Chapter 14

304 9 0
                                    


Chapter 14

Vacation

What the fuck is this text? Bakit ganoon magtype ang taong iyon? Kinulang sa letra ang mga salita niya. May alien invasion na ba?

"Feda!" Ngayon ko lang napansin na nasa akin na pala ang buong atensyon nilang lahat.

"What?" I curiously asked.

"Anong o-orderin mo?" Tanong pabalik ni Faber sa akin.

"Chicken alfredo," sagot ko.

"Who texted you ba kasi?" Si Lizele.

"I don't know, it's from an unknown number." I lied. I know who texted me. It's none other than fucking Donello! Hanggang sa text ba naman, nang-iinis pa rin siya?

"Ano sabi?" Tanong ni Aaron bago uminom ng juice.

"Dunno. Kulang-kulang letrang nakalagay. 'Di yata marunong magtext 'yon," sa mukha niyang iyon, kulang-kulang siyang magtype? Don't tell me he doesn't know how to spell? But that's freaking impossible.

"Don't mind the text na lang, let's kain na," hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi mapangiti o matawa sa tuwing nagsasalita si Lizele. Sa loob ng walong taon niyang paninirahan dito, may accent pa rin ng pagiging British niya. Fluent siyang mag-Tagalog, ewan ko ba sa kaniya kung bakit gusto niya na conyo pa.

"Kain na tayo, jutoms jones na 'ko mga sizzling hot sisig," ani Adriane habang pinupunasan ng tissue ang mga kubyertos. Hinintay na muna naming maihatid sa lamesa ang lahat ng mga inorder bago kami kumain. Hindi ko na pinansin ang text at hindi na nireplyan pa.

Marami-rami kaming napag-usapan sa loob ng dalawang oras naming pananalagi roon sa kainan. Mabuti na nga lang at hindi kami pinaalis ng may-ari at ng ibang kustomer dahil ang ingay ng pwesto namin. Napuno ng tawanan ang lamesa namin lalo na nang magkwento sila.

"Uuwi na 'ko," paalam ko dahil nakakaramdam na ako ng antok.

"Ako rin," anang iba pang kasama.

"Kita na lang ulit tayo sa pasukan," saad ni Althea habang ka-text ang driver na susundo sa kanila ng kapatid niyang si Adriane.

"Enjoy the rest of our vacation. Have a safe trip, everyone!" I said.

"Same. I'll bring you guys souvenirs na lang pag-uwi ko," dagdag pa ni Lizele. Tuwing may okasyon ay kaniya-kaniya kami ng alis. May ibang umuuwi ng probinsya at ang iba ay nagbabakasyon sa ibang bansa.

Naghiwa-hiwalay na kami nang magpasya ng umuwi. Kumaway pa muna kami bago tuluyang mawala sa paningin nila.

"Batangas daw tayo," naghihikab na sabi sa akin ni Faber.

"Batangas? Wala namang sinabi sa akin na pupunta ng Batangas. Kailan ba 'yan?" Tanong ko. Hindi ko alam na magbabakasyon pala kami sa Batangas. Kung hindi sinabi ni Faber ay hindi ko pa malalaman.

"Hindi pala nasabi sa 'yo? I just heard it from Mommy while she's on the phone with Tita Allaiah."

"I don't recall anything like that. Walang nabanggit sa akin tungkol sa pagpunta sa Batangas."

"Tomorrow night. Baka sasabihin pa lang sa 'yo— be careful," paalala niya nang may makitang lubak sa daan. Papikit-pikit na ako dahil nga sa antok kaya naman tinawagan ko na ang drayber para magpasundo. Isinabay ko na pauwi si Faber at inihatid muna sa kanila.

"Tulog na si Mommy," hagikhik ni Faber.

"Sige na. Yari ka kay Tita," I kissed her cheeks before I left.

Masyado na talaga akong inaantok dahil nakatulog na ako sa sasakyan at nagising na lamang ako nang pakiramdam ko ay binubuhat ako. Bahagya kong ibinuka ang mga mata ko. Kaagad akong napamulat nang makita ko kung sino ang kasalukuyang bumubuhat sa akin.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon