Pero dahil prinsipe itong ka date ko hayaan na. Isa pa kahit saan niya ako dalhin sasama naman ako. Aarte pa ba?

"So, where do you want to go next?" Carter asked me sabay punas ng bibig niya.

"Ha? Ano. Saan mo ba dinadala lahat ng ka date mo after niyong kumain? This is my first date. Kaya wala akong ideya." Sabi ko sa kanya.

Carter smirked at me.

"Sa Motel. Where else?" Simpleng sagot niya.

"M-motel? Magmomotel tayo? Gago ka ba? Tangina uuwi na lang ako."

"Bilib talaga ako sayo, Sua. Nagawa mo talaga akong murahin kahit nasa publiko tayo. At isa pa wala akong balak na dalhin ka sa motel. Hindi ka naman babae." Hindi mapaniwalang saad niya sa akin.

Parang gusto ko na lang tuloy maglaho sa huling katagang sinabi niya. Right. I'm not a girl, not even an Omega. Ano pa bang aasahan ko sa lalaking ito.

Kinalma ko na lang ang sarili kahit gusto ko na siyang sakalin. I don't wanna ruin our date. Dahil alam una at huli ko lang ito na mararanasan kasama siya.

"Whatever, Carter." Tanging sagot ko na lang at saka ko na ipagpatuloy ang pagkain. Kahit nawalan na ako ng gana.


After we eat Carter brought me somewhere na hindi ko akaling nag e-exist pala. He brought me to an outdoor skating rink. It's already winter at hindi ko akalain na meron palang ganito sa bansa.

"Wow." Ang tanging salita lumabas sa bibig ko.

I wanted to try pero hindi ko alam kung paano.

"Wanna try?" Carter asked me sabay lahad ng kamay niya sa akin.

"A-ahm..I don't know how." I honestly said. Ayoko namang magmukhang tanga sa gitna at baka mapahiya lang ako.

"Come one. I'll teach you."

I sighed.

"Fine. Basta huwag mo akong bibitiwan lagot ka sa akin." Pagbabanta ko sa kanya. Carter grabbed my hand to pull me towards the rink.

Lumapit kami sa isang lalaki na nagpapahiram ng skating shoes. Si Carter na ang nagsuot ng sapatos ko dahil hindi ko alam kung paano. Nakahawak ako ngayon sa balikat ni Carter habang sinusuot niya sa akin ang sapatos.

"There, let's go." Carter said at saka niya ako hinila. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa gitna. My knees are shaking.

"C-carter. I can't. I don't know how!"

"Relax. Just relax, okay. Now slide your left foot and then right. Like this." Carter and showed me how.

Umiling ako. "Ayoko. Baka madapa ako."

Carter chuckled. "Sua. There's no harm in trying. Ayos lang na madapa ka." He said. Akamang bibitawan niya sana ako pero mabilis kong hinabol ang kamay niya.

"Huwag mo akong bitawan. Sabi mo di mo ako bibitawan." Natataranta kong saad. Sinungaling talaga siya. Gusto niya talaga akong mapahiya.

"Sua. Calm down. Alright. I won't let you go. I promise." Carter assured me. Nagpunta siya sa aking likuran at hinawakan niya ako sa bewang. "Okay, now slide your feet slowly. I'll be right behind you." Carter said.

Kahit nanginginig ang paa ko at dahil na rin sa nilalamig ako. Ginawa ko naman ang itinuro niya. Dahan dahan lang hanggang sa hindi namin namalayan nagpa ikot ikot na pala kami.

Unti unti ko nang nakuha at namalayan ko na lang na hindi na pala hawak ni Carter ang bewang ko kundi ang kamay ko na at sabay na kaming dalawa na nagpa ikot ikot sa rink.

I looked at his face. He is smiling, so handsome. Nakakainis. Sa lahat ng ayoko sa kanya iyong ngumiti siya. Iyong totoong ngiti. Nalulusaw kasi ang puso ko. Pakiusap.


Nandito kami ngayon ni Carter sa likod ng sasakyan niya habang sumisipsip ng hot chocolate. Nilalamig na kasi ako sa kaka skate. Naninigas na iyong kamay ko tapos ang nipis pa ng suot ko. Malay ko bang mapunta kami sa dito.

"Here. You can wear this." Carter said at saka naman niya hinubad ang suot niyang coat at isinuot sa akin.

"Carter, I'm okay."

"Sua, just wear it, that's an order." Carter said with an authority on his voice. Nag iwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ngayon ang mukha ko. I sip my hot chocolate to calm myself.

Calm down, Sua.

"Sua, may plano ka ba na sagutin ang manliligaw mo?" Carter asked me out of the blue. Napatingin ako sa kanya.

He is looking at me waiting for my answer. Sa totoo lang Kristof is not a bad guy at all. Mabait naman siya at gwapo rin. At ramdam ko naman na totoo ang nararamdaman niya para sa akin. It's just that my heart already belong to someone.

And that someone is the man who is sitting beside me.

"Sa totoo lang balak ko talaga siyang sagutin una pa lang. Gusto ko kasing maka experience eh. Kaso parang hindi ko kayang magsinungaling at magpanggap na nagkagusto din ako sa kanya. Parang ang unfair sa part niya." I said.

Carter nodded at me at saka tumingin sa malayo.

"Ikaw, bakit kayo naghiwalay ni Miya. You guys dated for almost 3 months." I asked him referring to his first girlfriend he introduced to me. Bihira lang na mag usap kami ng ganito kaya sagarin ko na.

I heard him sighed at saka muli siya tumingin sa akin.

"Well, I just can't stand her bad mouthing you. Kahit wala ka namang ginawa na masama. She feels like you're gonna steal me from her. She's paranoid." Carter said. Hindi ko inasahan na ako pala ang dahilan ng paghihiwalay nila. Somehow I feel relieved na kahit papaano ay pinahahalagahan din pala ako ni Carter. Kahit mismong girlfriend niya hiniwalayan niya para sa akin.

"But you love her. Don't you?"

"I did. I did love her. But right now my heart belongs to someone." Carter said. He sips on his chocolate sabay tingin sa kalangitan. "Someone who has a pure heart and worth to love." He added.

Muli gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. This is the first time he opened up something to me about love. Gusto kong maiyak sa harapan niya dahil sa sobrang sakit pero pinilit kong ngumiti at mag mukhang masaya.

"Congrats. Finally, may dahilan ka na para magtino. Pakilala mo siya sa akin para naman makilatis ko." Pabiro kong saad sa kanya.

Carter smiled sabay tango. "I will. I'm sure magkakasundo kayo. Sa tamang panahon hihilingin ko ang puso niya. Kapag nahanap ko na ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Siya naman ang uunahin ko. Sana mahintay pa niya ako."

Isang tango lang ang naging sagot ko. Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi niya ang malinaw lang sa akin ay may nagugustuhan na siya and this time alam kong seryoso na siya. Walang halong biro, walang halong laro. Ramdam ko sa boses niya na seryosong seryoso siya sa taong ito.

Carter finally found his mate. 

__________________________

Who is that, Carter? Hmp! 

So, sorry for the long wait. 

Please don't forget to vote and comment. Love lots.! 

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now