Game

180 1 0
                                    

 "Uhh.."

Pakiramdam ko ang sikat ng araw sa mukha ko.

Siguro may pumasok sa kwarto ko at hinawi ang kurtina.

Kahit nakapikit ako nasisilaw ako sa araw eh.

Teka...

sikat ng araw? nasisilaw?

Dali-dali akong bumangon sa kama ko at tumingin sa bintana.

Kitang-kita ko ang labas. Ang liwanag na.

Anong oras na ba?

 9:30...

O__O

9:30 na?!

Crap! Game na nga pala ngayon nina Wayne!

 Eh di nagsimula na yung laro!

Naligo na ako at lahat lahat. Basta na nga lang ako humugot ng tshirt at jeans sa drawer ko. Walking shoes na lang ang ginamit kong sapatos para madaling isuot.

Kumuha na lang ako ng isang apple sa ref para kainin sa daan at nagtatakbo paalis.

Tsk. Wrong timing talaga. Wala si KD (Kuyang Driver), hinahatid siguro si kuya. Nagtrike na lang ako para mabilis.

Nakarating na ako sa field ng school namin. Dun naman ginaganap ang game eh.

Mukhang pagod na ang mga players. Sabagay, kanina pa nagsimula ang laro eh. Tiningnan ko ang score at guess what, lamang ang kalaban. 1-3

Hay nako. Para san pa ang mga practice nila kung magpapalamang lang sila ng ganun.

 Napansin ko ang hawak na banner ng mga katabi ko. Mukhang para sa school namin yun.

Hmm...

I have a shameless idea.

"Ate pahiram muna ha." sabi ko dun sa babaeng may hawak at kinuha yung banner.

Tumungtong ako sa isang silya na nakita ko at

"GO EAGLES! ALAM KONG KAYA NYO YAN! WAG KAYONG SUSUKO! LALO NA'T ILILIBRE DAW KAYO NG MAGALING NYONG CAPTAIN PAG NANALO KAYO! \(*0*)/ "

[A/N: 'Eagles' po yung pinaka animal symbol ng school nila. :)]

Alam kong nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil nakatutok na sakin ang mga mata ng mga tao, pero naka-ngiti lang ako na nakatingin pa rin sa mga players ng school namin, specifically kay Wayne na nakatingin lang din sakin.

 "Sira ka talaga..." hula kong binubulong ni Wayne na hindi ko alam kung matatawa sya o ano, pero nginitian ko lang sya.

"Oh ano pang hinihintay nyo? Tuloy ang laban! Mananalo kayo ah! Lead your team, Captain!" sigaw ko ulit

"Narinig nyo yun Eagles? Kaya natin to! Let's do our best and win this, boys!" sabi ng coach ng team namin at bumalik na ang attention nila sa laro.

Nakita kong umiling si Wayne pero nakangiti.

Hehe. Walanghiya talaga ako. (^___^)V

[Leyla's POV]

 "Di ba si Kim yun?"

"Yeah. Grabe, ang lakas ng loob nya no?"

"That was shameless."

"But it was really cool!"

"Nagawa nya yun mag-isa?"

"Duh? At hiniram nya lang ata yung banner sa mga babaeng katabi nya eh."

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon