Symptoms

42 0 0
                                    

Kim's POV

After nung  day na nakapag-explain na sakin si Wayne, naging normal na ulit kami. Normal as in yung usual na pagkaabnormal namin. Haha.

Kahit minsan na lang sumabay samin kumain si Wayne, at nakakatampo na nga minsan eh, okay na yun samin ni Ley. Syempre, suportado naman namin sya sa kanyang love life. Minsan kaming lahat magkakasabay, kasama si Gelly at minsan pati na rin si Niel. Although syempre, dapat may alone time pa rin yung future couple.

Pero after din nung day na yun, lagi na akong nakakaramdam ng mga para bang symptoms ng isang sakit.

Yun bang bigla na lang akong makakaramdam ng weird na feeling sa dibdib ko na parang naninikip, tas ang bilis ng tibok ng puso ko na para akong kinakabahan o tumakbo. Nakakainis na nga eh. Feeling ko nga dapat na akong magpacheck-up.

Nasa CR ako ngayon, kasama sina Gelly at Ley. Katatapos lang namin kumain kasabay sina Wayne at Niel.

Kapag ganitong kami lang tatlo ang magkakasama, iniintriga namin ni Ley si Gelly. Well, mostly si Ley lang yung nagtatanong.

"So, ano nang status?" sabi ni Ley habang nasa loob ako ng cubicle.

Of course, alam kong hindi ako yung kausap nya.

"Huh?" rinig kong sabi ni Gelly.

"Anong 'huh'? You know what I'm talking about. Kamusta na kayo ni Dwayne?"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Mm, okay lang." sabi ni Gelly.

"'Okay lang'? What do you mean na 'okay lang'? Hindi yun ang gusto kong marinig no. Tell me, kayo na ba?" sabi ni Ley. 

Grabe. Ang taray ng lola nyo.

"Ehh, hindi pa.." sabi ni Gelly at automatic sabay kaming nagreact ni Ley.

"PA?"

Talagang inemphasize namin yung 'pa'. Hahaha xD

"Wow. Sabay pa kayo ah." sabi ni Gelly at tumawa.

"Yeah yeah. Pero anyway, does that mean may gusto ka na sa kanya? May balak ka nang sagutin si Dwayne?" sabi ni Ley.

Feeling ko masyadong nabibigla si Gelly sa mga tanong ni Ley. Sunod-sunod eh. Haha. XD

Tahimik pa rin ako at hinihintay lang ang sagot ni Gelly. For some reason, nararamdaman ko na naman yung sintomas ng 'sakit' ko.

*dug dug*

"Hahaha! Namumula ka girl! Uuuuuyyyy~!" sabi ni Ley.

"Grabe naman kasi yang mga tanong mo eh." sabi ni Gelly.

"Hahaha! So, ano nga? Answer me or else!"

"O-oo na."

"Oo!? As in oo??" sabi ni Ley. Feeling ko naman tumango si Gelly.

*dug dug*

"Kelan?!"

"Uhmm.. soon?"

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon