Dahil sa Juice

256 1 0
                                    

"Xha, ano bang gagawin natin?" tanong ni Ley.

Hinila ko kasi sya at papunta kami ngayon sa section 3-B.

"Titingnan lang natin yung crush ni Wayne." sabi ko.

"Eh? Kilala mo na kung sino? Alam mo ba ang itsura?"

"Hindi. Pangalan lang. Sinabi sakin ni Wayne kahapon eh. Magtatanong pa ako sa mga tao dito."

Nasa tapat na kami ng 3-B. Bukas na naman ang pinto kaya sumilip ako sa loob. Konti lang ang tao. Recess time kasi. I don't think na nandito yung babaeng yun.

"Hihintayin ba natin? tanong ni Ley.

"Nah. Bumili muna tayo ng pagkain bago bumalik dito. Gutom na ako eh."

Nagpunta kami ng canteen. As usual, maingay at maraming studyante.

Nakabili na kami ng pagkain at pabalik na para magbantay sa 3-B nung biglang tumahimik ang canteen, pwera sa ilang boses.

"Hey you! Bakit mo tinabig ang juice ko, ha?!" sabi ng isang pamilyar na nakakairitang boses.

"I-I'm really sorry, miss. Di ko talaga sinasadya." sabi ng isang mahinhing boses. Parang paiyak na sya.

Nakalapit na rin kami sa scene at nakita si Britney at ang isang babae na nakatayo.

Si Britney mukhang basa ang palda at lower part ng blouse nya, naka-cross arms at mukhang irita. Yung isang babae naman na di ko kilala, nakayuko at nakatalikod sa aking view kaya di ko kita ang mukha nya.

Base sa nakita ko, siguro natabig nung babae yung juice at natapon kay Britney. Knowing Britney, she won't forgive the girl easily.

Hay nako. Gumagawa na naman ng eksena si Britney.

Tuloy ang dada dun ni Britney at tuloy din ang sorry at pag-ooffer ng pwedeng gawin yung babae. May sinabi naman si Britney na nakakuha sa attention ko.

"You know what, siguro nga papalagpasin ko na lang to." sabi ni Britney

Tumingin ang lahat sa kanya. Woah! Britney is that you? Did she really say that?

But then again, this is Britney we're talking about. Siguradong may catch to.

She smirked. I knew it!

"I would, after this!" sabi ni Britney at kinuha yung baso ng juice sa isang table at ibubuhos dun sa babae.

"Britney, stop it!"

Pumagitna ako sa kanila para pigilan si Britney, but it's too late.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Where stories live. Discover now