Fast Forward!

324 3 0
                                    

[A/N: Ok! Magfafast forward na ako ah? Papakita na lang yung parang summary ng mga nangyari. Please keep up with me na lang!]

Kim' POV

Ang bilis nga naman ng mga araw oh. Ilang days na ba dumaan? Naging close kami ni Wayne. Akala nga nung iba gelpren daw ako. Eww! Asa namang papatulan ko yun! Hindi kami talo! Haha! Para na kaming magbestfriends. Tinutulungan ko na talaga sya about sa panliligaw. Nag-aadvice ako at tinuturo kung ano mga dapat gawin. Expert ata ako! ;D Pero sorry to say, wala pa rin syang pinopormahan talaga ngayon. Wala daw syang matype-an eh. Arte! Eh andami namang magandang chicks sa school. Pinopormahan ko nga yung iba eh. pero yung iba sila na mismo lumalapit sakin. Hehe. Hanga naman sakin si Wayne the Etorps. Kumalat na rin kasi sa school yung about sa pagkatomboyin ko. Eh bentang-benta naman ang "male" pheromones ko. Kaya ayun, nag-atrasan na lang ang mga lalaking manliligaw. Haha!

Speaking of kumalat, yung mga rumors kay Wayne, unti-unti na nawawala at napapaltan ng mga.. "Ang cute nya talaga!", "He's hot!", "Nakakatunaw ngiti nya!", "He's SOOO my type!", at marami pang iba. Sheesh! Akala ko ba chismisan pa nila na bading yun? Well, bading naman talaga sya! Haha. Joke lang! Pero pano ba naman hindi mapapaltan ang comments sa kanya, pinasali ko lang naman sa soccer team ng school. Lakas impact nun! Tapos tinuruan ko din na medyo magpacharming sa girls at kung anu-ano pang dagdag pogi points. Wahay! Galing ko talaga!

Nakalaunan, (Wow! Nose bleed! XD) may nakilala kaming bagong friend. Well, lagi kasi kaming dalawa lang ang magkasama ni Wayne, although sumasama rin siya sa barkada nya o kaya naman kaming lahat ang magkakasama. May barkada rin pala yun kahit may mga rumors na ganun sa kanya. Lagi kasi kaming dalawa lang ang magkasama. Ako daw ang unang babaeng pinayagan ni Wayne na sumama sa grupo pag magkakasama sila. Eh syempre! Magbespren naman kaya kame! At hindi ako katulad ng ibang mga babae dyan no! Subukan nya lang ako iwanan na lang bigla sa ere baka upakan ko sya! 

Oh yeah back to the topic. She's Leyla Jane Smith mula sa second section ng second year. Pang-foreigner ba ang name? Eh may lahi yang American eh. Englishera nga. Maganda rin. Nakilala namin ni Wayne dahil nagbalak syang pormahan yun at tinulungan ko naman, pero nag-back out din. Di rin pala nya daw type. Sus! Sabihin nya natotorpe lang sya! HaHa. Eventually naging close friend din namin sya. Mabait din naman kasi. Medyo maingay at kikay at may pagkamakulit. Usually yung mga ganung type ng babae nakakairita, pero sya hindi. At magaan pareho ang loob namin ni Wayne sa kanya. Yun, naging trio na kame. Di kasali yung barkada ni Wayne. Oyeah! \(*o*)/

Oo nga pala. Di ko agad nasabi. Nung naging officially turingang magbestfriend na kami ni Wayne, may inamin sya sakin....

.

.

.

.

.

Anong nasa isip nyo? ;D

Oh eto na nga. Kumalat daw yung mga rumors sa kanya dahil sa kanyang ex-gf. Grabe! Nagulat ako nung nalaman kong nagka-gelpren na rin pala to! As in ganto expression ko.. ---> (O_O)

Akala ko hindi pa! Loko yun. Di agad sinabi! Di rin pala alam nung barkada nya ang tungkol dun. Ako una nya pinagsabihan. At syempre pati si Leyla.

Back to the topic, yun nga nagka-gf sya. Yung si bubuyog. Feeling Queen Bee ng school. Sino nga yun?? si Bebang!! ;D

 Ay hindi!! Si ano pala.. Britney! Yun nga!! Britney the B! B as in Bee. The Queen Bee! HAHA!

Wala. Gusto ko lang sya pagtripan. Kaasar kasi yun. Laging nagrereyna-reynahan sa school. May tatlong alagad pa yan. Sya yung B as in Britney, yung isa E for Ellaine, another E for Erika, and S for Samantha. Woosh! Tanda ko pa mga name nila. Hehe. Sila ang " The B-E-E-S". Astig no? Saktong-sakto eh. Anyway, kinaiinisan yan ng marami dahil sa sobrang kaartehan. Laging may makapal na make-up! Yak! Ang lagkit kaya sa muka! Tapos nambubully pa sila ng ibang students na weaker sa kanila. Ginagawa ba namang utusan. Wala naman magawa yung iba. Palibahasa malaki ang connections ng father nya sa school president.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Where stories live. Discover now