Chapter 3

476 11 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: I'm all about you by Aaron Carter

Chapter 3

Glare

"O-Oo," kaagad akong lumayo sa kaniya dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Naiilang ako.

"Your skirt has been ripped," agad nanlaki ang mga mata ko sa inanunsyo niya. Did he see my… Oh my God! Oh my God!

"Did you see anything that should not be seen?" Nag-aalalang tanong ko.

"I didn't, okay. I'm not that pervert. Here, use this to cover your ripped skirt," he said then gave me his jacket. I was doubting if I would accept it or not but he assured me and insisted that I should use it.

"Take it or you'll be the headlines of the eavesdroppers," I was left with no choice so I accepted it.

"Thank you," I sincerely said. I scrutinized his face and I suddenly realized that it's him! The one who fell off his I.D!

"Sandali—"

"I have to go, you're welcome," pagputol niya sa sasabihin ko at kaagad na umalis.

Sayang, hindi ko naibalik iyong I.D niya. 'Di bale na, ibabalik ko na lamang kasabay nitong jacket niya. Laking pasasalamat ko na kaunti lamang ang narito dahil kung hindi, baka tampulan na ako ng tsismis. Nakakahiya! Napagkamalan ko pa siyang kriminal, e gusto lang naman pala niyang tumulong.

Habang mabilis akong naglalakad papuntang palikuran ay tumunog ang telepono ko.

"Feda, where are you?" Ani Faber mula sa kabilang linya.

"Nandito ako sa loob, papuntang CR," sabi ko tsaka isinara ang pinto nang makapasok ako.

"Sige, hintayin na lang kita dito sa labas."

"Sige," tsaka ko pinatay ang tawag. Itinagilid ko ang skirt ko para mapunta sa gilid ang natastas tsaka ko itinali sa baywang ko ang jacket na binigay ng lalaki kanina. Mabuti na lamang at wala siyang nakitang hindi dapat. Kung nagkataon nga na mayroon, matinding kahihiyan iyon para sa akin.

Nang masiguro kong hindi na makikita ang natastas na parte ng aking palda ay lumabas na ako para makita si Faber.

"Faber," pag-agaw ko sa atensyon niya at kaagad naman siyang napalingon sa akin.

"What happened, Feda?" Naka-cross pa ang magkabilang braso niya nang nagtanong siya sa akin.

"My skirt has been ripped," I answered.

"Oh my gosh! Anong nangyari? Nakitaan ka ba? Who gave you that?" Usisa niya tsaka itinuro ang jacket na ibinigay sa akin ng estranghero kanina.

"A stranger," kaswal kong sagot.

"What? Sino naman 'yan—"

"Tara na, gagawa tayo ng project 'di ba?"

"Oo nga pala, nandoon na daw silang lahat sa bahay ng mga Ancheta. Magkwento ka tungkol sa nangyari kanina, ha," tumango na lamang ako para hindi na humaba ang usapan.

Umalis na kami roon at nagtungo sa bahay nila Althea. Kinailangan pa naming mag-tricycle para makarating sa kanila. Nang makarating kami ay sinalubong na kami ng mga katulong nila.

"Kayo pala," anang mayordoma nila.

"Magandang umaga po," nakangiting bati ko at isang beses na tumango.

"Tuloy kayo, nandoon na silang lahat sa sala," ani pa nito.

"Sige po, papasok na kami," pumasok na kami sa loob ng bahay nila't tinahak ang daan papuntang sala. Habang naglalakad pa lamang kami ay dinig na ang umaalingawngaw na ingay nila.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon