simula pa lang nung makilala namin yun, hindi niya na talaga gustong makipag-kaibigan sa ibang tao bukod sa aming lima. Isa pa, he was very different sa chat kase sobrang mapang-asar at daldal niya sa chat compare to personal" Maybe he was an Introvert. Well, I am more on a friendly person kaya siguro simula pa lang hindi ko na siya gusto because we are completely different at each other.

Saka isa pa, who cares kung magkaiba kami sa isa't isa. Ayoko rin naman makipag-kaibigan sa kanya simula nung sungitan niya ako sa hallway.

Alam niya bang walang gumagawa sa akin nun simula pa lang? Nor maybe because he still doesn't know na I am his favorite cosplayer. Magkaibang magkaiba ang mukha ko kapag naka-costume. And honestly speaking, pag may costume lang ako may confidence than the usual.

"Pero sure ako makakasundo mo rin yun si Ken. Lalo parehas kayong mahilig sa anime" Kahit na parehas kaming mahilig sa anime, we still have a looot of differences at each other.

"I am not interested in him. Bahala siya sa buhay niya 'no" sabi ko saka inunahan siyang maglakad.

"Nga pala, Sam. Sabay tayo mag-lunch mamaya. May ipapakilala ako sayo" Nakangiting sambit ni Stell bago kami makapasok ng room.

"At sino naman aber?!" Nakapameywang kong tanong.

"Mga friends ko. I'm sure na makakasundo mo sila" Sana nga.

"Fine. Sige, mamaya"

TO BE CONTINUED..

❛Notice❜ ┇ SB19's Ken✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon