CHAPTER 15

6.1K 135 1
                                    

"Tulala ka nanaman." Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Akiesha.

"Bakit?" tanong ko sakanya. "Well, tinatanong lang naman kita kung bakit ka tulala?" tanong nito.

"Wala naman, may iniiisip lang." sabi ko.

Matapos ng Holloween Gala kahapon ay hindi pa ako nagpapakita kay Hetius kahit pinapapunta ako ni Lyons sa bahay nila ay hindi ako pumunta dahil alam kong anduon sya. I felt awkward after that scene.

"Si Doc Hetius ba ang iniisip mo?" mapanuksong tanong nito saakin sabay sundot ng tagiliran ko.

Namula naman ang mukha ko. "H-hindi no" sabi ko."E, bakit nag b-blush ka?" tanong nito.

"Mainit kasi." Sabi ko sabay paypay ng kamay ko sa mukha ko. Inabutan nya ako ng pantali na agad ko namang tinanggap.

Tinali ko ang buhok ko ng pa bun na style.

Kumunot naman ang noo nito habang may tinitingnan saakin, lumapit pa ito kaya lumayo ako.

"Ano ba? Anong ginagawa mo?" tanong ko dito.

"Ano yan?" tanong nya habang nakatingin sa leeg ko. "Ang alin?" tanong ko

"Bakit ka may hickey? Nakipag momol ka?" tanong nito habang nakataas ang kilay na parang ine-interogate ako.

"Hickey?" taking tanong ko. Inabutan nya naman ako ng salmain at tinapat koi yon sa leeg ko para makita ko/ Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may hickey nga doon. Nang-init ang mukha ko nang maalala ko kung sino ang may gawa noon.

Agad kong nilugay ulit ang buhok ko para matago ang hickey na iyon.

"Sino naglagay sayo nyan?" taking tanong pa nito.

"Kagat yan ng insekto." Pagsisinungaling ko

"Wag ako Heart, isusumbong kita kay Tita" sabi nito sabay tayo, agad ko naman itong hinila pabalik sa pagkakaupo sa kama ko.

"Tita~" sigaw nito kaya agad kong tinakpan ang bibig nito.

"Shhh" pagpapatigil ko dito.

Napatingin kaming dalawa sa pinto nang pumasok si mama habang nakakunot ang noo.

"Tinawag nyo ba ako?" tanong nito.

Nagtinginan kami ni Akiesha at nagsignal ako gamit ang mata ko na wag nyang sabihin. Ngumisi lang ito saakin.

"Kasi..Tita itong anak nyo..." pagbababitin nito

"Ano?" tanong naman ni mama na naghihintay ng sagot.

"Itong anak nyo Tita, masyadong enjoy na enjoy sa party hindi tuloy kami nagkita." Nakangiting sabi nito.

Parang nabunutan naman ako ng tinik dahil hindi nya ako binuking, umalis na din kaagad pagkatapos nun si mama.

"So. Sino nga ang naglagay sa iyo nyan?" tanong nanaman nito.

Hindi talaga sya maka move on.

"Tita~" sisigaw nanaman sya nang takpan ko ulit ang bibig nya.

"Hetius did" mabilis na sabi ko

"Ano sabi mo? Pakiulit?" tanong ulit nito.

"Hetius is the one who gave me a hickey" malumanay na sabi ko.

Impit naman syang tumli habang pagulong-gulong sa kama ko.

"Seryoso k aba?" gulat na tanong nito.

"OO nga, kahit ako hindi makapaniwala na ginawa nya iyon." Pag-aamin ko.

"Ano...masarap?" malisyosong tanong nito habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"B-ba't mo tinatanong?" nauutal na tanong ko dito.

"Ihh, dali na" pakukulit nito saakin

Huminga naman ako ng malaim bago sumagot.

"Hende nemen mesyede" pabebeng sabi ko habang nilalagay ang buhok kosa likod ng tenga.

"Sinugaling, pero seryoso. Masarap?" hindi ba ito matatapos kakatanong tungkol doon.

"OO na, masarap." Pag-aamin ko

"Umungol ka noh"

I rolled my eyes at her.

"May pakinabang na ang foundation mo. Yun yung gamitin mo sa pagtakip dyan sa leeg mo." sabi nito.


A/N: Happy Sunday!

OccupationSeries #1: The DoctorWhere stories live. Discover now