The Queen Bee is Back

218 2 0
                                    

"XHALEEN!!~"

=______=+

"Kahit kelan talaga ang ingay mo."

Nakatingin na samin ang lahat pero pareho naman kaming walang pake ni Ley.

Nasa pinto pa lang kasi ng classroom sumigaw na agad. Yung pangalan ko pang yun ang ginamit.

"Sorry Xha! Hihi!~"

Umupo sya sa upuan sa tabi ko.

"Tumahimik ka nga dyan. Nagbabasa ako."

"Tsk. Sungit. Nga pala, may sasabihin ako sa'yo!"

Di ko sya pinansin. Dadaldalin lang ako nito eh.

"Huy! Akin na nga yan."

Inagaw nya sakin yung binabasa kong manga. I rolled my eyes.

"Siguraduhin mong importante to. Ano yun?"

"Hihihi! Ano kasi.... Nginitian kasi ako ng crush ko! (>///<)"

=_____=

"Yun lang? Kung ganun layuan mo muna ako at magbabasa ulit ako."

"Naman eeeh! Joke lang! Hindi naman talaga yun ang chika ko. Hihih~"

"Alam mo para kang mangkukulam dyan sa tawa mo."

"Che! Eto na eto na. *ehem* Si Dwayne,"

"Ay?"

"may crush!"

"Oh? Ok."

"Ano ba! Wala ka man lang bang pwedeng ibang ireact?"

"Anong gusto mo? Magwala ako dyan?"

"Hindi naman sa ganun! Pero di ba nakakatuwa? Ngayon lang kaya nagsabi ng crush yun! Hihihi! Sinabi nya nga pala sakin kanina kasi tinanong ko sya kung bakit maganda ang mood nya. Hehe. Kaso di daw nya alam ang pangalan."

"Kahit kelan talaga ang hinang dumiskarte ng lalaking yun. Nasan ba sya ngayon?"

"Ah, nakalimutan nya nga daw sabihin sayo. May whole day practice sila ngayon para sa sunod nilang soccer match so excused sila sa klase pati bukas. Sa Sabado na kasi yung game eh."

Ano bang araw ngayon? Ah, Thursday nga pala. Kaya pala todo practice na sila.

"Dalhan daw natin sya ng pagkain sa field mamayang lunch break. Dapat daw kasi may baon sila para dun na sila kakain kaso wala syang dala. Bawal silang umalis eh. Baka daw may tumakas. Lol."

"Ang engot talaga nun."

"Haha. Ang strict talaga ng coach nila no? Nga pala, mamayang recess daw puntahan din natin. Tsaka may sasabihin din daw sa'yo yun kaya dapat kang magpunta."

 "Oh? Ano?"

"Aba malay ko! Sakin mo tatanong eh sya nga ang may sasabihin sa'yo?"

"Sabi ko nga. Tss."

Ano kaya yun? Tungkol sa crush nya? May crush na pala uli yun, di man lang sinasabi sakin! Actually, big deal din sakin kung may crush si Wayne. Minsan lang yun imimik pag ganung bagay eh. Tsaka tutulungan ko nga pumorma! Kahit crush lang yun, dapat duma-damoves na. :D

When the &quot;Gay&quot; Falls for the &quot;Lesbian&quot;Where stories live. Discover now