Chapter 4

412 11 0
                                    


Chapter 4

Selfish

"Girl, ba't ang sama naman ng tingin ng 'yon sa 'yo?" Tanong ni Adriane habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Ewan," sagot ko naman.

Kahit ako hindi ko alam kung bakit masama ang tingin sa akin ng lalaking iyon. I don't even know what is the reason behind that glare. Did I do something wrong? Oh my gosh, did he think I was the reason why his girlfriend left?

"Bakit kaya ang sama ng tingin sa 'yo? Baka may kasalanan ka sa kaniya?" Si Lizele.

"At ano namang kasalanan ko do'n? Ni hindi ko nga kakilala iyon," totoo naman, hindi ko naman kilala iyon kahit pa napulot ko iyong ID niya at kahit pinahiram niya ako ng jacket. He's a stranger to me.

"Sigurado ka bang hindi mo talaga kilala?" Nakangising tanong ni Faber.

"Hindi nga, I swear."

"Sus, baka mamaya crush mo pala 'yon," nanunuksong si Adriane.

"Gusto mong upakan kita, Adriane?" Umamba akong sasapakin siya ngunit kaagad siyang umiwas.

"Joke lang, ito naman 'di mabirio," aniya tsaka nagpeace sign pa.

"Joke-joke, hindi ako natutuwa ah. I don't know what I did wrong."

"Tama na 'yan 'oy. Nandiyan na si Kuya Bryan," Turo ni Faber kay kuya na naghihintay na pala sa amin. Susunduin nga pala niya kami ni Faber.

"Uuwi na kami, bye," paalam ko.

"Bye! See you guys tomorrow! Ingat kayo!" Muli kaming kumaway ni Faber bago kami tumawid sa kabila kung saan naghihintay si Kuya. Kaagad na kaming pumasok sa sasakyan at naupo kaming dalawa ni Faber sa passenger seats.

"I'm not your driver, for your information," ani kuya. Saktong na nakaputing t-shirt lang siya at khaki shorts.

"Bakit hindi ba, kuya? You're the one who's driving so technically, you're a driver," Faber said.

"What do you call yourself then? Syempre driver ka, ikaw nagmamaneho. Alangang security guard ka," I teased him.

"Then I'm the most handsome driver," he said confidently.

"Hala siya, delusional. Tama na kakadrugs," pang-aasar din ni Faber.

"Minsan parang password mo lang 'yang kagwapuhan mo," ani ko na ikinalalim pa ng gitla niya sa noo.

"Password? Anong konek ng 'yon sa kagwapuhan ko?"

"You don't know why? God! Poor Bryan! Ang kagwapuhan mo, parang password. Madalas, ikaw lang ang nakakaalam," natatawang sagot ko.

"Shut up! Or else iiwan ko kayo dito," banta niya pa.

"Isusumbong naman kita kay Mommy," pananakot ko.

"Buti kung pakikinggan ka niya," biglang nawala ang kaninang kasiyahan na nararamdaman ko.

"Feda, I'm sorry," kaagad niyang pagbawi nang mapagtanto niyang hindi magandang biro ang sinabi niya.

"Uwi na tayo," walang buhay kong sagot.

I am so offended. Even if he's joking, it still hurts. I know he's telling the truth, na hindi rin naman ako pakikinggan ni Mommy kahit isumbong ko siya. Pero masakit pa rin pala na ipamukha sa akin na hindi ako pinakikinggan.

"Dito na 'ko, kuya, Feda, ingat kayo," ani Faber nang makarating na kami sa bahay nila.

"Sige," sagot ko at muling tumingin sa kabilang parte ng bintana.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon