Chapter 38

470 7 0
                                    


Chapter 38

Madly Adore

"Magkakaapo na tayo, Marcus!" Parang teenager si Mommy na hawak-hawak ang kamay ni Daddy habang tumatalon.

"Oh my God! Tita na talaga tayo!” Tuwang-tuwa sina Faber at Feli habang nagpupunas ng luha. Nakitalon din ako ngunit kaagad akong sinaway ni Tita Matilde.

"You're not allowed to jump, skip meals, sleep late, and eat unhealthy food, hija. It's not only you now, Feda. There's an innocent life inside your womb that you have to take care of," maawtoridad na saad ni Tita Matilde sa akin at pinandilatan pa ako ng tingin.

“Sorry,” paghingi ko ng paumanhin.

“I'll contact our family's ob-gyne to schedule you an appointment,” si Daddy habang hinahanap ang numero ng doktor sa kaniyang telepono.

“Let's call this a day. I'll rest na po,” paalam ko sa kanila.

“Bryan, alalayan mo nga siya paakyat sa kwarto niya at baka mapaano sa hadgan.”

"Mom! I can walk!” Giit ko.

"Baka madulas ka, you're pregnant pa naman," I loudly sighed because I was left with no choice. Tumayo si Kuya at humawak pa sa balikat ko nang umakyat kami sa hagdanan.

“You want something to eat, Feda? Any cravings?” Pagtatanong ni Kuya sa akin.

"Nothing, I just want to sleep. I'll update you when I am craving something, " tumatango-tango lang siya sa isinagot ko.

Nang makarating na kami sa kwarto ko ay pumasok na kaagad ako't isinarado ko ang pinto. Masuri kong tiningnan ang buong kwarto ko.

Ganoon pa rin noong iniwan ko. Walang pinagbago.

Nagtungo ako sa malaking aparador at kinuha ang painting ni Donello. Nasa akin pa rin iyon hanggang ngayon. Balak ko na sanang ibigay iyon kay Donello pero hindi ko naman siya kasama.

"Donello, I'm sorry. Magpakita ka na sa akin, please. I hope you are safe and sound. I miss you so much, and I know that our little one misses you, too," sambit ko habang pinagmamasdan ang larawan niya.

ilang sandali ko pa iyong tinitigan bago ko isinabit sa aking pader. Papahiga na sana ako nang kumalabog nang malakas ang pinto ng aking kwarto.

"What the hell?!" Hiyaw ko tsaka binuksan ang pinto.

“Feda! I found him! Here, this is your ticket,” hinihingal na lumapit sa akin si Feli at ibinigay ang ticket papuntang Cebu.

“Ano namang gagawin ko rito?”

“Kakainin siguro? Masarap ‘yan e, ‘no? My gosh! Siyempre pupuntahan mo si Donello! Tell him that you are alive and you are expecting your baby!”

“That is so lame, Feli. Ano? Pupuntahan ko siya para ianunsyo na, hello, buhay ako! Tsaka buntis din! Ganoon ba ang gusto niyong mangyari?”

“What? Oh my gosh! What's wrong with you? Ayaw mo bang makita si Donello sa Cebu? This is your time to finally see him, Feda.”

“What? Ang laki ng Cebu! Hahalughugin ko pa ba ‘yon para lang makita siya?”

“I got his location. I'll text it to you.”

“Why don't you do it and tell him that I am alive?”

“What? Me? Why would I want to do that? I have a date later. Tsaka ikaw ang fiance. Ano bang problema bakit ayaw mong puntahan?”

“Tinatamad ako. I want to sleep,” I casually answered.

“Yan lang?! Tinatamad ka?!” histerikal nitong tugon.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon