CHAPTER 22

788 54 0
                                    

[♧CHAPTER 22♧]

"Ilang linggo nalang tayo dito?" Tanong ko kay Ycz habang naglalakad kami

"2 and a half weeks." Tumango naman ako.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" Nandito kami sa kalsada at papunta sa kung saan. Jusq baka bigla akong iwan nito dito.

"Basta may ipapakita ako sayo." Napakibit balikat nalamang ako.

Pag liko namin sa isang daanan, may isang restaurant dito. Mukang hindi ito ganun ka sikat dahil konti lang ang tao sa loob.

"Anong ginagawa natin dito? Kakain tayo?" Tumango naman siya. Sakto at nagugutom ako.

Imbis na pumasok sa pintuan, lumiko kami papunta sa gilid ng resto sa may dulo.

"Huy, akala ko ba kakain tayo?" Tanong ko.

"Wait may ipapakita muna ako,"

"Ano ba kasi yun?"

"Here," tumigil siya sa pag lalakad at humarap sa loob na parang may tinitignan doon.

"Oh? Ano meron?" Sinilip ko din ang tinitignan niya. Isa itong office pero walang laman maliban sa isang lamesa at swivel chair. Pero bat naka-glass wall pa?! Jusko naman.

"Basta mag hintay ka lang dyan." Medyo natatawang sabi ni Ycz. Ewan ko dito, baliw na yata.

Maya maya lang ay may pumasok na isang lalaki sa loob. Naka-hood ito at mukang badtrip.

Natigilan ito saglit at nang lilingon na sana sa pinto, may biglang nag-sara nito.

Napalingon ako kay Ycz nang marinig ko ang kaunting tawa nito.

"Huy ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Pfft, tignan mo kasi." Ibinalik ko ang tingin ko sa kwarto at nakita ko yung lalaki na sinisipa sipa ang pinto. Luh, anong nakakatawa don?

"Alam mo? Baliw ka na. Tara na, nagugutom nako." Mag lalakad na sana ako nang bigla niya akong hilain at biglang tinakpan ang mga mata ko.

"H-hoy! Ano ba, wala ako makita!" Sigaw ko habang pilit inaalis ang kamay niya.

"Shh wait lang HAHAHAHA." Nanatili nalang akong naka-tayo habang tinitiis ang kabaliwan ni Ycz. Jusko sabihin niyo lang, tatawag na ako ng mental.

Naramdaman ko ang pag tanggal ng isa nitong kamay at maya maya lamang ay pareho na niya itong tinanggal.

"Eto, epal ka talaga. Ano ba nanyare?" Humarap ako sa kaninang tinitignan namin ngunit wala na ang glass wall dito.

"Wala, tara kain na tayo." Wala daw, nako!

[ZCY's POV]

"Bahala ka dyan, buti nga talaga." Inis na sabi ko kay Czy.

Pano ba naman kasi, ginawa na ngang 1 week lang yung ground sa kaniya eh, tapos susugurin agad si Ycz nung oras na makalabas siya. Oh ayan napala mo.

Nandito kami ngayon sa resto na pagmamay-ari ni Ycz, pamana lamang ito sa kaniya ni Lola. Konti lang ang pumupunta dito hindi dahil sa hindi ito sikat, kundi dahil sa sobrang mahal ng bayad. Ewan ko ba dyan kay Ycz, ganon ba talaga ka-special yung luto niya? Tse!

Oo, siya lang nag luluto dito. Halos lahat ng chefs na nandidito ay pawang assistant niya lang.

"Ate, sorry na nga eh."

"Bahala ka dyan." Nang makarating kami sa bandang sulok ng resto, pumasok na agad siya sa 'kwarto'.

Ang kwartong ito ang ginagamit nila Mom kapag may nagawa kaming kasalanan. Ikinukulong kami sa loob ng mahigit isang linggo na ang tanging pagkain lang ay ang tira tira ng mga costumer.

Kadiri man sa paningin ng iba, pero may isang bagay na itinuro samin si Lola.

'Wag sayangin ang pagkain kung pwede pa itong kainin.'

At syempre para masiguradong safe ang mga iyon, hindi pumapayag o nag papapasok ng may sakit si Ycz dito. Ubo 'man o sipon. May mga chairs and tables naman sa labas kaya dun nalang sila.

Hindi ko na namalayang naisara ko na pala ang pinto. Shemay! Baka may sasabihin pa si Czy jusq! Automatic kasi itong kwarto na to. Pag sinara mo, after 1 week mo pa mabubuksan.

"Ms. Zcy, Sir Ycz is here." Bulong sakin ng isang waiter, tinanguan ko naman ito sabay ngiti.

"Thank you." Yumuko ito bago umalis.

"Baby Ycz!" Sigaw ko sa kaniya. Nagulat ako nang makita si Xia.

"Ate Zcy!!" Sigaw nito sabay takbo palapit sakin.

"Bat balot na balot ka yata?" Tanong ko sa kaniya. Nagkatinginan naman sila ni Ycz.

"Long story. Tamang tama mag d-dinner kami, sumabay ka na." Si Ycz na ang sumagot sa tanong ko -,-.

"Fine, pero dapat dun tayo." Tinuro ko ang pwesto katabi ng kwarto.

Isa pang kaalaman, ang kwarto na pinag kukulungan namin ay made of glass wall. May nilagay lang dito na *hindi ko alam* kaya pwede s'yang maging pader ng hindi nahahalata. Pwede mo rin gawin itong tinted. Depende sa gusto mo. Sound proof din ito kaya hindi mo alam kung ano nang nangyayari sa loob depende nalang kung gagawin mong transparent ang glass wall.

Naramdaman ko namang siniko ako ni Ycz.

"Ate talaga." Natatawang bulong nito. Napangiti naman ako.

Mag handa ka na, Czy. Mag seselos ka na naman hoho ^o^ peace!

~*~

Kinabukasan, maaga naming hinanap si Czy. Naghiwa-hiwalay kami. Girls at boys.

"Hoy, Xia, pansin ko lang. Umalis kayo ni Ycz kagabi. Ano ginawa niyoOooOo????" Daig pa ang chismosang tanong ni Craine.

"Wala, pumunta lang sa isang kainan." Sagot ko.

"Ow reallyyYyyy???" Parang hindi naniniwalang singit naman ni Aira.

"Alam niyo? Ewan ko sa inyo! Tatanong tanong kayo tapos hindi kayo maniniwala saken." Iniwan ko na sila at nag tanong tanong na sa mga random na tao. Tanging iling lamang ang sinagot nila.

Kung tinatanong niyo kung nasaan yung dalawang matanda, andun sa hotel, ineenjoy yung libreng swimming pool.

"Eh kung mag bahay bahay kaya tayo?" Suggest ni Craine.

"Mag tatanghali na. Makipag meet muna tayo sa mga boys tapos sabihan na rin natin sila." Sagot naman ni Aira na sinang-ayunan namin.

[ALEX's POV]

Hi, my name is Alex Gonzales. As you know, hindi ako pala-ingay at mahiyain akong tao. Not-so-ordinary boy right?

Nandito kami sa may park at nakaupo. Nag kukwentuhan sila habang nagbabasa naman ako ng libro.

I really don't know kung bakit pa nila kailangan itago kay Xia at Czy ang katotohanan. I mean, nandito naman na kami, bakit pinahirapan pa yung dalawa. Diba?

Don't get me wrong pero sinasabi ko lang naman ang saloobin ko.

Nag papakahirap mag hanap si Czy at kasama niya ang kapatid kong timang at si Craine na parehong kunwareng naghahanap. Habang kami ito, naka-upo lang.

Ako yung naaawa kila Czy at Xia bilang nakakatanda sa kanila.

"Kuya Alex, ang tahimik mo." Napaangat ang tingin ko sa kanila at lahat sila nakatingin sakin.

"May iniisip lang, sorry." Mahinang sabi ko.

"Okay lang yun," tumango naman ako.

"Kuya Alex, Tart, Ycz!" Napalingon kami sa tumawag at nakita sila Xia na papunta dito.

Hayst.

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon