Chapter 21

368 7 0
                                    


Chapter 21

Cut off

Hindi ko na nireplyan pa ang text ni Mommy. I have no energy to even type a single letter. Iwinaksi ko muna ang mga problema ko at sinubukang magpahinga.

"Bonevee?" Si Eunice habang kumakatok.

"What? Ahora qué? I'm resting!" Sagot ko habang nakapikit ang mga mata.

"Open the door! Let me see your wounds!"

"Wound lang. Plural ka naman, iisa lang 'to. Daplis lang naman ito at malayo sa bituka,” sagot ko.

Wala rin naman akong pakialam sa natamo ko. Normal na ito para sa akin at sanay ako sa pisikal na sakit. Dumilat ako habang nakatingin sa kisame.

"Open the door!" Pagpupumilit pa niya.

"Bakit ba ayaw mong pihitin ‘yang doorknob? Buksan mo, OA ka masyado. Nakabukas ‘yan,” nagtakip ako ng unan sa tainga dahil gusto ko talagang magpahinga.

"Bakit hindi mo sinabing nakabukas lang 'yon?" Tanong niya.

Pumasok siya at dinaluhan ako. Naupo siya sa bakanteng bahagi ng kama.

"Nagtanong ka ba?" Tanong ko rin pabalik.

"How are you feeling? You okay?"

"Mukha ba akong hindi okay?" 

"Ano bang nakain mo at hindi ka nagpatulong? We could've helped you beforehand."

"Mukha bang kinailangan ko ng tulong kanina? Tsaka hindi pa ako kumakain.”

Padarag siyang tumayo at hinampas ang lamesang katabi.

"Why are you answering me with questions too? I need your answer, not another question! La perra!" Sigaw niya.

"Can you please lower down your voice? Masyadong masakit sa tainga, Eunice. Naiirita na ako. I just want to rest," ngayon ay hinarap ko na si Eunice. Pinukol ko siya nang napakatalim na tingin. Hindi na lang kasi makuntento sa isinagot kong ayos lang ako.

"Okay! Okay! Okay—" pinandilatan ko siya dahil sumisigaw na naman ito.

"Okay," aniya at itinaas ang dalawang kamay.

"Kung makasigaw ka sa akin, akala mo ikaw ang mas matanda sa ‘ting dalawa,” asik ko.

"Seventeen na ako—”

“I'm turning nineteen, Eunice. Ikaw, kaka-seventeen mo pa lang."

"Parehas lang naman tayong estudyante—”

“Excuse me. I'm a college student.”

"Fine. Pero seryoso, bakit ka nagsolong makipaglaban kanina? Tingnan mo, nadaplisan ka pa," turo niya sa sugat ko.

"Nagpadaplis. Magkaiba ang nadaplisan sa nagpadaplis. Ang nadaplisan, hindi iyon sinasadya. Pero sa ginawa ko, sinadya ko talagang magpadaplis."

"Bakit palagi kang may paliwanag sa simpleng bagay? Nadaplisan o nagpadaplis. Pareho lang 'yon, daplis pa rin, sinadya mo man o hindi. Kaya sige, sabihin mo sa akin kung bakit pumunta ka rito kanina at umalis kaagad. Nagmamadali ka pa tapos pagdating mo rito mag-isa kang nakipaglaban."

“I had to do something earlier. Naburyo rin ako kaya bumalik ako ulit dito. Like I told you, boring doon,” palusot ko pa.

Tumahimik lang ako at ipinalibot ang tingin sa buong kwarto. Lumulutang ang isip ko at kinakailangan ko lang talagang magpahinga.

"Is it about your fiance?" sinadya niyang diinan ang huling salita at napatingin ako sa kaniya. Kaagad din akong nag-iwas ng tingin nang pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon