Chapter 23

341 9 0
                                    


Chapter 23

Raccoon

"Sinusumbatan mo ba ako, Feda? I'm still your mother!" Dinuro niya ako at iniwas iyon ni Tita Matilde.

“Then why can't you act like one?!” I fired back.

"You're being too far, Allaiah! Stop blaming and using your own daughter! Tama na ang paggamit mo kay Feda dahil sa sinisisi mo siya sa pangyayaring wala naman siyang kinalaman! It's not her fault, Allaiah! Wake up! She lost her twin sister and you keep on blaming her even though it was an accident! Can't you see yourself?! I was there when the accident happened. Walang may kasalanan sa sunog pero ibinubunton mo sa anak mo ang lahat! Sa pamamagitan pa ng paggamit mo sa kaniya! She's not your toy!” Tita Matilde shouted, full of anger and disappointment.

Natulala ako sa narinig ko at ganoon din si Faber.

"What did you say? May kakambal ako?" Pag-uulit ko at marahang tumango si Daddy.

"She's Beatriz Felicia, she was a few minutes older than you. Nagkasunog noon sa ospital at kinuha na nang tuluyan sa amin ang kakambal mo," malungkot na sagot ng aming ama.

“What? Dad? Mom? I have another sister? Do they have the same face?” Sunod-sunod na tanong ni Kuya Bryan na tila nagulat din sa nalaman.

“They do,” mahinang sagot ni Mommy.

"Kaya pala. Kaya pala pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin dito. Kaya pala palaging si Kuya ang nakikita niyo. Kaya pala nagmumukha akong multo rito. That explains why you keep on using me for your own sake. Ako pala ang sinisisi mo, and guess what? I remind you of her,” I scoffed.

"Hindi ka namin ginamit, Feda!" Depensa niya.

"Hindi ba? Tama na, Mommy! Hindi ka pa rin ba titigil? Ayaw ko na. I'm sorry kung namatay si Beatriz dahil sa akin. I'm sorry if you feel like it was my fault. I should've been the who died back there, maybe life would be less cruel to me,” napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Nasapo ko ang aking mukha. Ang bigat. Ang sakit ng lahat.

"Feda, wala kang kasalanan," pag-alu ni Faber sa akin at yumakap.

"Allaiah! Alam mo ba kung anong nararamdaman ng anak mo? Nakikita mo ba siyang umiiyak? Narinig mo ba siya noong kinuwestiyon niya ako kung totoong anak mo raw siya? I'm maybe not her mother, but it hurts! How could you do this? Buong buhay niya inintindi niya kayo! This child had to learn on her own because you're all weren't there! She grew up without knowing how to be loved by her own parents!” Galit na galit si Tita at kitang-kita ko sa mukha niya ang emosyong namumutawi sa kaniya.

“I once told you, Allaiah. If you cannot take care of her. If you cannot treat her better. Give her to me. Feda don't deserve any of you. You take advantage of her, you make her do things that are convenient for you. I'll do the job. I'll take care of her, and you can't lay your hands on her or even touch her hair. I'll keep her away from you. I will be selfish for Feda. The moment I knew you're not treating her well, I could've just taken her away then raised her, but she refused. She believed that you're going to love her someday. Now, I will take her with me, Allaiah. I will do your job that you never fulfilled,” Tita Matilde went in front of me, protecting me from them.

Natahimik ako at sinariwa ang lahat-lahat. Gusto ko na tumakas dito. Pagod na ako. Hindi ko sukat-akalaing, sa lahat pala ng nangyari, ako ang sinisisi ni Mommy. Kaya pala ganoon ang trato niya sa akin. Mas pabor sa kaniya ang kakambal ko. Hindi ko naman kasalanang wala na siya. Wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo. Pero bakit kung ituring nila ako'y parang ako pa ang pumatay sa sarili kong kakambal?

"Allaiah—" napatingin ako sa mga Chua na kararating lamang. Nagpasalit-salit pa sila ng tingin sa aming lahat at tila naguguluhan sa nangyayari.

"Feda," kaagad akong nilapitan ni Donello. Ngunit bago pa iyon mangyari ay kinuha ko ang dapat kanina ko pa kinuha at mabilis na bumaba sa kwarto.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon