CHAPTER 26

5.3K 136 3
                                    

Nag-aayos na ako ng mag dadalhin ko papunta sa vacation ni Eritrea. Excited na ako dahil makakasama ko si Hetius ngayong pasko, it's not literally chrstmas eve but this is my first chrsitmas na kasama ko sya.

"Ang tagal mo naman, Heart, buong damitan mo ata ang dala mo." Sabi ni Akiesha na kakapasok palang ng kwarto ko.

Kasama naming sya, ayaw pa sana nya kaso pinilit ko sya dahil wala naman itong kasama sa bahay nya.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay bumaba na kami at anduon na din si Hetius na kanina pa ako hinihintay.

Yumakap muna ako kay mama bago sya lapitan."Mag-iingat kayo doon, wag mo kakalmutan ang gamot mo." Paalala ni mama. Tumango-tango lang ako.

Yumakap ako kay mama at naramdaman ko na humalik ito sa gilid ng ulo ko. "Use protection, ok?" malambing na sabi nito.

Namula naman ako dahil sa sinabi ni mama. Lumapit na ako kay Hetius at nagpaalam na din it okay mama na aalis na kami. Sa isang van kami sasakay, una kaming sinundo, pupuntahan pa naming sina Lyons, dahil dito din ito saamin sasakay.

Napatingin ako kay Akiesha na ngayon ay nakatingin sa phone nya habang ngumingiti. Sa mga nakaraang araw ay napapansin ko ang lagging pagtingin ni AKiesha sa phone nya na parang lagi itong may ka text, ngumingiti din ito minsan. Kung hindi ko lang ito nakikita na nag t-type ay iispin kong nag w-wattpad sya dahil bigla-bigla nalang ngumingiti.

"Hi, Heart" bati saakin ni Lyons.

Pumasok na sila sa loob. Nasa backseat sila habang kami si Hetius ay nnasa driver seat at ako naman ay nasa Passenger seat.

Nakita ko ang pagbusangot ni Deiva, kasama din nito ang anak nya. Magkatabi kasi silang dalawa ni Nimbus habang ang anak nya ay nasa may bintana.

"Napaka KJ talaga ni Nereus baliw na bliw sa sugar baby nya." Naiinis na sabi ni Lyons. Ilang buwan na ding hindi nagpapakita si Nereus, baka sa probinsya na ito magpasko.

Habang nasa byahe ay hawak lang ni Hetius ay kamay ko, nakatulog din ako at ginisng na lang ako ni Hetius nang nasa vacation house na kami n Eritrea.

Napangiti ako dahil sa sariwang hangin at hampas ng dagat. Napangiti ako nang maramdaman ko na may yumakap saakin mula sa likod.

"Enjoying the view?" malambing na tanong nito. "Ang ganda talaga dito." Tugon ko habang nakatingin sa dagat.

Niayaya na kami ni Eritrea pumasok dahil mainit na daw, nagkaroon ng unting kwentuhan bago kami kumain ng tanghalian. Si Hetius na din ang naglagay ng pagkain ko sa plato.

"Lyons, swimming tayo mamaya." Yaya ni Permion kay Lyons na ngayon ay nakaupo sa sofa.

"Ayoko." Mataray na sabi ni Lyons habang tutok pa din sa phone nito.

"Ikaw sa sisidin ko dyan." Narinig kong buulong ni Permion at mukhang hindi lang ako ang nakarinig dahil nakita ko ang pamumula ng mukha ni Lyons.

"Ang landi mo, Permion" narinig kong sigaw ni Eritrea.

"Mommy, what's sisid?" inosenteng tanong ng anak ni Deiva.

Tinignan ng masama ni Deiva si Permion bago kaupasin ang anak.

Napatingin ako kay Hetius nang yakapin nito ang bewang ko habang nakaupo kami. "What?" takang tanong ko ng hindi nito tinatanggal ang tingin nya saakin. Ngiti lang ang tugon nito. "Ano ba, Hetius?" saway ko sakanya. "Stop Staring at me." Saway ko ulit.

Binaon nito ang mukha sa leeg ko. I heard him chuckled. "Ok, but can you stop being so beautiful first." Malambing na sabi nito na ikinatawa ko.

Pumunta muna kami sa kwaro naming para makapag pahinga, hindi ko ngayon kasama sa kwarto si Hetius dahil walang kasama si Akiesha at ayaw ko naman itong maleft behind.

OccupationSeries #1: The DoctorWhere stories live. Discover now