First Day -- Third Year na!

232 3 0
                                    

Yehey! Klase na naman! Third year na ako! Hahaha! Seems unbelievable pero na-excite akong pumasok ngayon. Ewan ko lang.

Yeah, first day na ulit. Parang kelan lang eh second year pa ako at magta-transfer pa lang sa present school ko.

Himala, naunahan ko pa yung alarm clock ko gumising sakin.

Sina Kuya, Mams at Paps naninibago daw sakin. Masigla daw ata ako ngayong first day. Hehe. Maganda lang talaga siguro ang gising ko. Nakakainis nga lang, sinabihan pa akong blooming. Pang babae lang yun. Tss.

Naglalakad na ako papuntang classroom. Buti naman at alam ko na agad ang room ko nung enroll-an pa. As usual, section 1 pa rin. :D

Pumasok na ako sa classroom ko at tumingin-tingin sa paligid. Parang walang nagbago bukod sa classroom ko kasi halos pareho pa rin ang mga kaklase ko.

Naglakad ako palabas ng pinto at sumandal sa pader katabi nito, nanunuod sa mga dumadaan studyante. Marami din bumati sakin at madalas di ko kilala yung iba. XD

Maganda naman gising ko ah, ba't parang wala pa rin yung ine-expect kong buhay sa araw ko? Oh, drama ah.

Teka, baka may nakalimutan ako? Panyo? Hindi. Wallet? Nu-uh. Cellphone? Di rin. Lahat ng kelangan ko dala ko naman. Ano bang nakakalimutan ko? Wala akong magawa kaya nagkuting-ting na lang ako sa cp ko.

"Hi Miss Ganda."

Hay nako dadali na naman ang mga nantitrip na lalaki dyan.

Di ko nga pinansin at tuloy pa ring nakatingin sa cp ko. Actually may nakasalapak sa tenga ko na earphones pero pakinig ko pa rin yung lalaki kanina. Hindi ata kita dahil naharangan ng buhok ko kaya tuloy pa rin sa pagdada sakin.

"Miss, wag ka dito tumambay sa hallway. Dun ka na lang sa classroom nyo."

Papansin lang? Sino ba tong epal na to? Siguradong ako ang kausap nun. Naghahanap ata ng gulo---

"AY PUSANG GALA!"

"Nasan? Wala ah."

Napatalon na lang ako sa gulat nang may sumundot sa bewang ko. Titingnan ko sana ng masama yung gumawa nun sakin nang makita ko si Wayne na ngiting-ngiti sa harap ko sabay kumaway.

"Sa wakas! Inangat mo rin yang ulo mo." sabi nya

"Wayne naman! Kelangan mangiliti?" sabi ko sabay suntok ng mahina sa braso nya.

"Eeeh. Di ka kasi namamansin eh. Dalwang beses na kaya kita kinausap pero nakatingin ka lang dyan sa cell phone mo." sabi nya ng medyo naka-pout.

Sya pala yung epal. XD

 "May earphones kaya ako." sabi ko sabay tanggal sa earphones ko sa tenga.

Sus! Reasons ko. XD

"Kahit na! Pero, na-miss kita Kisha!" sabi nya sabay akbay at ginulo ang buhok ko.

Oh, pinapakilala ko po ulit mga folks, si Wayne, ang bespren kong babading-bading.

Hahaha! Joke lang ah. Paniguradong magagalit to sakin pag narinig nya yun. (Wag nyo ako isusumbong ha?) XD

"Hoy babae, ano namang kadramahang meron ka at parang nagse-senti mode ka dyan kanina." Yan po ang isa ko pang bespren na si Leyla, ang sabog na beauty queen.

 "Hindi ah." -- ako

 "Sows!"   -- Ley

 "Walang sauce dito. Nasa canteen."

 "Nyenye! Nga pala, magkakapareho na tayo ng section! Woohoo! At dahil ang tagal natin nagkahiwalay-hiwalay, mag-group hug tayo!" sabi ni Ley sabay akbay samin ni Wayne kaya ayun, nag-group hug nga.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon