Chapter 15

364 9 0
                                    


Chapter 15

Matilde

"Wait, wait. They will join us?" Kunot noo kong tanong kay Mommy.

"Of course, hija. We're going to be one big family. Kaya wala akong nakikitang dahilan para hindi natin sila isasama?" She answered.

"Isn't it a good idea?" Donya Avria said excitedly and I faked a smile.

I don't like this idea! Mas gugustuhin ko pang mabulok sa bahay kaysa magbakasyon kasama ang pamilya.

Nagpaalam muna ako sa kanila na aakyat papunta sa kwarto para makaligo at makapag-ayos ng mga dadalhin ko para sa bakasyon namin sa Batangas.

"I'll stay here, Feda. Kailangan kong kilalanin 'tong fiance mong intsik," bulong ni Faber tsaka tumawa nang mahina.

"Bwisit ka," natatawa kong bulong pabalik.

Iniwan ko na muna sila sa labas at pumasok na sa loob tsaka pumanhik sa taas. Bukas ang pinto ng kwarto namin ni Donello, marahil ay naiwang nakabukas.

"O, Feda," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Maiah," pagtugon ko tsaka ngumiti sa kaniya.

"Aalis 'di ba kayo?" Tanong niya habang nagpupunas ng picture frame na nakapatong sa may salansanan ng libro.

"Oo."

"Mabuti ka pa, nararanasang magbakasyon," gumuhit ang lungkot sa mga mata niya na nagdulot sa akin ng awa.

"Hindi ko pa naranasang magbakasyon, kahit isang beses. Kasi wala akong pera," pahina nang pahina ang tinig niya na tila ba ay nahihiya sa isiniwalat niya.

"I have an idea," ani ko na tila may bumbilyang biglang umilaw sa ibabaw ng ulo ko.

"Ano 'yon?" Takang tanong niya.

"Isasama kita sa Batangas, I'll talk to them," sabi ko at umaliwalas ang mukha niya.

"Talaga?"

"Oo naman, ayusin mo na ang mga damit mo. Isasama ka namin, don't worry, akong bahala," tuwang-tuwa siyang yumakap sa akin.

"Naku! Maraming salamat, Feda."

"Maliit na bagay. I'll excuse myself, maliligo pa ako," bahagya akong natawa sa huli kong sinabi. Nakayakap na ako sa ibang tao pero hindi pa ako nakakaligo.

"Sige," aniya tsaka lumabas.

Bago ako tuluyang pumasok sa banyo ay kumuha na ako ng damit na isusuot. Ayoko na kasing mangyari ang kung ano mang nangyari kagabi.

Simpleng shorts at oversized na damit ang sinuot ko dahil narito lang din naman ako sa mansyon. Mamaya pa naman kami aalis kaya mamaya na lang din ako magpapalit ng pang-alis. It's a bit awkward to wear something pricey when I'm at home. Even the smallest thing I have came from a luxury brand.

Because I am Feda. A Santiago. A Rowelle.

Both of my parents came with such an empowered family. It runs in our blood. The money, the fame, all of it. So I was raised with full pressure. I was born to be prim and proper, to be sophisticated, to be classy and elegant, to act with aristocracy because I am one of those what you called "elite."

I carry their names so I can't show such lameness. I shall not let people around perceive me as someone so low. In a world full of flaws and imperfections, I was told to be perfect. Being a Santiago and a Rowelle is a tough thing. Some say that they want the life that I have, but would they choose this life over the freedom they have?

I am caged inside these laws they made which in fact I didn't sign up to. I can't make decisions without consulting my beloved parents. I can't live the life I wanted if it wasn't planned by them. The only thing I am free to do is to breathe, act like everything is fine, and just go with the flow without enough knowledge.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon