Ex-girlfriend

122 2 0
                                    

"Ley, nasan si Wayne?" tanong ko.

"Di ko alam eh. Pero nakita ko syang lumabas kanina."

"Ahh."

Lumabas ako saglit para magpuntang CR. Kanina pang naka on-hold ang tawag sakin ng kalikasan eh.

*ppsssssssssss*

Pagkatapos kong magwiwi, lumabas na ako ng cubicle.

Syempre, alangan namang dun na ako tumira di ba?

Hay nako. Pinipilosopo ang sarili. -_-"

"Hey, Kim."

Tumingin ako sa salamin at naktia ang reflection ni Gelly na nakangiti sakin. Syempre napangiti na rin ako sa angel ko.

"Yo. Musta?" sabi ko.

"I'm good. By the way, thanks nga pala ulit ah. I mean, yung nakita nyo ako sa park nung isang araw."

"Ah. Sus, no prob. Basta kung may kelangan ka, nandito lang ako para tumulong."

Wow. Superhero na ata ako ngayon ah.

"Hehe. Salamat talaga. Nga pala, yung kasama mo last time, si Dwayne right? Sya ba yung Soccer Captain?"

"Yep."

"And you said he's your bestfriend, right?"

"Yep."

"Kaklase mo ba sya?"

Bakit napunta kay Wayne ang usapan namin?

"Uh-huh. Bakit mo natanong?"

"Hmm... No particular reason. Just got curious. Hehe. Sige ah. Una na ako sa'yo. Bye Kim!"

Pagkasabi nya nun, lumabas na sya ng CR.

Okay?

Lumabas na din ako ng CR.

Napatingin naman ako sa gilid at nakita si Niel na palabas ng CR ng boys. Sabay na sabay pa nga ang paglabas namin ng pinto.

Pareho ata kami ng naisip dahil natawa kami pareho pagkakita sa isa't-isa. XD

 "Xhaxha babes!" sabi nya habang papalapit sakin na parang yayakapin ako.

"Xhaxha babes your face!" sabi ko at tinulak ang mukha nya bago pa sya makalapit sakin.

Tumawa naman sya at inakbayan ako.

"Alam mo bang na-miss kita? Hahaha!"sabi nya.

Naglakad na kami habang nakaakbay pa rin sya sakin.

 "Baliw! Parang di tayo nagkita sa klase kanina ah."

 "Eh saglit lang naman kita nakita kanina kasi na-excuse ako sa klase."

Oo nga pala. Biglang pinatawag ang mga basketball players ng school kanina, kasama na si Niel. Nag meeting ata sila.

"Nga pala, sabay tayo mag-lunch, ok? Lilibre pa kita di ba?" sabi nya

Tiningnan ko si Niel. Sya yung manlilibre pero sya pa yung mas nakaalala tungkol dun. Tanda nyo pa ba kung bakit ako ililibre nun? Di ko na maalala eh. Iba rin talaga to.

Pero okay lang. Ililibre naman ako eh. XD

"Galante ka talaga no? Hahaha! Sige ba." sabi ko at umakbay din sa kanya. Naglakad na kami papuntang classroom.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Where stories live. Discover now