Chapter 17

303 9 0
                                    


Chapter 17

Glare

"Kuya," hindi ko masagot ang tanong niya sa akin.

"Do you like him?" Mariing tanong niya.

"I don't know! Kuya, hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. I don't know why I'm acting like a brokenhearted girl! This isn't me!" I sobbed then hugged him.

"Hush," alu niya sa akin tsaka niya ako niyakap habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"You don't have to answer it. I know, you like him," aniya na para bang matagal niya ng alam.

"No, that's impossible," naiiling kong tugon.

"Why? Ano naman kung magkagusto ka sa kaniya? He's your fiance. I don't see anything wrong about that," kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya nang maigi.

"He is taken, Kuya Bryan! Our marriage isn't made by love! Kaya nasisiguro kong hindi niya rin 'to gusto. Isa pa, he's owned by Maiah. Hindi ko kayang manira ng relasyon ng iba," pagpapaliwanag ko.

Donello is with Maiah. She had him first before I entered the picture. Ayaw kong mang-agaw. They clearly made themselves clear that they are in a relationship. That they are truly in love with each other.

"Hindi mo naman siya aagawin. Sa mata ng nakararami ngayon, kayo ng Chua na 'yon ang magkarelasyon. His parents announced your marriage. Kung malalaman nila na nobya ng Chua na 'yon si Maiah, they will call her a whore— kerida."

"Kuya!" Paninita ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"What? Believe me, Feda. I know how this works. And stop denying what you truly feel, you can't hide it for a lifetime. You do like that person. The more you try to deny it, the more it will make you look stupid. Nakikita ko na, makikita na rin 'yan ng iba. Kaya kung ipipilit mo na hindi talaga siya gusto, nagsisinungaling ka na lang sa sarili mo. We can read you as if you're an open book."

"I don't like him, Kuya. I will never like him," matigas kong sinabi at pilit na itinatanggi ang pinupunto niya.

"If you say so," hindi talaga siya kumbinsido sa ipinipilit ko dahil nakita niya na akong umiiyak.

"I'll take a rest, Kuya. Baka pagod lang 'to," tinitigan niya muna ang mukha ko bago marahas na bumuntong hininga.

"Mukhang kailangan mo nga. Just text me if you feel not fine, okay?" I nodded.

Hinintay niya muna akong makapasok sa kwarto bago siya bumaba para kumain.

I don't like him. It is bad. Hindi ko kayang magkagusto sa taong may mahal ng iba. Hindi ako papasok sa isang bahay na dalawa na ang nakatira. I just can't do it. That is so illegal. Hindi ko maatim na magkagusto sa taong may karelasyon na.

Nahiga na lamang ako sa kama at ibinalot ang sarili ko sa comforter. Ilang sandali ang lumipas at tuluyan na akong nilamon ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog ngunit nagising ako dahil sa tunog ng aking telepono.

Ringleader calling...

Kaagad akong napabalikwas at madaling sinagot ang tawag.

"Hola, ringleader," bati ko.

"Hola, crow. Where are you?"

"Batangas."

"Oye¡! You're on a vacation?! Haha!" Pagtawa niya na tila matandang nabisto ang apong ngumangata ng matatamis.

"¿Por qué, ringleader?" Tumayo ako nagsimulang mag-ayos ng aking sarili.

Hindi naman ito tatawag ng walang ipapagawa sa akin. Kapag siya ang tumawag, ibig sabihin lang ng 'yon ay may trabaho na akong dapat gawin.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon