Chapter 13

303 8 0
                                    


Chapter 13

Text

"What did you do to my daughter?!" Nanlilisik ang mga mata ng aking ina. Mabilis niya akong dinaluhan at inalalayang tumayo. Pumunta siya sa harapan ko na animo'y pinagtatanggol ako mula kay Maiah.

"Mom, wala siyang kasalanan. Aksidente lang akong natapilok," mahinahong sabi ko.

"I saw it, Feda! She tripped you! She did that on purpose!" Pagturo niya pa kay Maiah na ngayon ay nagsimula na namang umiyak.

"It's okay, wala kang kasalanan," I assured her.

"What's going on here?" Boses ni Don Gavrilo na kararating lang.

"Look at her. Ganiyan ba ang safe rito, Gavrilo? It's not that I'm blaming you but look at my daughter. Kung hindi tatapunan ng juice, papatirin pa sa may bubog! My God!" Bahagyang napailing-iling si Mommy.

"No! Wala siyang kasalanan. Natapilok lang po ako, it's not her fault. Don't blame her," pagtatanggol ko kay Maiah. I can't stand watching them blame her when I know that it was just an accident.

"Nabubog ka nga kanina dahil diyan tapos mabububog ka na naman? Ano? Palaging may basag na baso?" Sunod-sunod na sabi ng aking ina, ayaw magpatalo kahit na anong gawin kong pagdepensa.

"She wouldn't do that, Mom. Hindi 'yan gagawin ni Maiah. I know her—"

"Really, Feda? Gaano mo ba kakilala 'yan at ipinagtatanggol mo pa kahit ikaw na ang nasaktan? You just met her, hija! Hindi ka sigurado kung talaga nga bang mabait 'yan o sinasadya ka niyang saktan kasi ayaw niyang maikasal ka kay Vixtus? You shouldn't trust people that fast!"

My God! She's back at it again! Doesn't she know how and when to stop?

"Oh my God! This is so embarrassing, Maiah!" Aligagang saad ng Donya na dumating kasama si Donello. Marahil ay narinig nila ang komosyong nangyayari rito.

"What happened here?" Si Daddy na may bitbit pang kahon.

"Itong anak mo, Marcus, nasugatan na naman," pagtukoy nito sa akin.

"Why?"

"Itong babaeng ito, pinatid ba naman ang anak natin—"

"Mommy, please. Stop. It was just an accident," agap ko. It looked like I was begging for them to just listen and believe in me.

"It wasn't! Even if it was, bakit palagi kang napapahamak kapag kasama mo 'yan? It's not an accident anymore, Feda. Paulit-ulit na aksidente? O talagang sinasadya mo na?" Pilit kong pinapakalma ang histerikal kong Ina na gumagawa na naman ng eskandalo.

"Again, it's not her fault. So please, don't blame her—" pagsabad ni Donello at hinila paalis si Maiah.

"Vixtus!" Sigaw ng kaniyang mga magulang ngunit nagtuloy-tuloy lamang sila sa pag-alis.

"Feda, you okay?" Kaagad akong dinaluhan ni Daddy.

"I'm okay," mariing giit ko tsaka naupo ako sa upuan.

Mukhang malalim-lalim ang nahukay ng naapakan kong bubog. Bwisit. Kaya ganoon na lang ang pagkaigik ko nang sinubukan ko iyong iapak sa sahig.

"Let's bring her to the hospital," anang Donya na nila nandidiri sa nagdurugo kong paa.

"I'm okay—"

"You're not," pinandilatan ako ng mata ng aking ina. Ano bang pinaplano nito? Ano na naman bang kalokohan 'to?

Inakay nila ako palabas tsaka isinakay sa sasakyan at nagmamadaling ibinyahe ako papuntang ospital. God, how I hate drama!

"Doc, unahin niyo siya," kung makapagpanic, akala mo nabaril ako.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon