First Day

457 4 0
                                    

Yes naman! Papasok na ko! Hehe excited lang. ^^

Prepared na nga ako eh. Syempre tapos na rin ang breakfast. Nauna naman umalis sina Mams at Paps kasi may business pa sila aasikasuhin. Si Kuya naman nasa kwarto.  Eh ayun tulog pa.

Hinihintay ko lang si Kuyang Driver na chinecheck pa ang kotse bago nya ako ihatid. Sosyal ba? haha. 10 minutes lang naman ang byahe kasama na ang traffic. Ok lang naman na maglakad na ako kaya lang sabi nina Mams magpahatid-sundo na lang daw ako. Baka kung ano pa daw mangyari saken sa daan pag naglalakad ako. Sus! Kaya ko naman sarili. Nag-aral na rin naman ako ng pang self-defense eh. Para san pa yun? Si mams talaga.

Nakatayo lang ako sa labas ng biglang humangin at ....... Yooooh! Nililipad palda ko. Sabe ko na nga ba eh! Hinawakan ko na lang. Kahit nababanas ako, nagsuot ako ng cyclings para ready sa mga pwedeng mangyari gaya na lang nito. Nahahanginan palda ko. Pero kahit na may suot akong ganun nakakahiya pa rin na makita ng iba ang under the palda mo. Buti na lang walang nakatingin. XD

..........

Tumigil ang kotse sa tapat ng school gate kahit pwede naman pumasok sa loob ang sasakyan. Bumaba na ako. Sabe ko na lang kay Kuyang Driver na tatawag na lang ako pag uwian na. Tss. Para akong bata. =.=

Nice! Andaming studyante. Haaay. Ang ingay. Nangingibabaw ang boses ng mga girls na nakikipagchikahan na agad. Agang aga pa. Mayamaya pa nagring na ang bell at nagpasukan na sa kani-kanilang klase ang lahat. Nagpunta muna ako sa Guidance Office para itanong ang room ko. Dun na ako nagtanong kasi yun ang una kong nakitang office eh. =.=

Tama naman ako at sinabi sakin ang section at classroom number ko. Room 321 section 1? Cool! Section 1 ako kahit transferee lang. Hehe. Ang alam ko kasi sa mas mababang section madalas napupunta ang transferees tulad ko. (Di ko lang sure ah)

Lawak naman dito. Nakakahilo maghanap ng classroom kahit 3rd floor lang ang hahanapan ko. Nagtanong pa nga ako sa isang teacher na dumaan eh. Perfect timing kasi siya rin pala adviser ko at papunta na siya sa unang klase nya, ang class ko. Saved! :D 

-------------------

Dwayne's POV

Wew. It's Monday again. Another day for classes. =.= Boring... At paniguradong may mga rumors na naman akong maririnig ngayon. Pero nevermind.  Kailangan magconcentrate sa studies! Ako nga pala si Dwayne Allen Cortez. 17 years old, 2nd year high. May k-12 na kasi kaya antanda ko na. Future tagapagmana ako ng company namin kaya kelangan maging at least proud sakin si Dad! :D

Isa lang masasabi ko.....

Pogi ako! Haha! Joke lang. XD

"Hey look at that guy. Isn't he cute?" sabe nung isang girl. Wow! Cute daw ako oh! ^_________^

Tinago ko na lang smile ko nun tapos sinabi pa ng isa pang babae "You're right." 

See? Lakas ng charms ko no? Haha.

"But I heard he's gay. It's the rumor in school. I think his name is Dwayne. Never pa daw yan nagkagirlfriend, tapos ayaw nyang may kasamang girls pag magkakasama sila ng mga gwapong kabarkada nya. Di rin sya kasali sa kahit anong sports club like sa basketball. Hobby nya rin daw ang gardening. He even said that he likes pink and thinks its cute. Di ba parang ang weird naman nun sa isang lalaki? That's why they say he's a gay. Ay nako, tara na nga! Malelate pa tayo eh." Umalis na sila.

Wow. Full detail ang alam ni ate ah.

Pero ouch lang! Para naman akong tinusok sa puso nun! That's the rumors I'm talking about!

Ayokong may mga girls na kasama pag magkakasama ang barkada kasi bonding time namin yun. Tsaka ang iingay kaya ng mga babaeng kasama nila. Nakakairita! So what kung mahilig ako sa gardening? Naa-appreciate ko lang naman ang beauty ng nature eh. Di ako kasali sa basketball kasi tinatamad akong madalas na magpa-practice lalo na tuwing may laban. Busy rin naman ako noh. And so what if I like pink? Totoo namang cute yun ah? Pero di ko naman sinabing favorite color ko yun kasi ang gusto ko Indigo. Nagsamang blue at violet. But that doesn't mean I'm gay! Weird lang siguro pero lalaki ako! >:[

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Where stories live. Discover now