The Dugdug Effect

109 2 1
                                    

Author: Same day as the last chapter to. Medyo magulo at baka malito kayo, pero keri lang yan. Happy reading. ;)

[Dwayne’s POV]

Alam nyo yung feeling na galit sa’yo yung best friend mo? Saklap.

After nung lunch namin hindi na ulit ako inimikan ni Kisha.

Nagpapapansin na nga ako para mainis sya pero di pa rin nya ako kinakausap.

Nakakalungkot naman. Ang bigat kaya nun sa feeling.  

Kaya nga ngayong labasan, pinaplano ko nang kausapin ng seryoso si Kisha at mag-explain ng lahat.

Di ko kayang paabutin pa to ng bukas.

 “Goodbye and thank you, Ma’am.” sabi ng buong klase at umalis na yung huling subject teacher namin. 

Dali-dali kong inayos ang gamit ko at nagpunta kay Kisha.

Natigilan ako nung nakita ko syang nakangiti.

Hindi nga lang sakin kundi kay Niel na kausap nya.

Tas nung nakita nya ako, biglang nawala yung ngiting yun at naglakad sya mag-isa paalis.

 Tch, nakakaasar yun ah.

Hinabol ko naman agad sya sa labas.

“Kisha!” tawag ko.

 Hindi nya ako sinasagot at tuloy pa rin ang lakad nya hanggang sa nasa likod na nya ako.

Hay nako.

“Kish.” sabi ko.

 Hahawakan ko na sana yung balikat nya nung bigla syang bumilis maglakad.

“Hoy! Teka lang!” sabi ko at hinabol sya.

Grabeng babae to. Gusto pa atang maglaro eh.

Dahil bawal tumakbo sa corridor, brisk walking ang trip namin.

Pinagtitinginan nga kami ng mga taong nadadaanan namin eh.

Naisip ko nga, kung di galit sakin si Kish siguro tumatawa kami sa ginagawa namin ngayon.

Maya-maya napansin kong pagod na si Kish. Ako nga pagod na din eh.

Aba, ikutin ba naman namin ang school through brisk walking. Pag di ka naman napagod.

Kinuha ko na yung chance na yun para umatake.

“Huli ka!” sabi ko at niyakap sya mula sa likod.

Effective yun para di sya madaling makakawala. 

 [A/N: Check the pic at the right side. Parang ganun. ----->]

“Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” sabi nya habang pumipiglas.

“Ayoko nga. Tatakas ka na naman eh.” sabi ko.

“Ah ganun?” sabi nya at nilaksan pa ang pagpiglas.

Niyakap ko naman sya ng mas mahigpit at nag-stay sa ganung posisyon hanggang sa napagod na sya.

“Tapos ka na?” sabi ko at nag-‘tsk’ sya.

“Papakawalan na kita, pero i-promise mo munang di mo na ako tatakbuhan.” sabi ko.

“…Oo na.” sabi nya.

“Ano? Pakiulit?” sabi ko ng mapang-asar.

Hinarap nya ang mukha nya sakin bigla na ikinagulat ko naman.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon