CHAPTER 15

807 60 4
                                    

[♧CHAPTER 15♧]

"Ayan na guys!" Napalingon kami sa isang tanong sumigaw habang tinuturo ang langit. Sabay sabay naman kaming tumingala.

Napatayo ako mula sa pag kaka-upo at namamahang tinignan ang langit.

"Nagustuhan mo?" Napalingon ako kay Ycz.

"Ikaw ha, hindi mo sinabi saking nandito tayo para manood ng meteor shower,"  natawa naman siya sabay tingala.

"Surprise nga eh,"

Ibinalik ko na ang tingin ko sa langit at pumikit para mag wish.

-*-

Inabot ng mahigit isang oras ang meteor shower at matapos non, ang ibang kasama namin dito sa bundok at nag si-uwian na habang ang iba ay natulog nalang sa dala nilang tent.

"Hoy, bumaba na kayo dyan, uuwi na tayo!" Sigaw ko sa dalawang unggoy na nasa puno.

"Okay!" Tumalon naman bigla si Tart pababa.

"Oh ikaw, ano ginagawa mo dyan?" Tanong ko kay Craine.

"Wengya! Ibaba niyoko dito!" Sigaw nito.

"Naka-akyat ka tapos hindi ka makababa?" Nang aasar na tanong ni Tart.

"Tse! Bahala kayo dyan, dito lang ako." Pananakot nito. Hindi ko na sila pinansin at tinulungan na si Ycz ligpitin ang mga gamit.

"Nag wish ka, right?" Tanong nito habang nag lalakad kami papunta sa kotse.

"Uh-huh," tumatango-tango kong sagot.

"What is it?" Nagpaangat naman ang kaliwang kilay ko.

"Di ba kapag sinabi yun, hindi magkakatotoo?" Tanong ko sa kanya.

"Ganun ba yun? Oka---,"

"Ako kasi na una don!"

"Ako nga! Bakit ba ang kulit mo?"

"Eh pake mo ba? Sana talaga magka-totoo wish ko bwisit ka!"

"Edi sana magkatotoo din wish ko para mag tigil na yang bunganga mo!"

"Eh bakit ano ba wish mo?"

"Ano muna sayo?"

"Edi ang ibigay mo yung teddy bear KO!"

"Aba't-- anong 'KO'? Sakin yon diba?!"

"Kahit na! Ako kasi unang nakakita!"

"Bahala ka jan!"

"TABI NGA!" Sabay kaming napa-tabi ni Ycz dahil sa sigaw nung dalawa.

"Batukan mo nga mamaya si Tart," bulong ni Ycz sakin.

"Anong mamaya? Walang mamaya-mamaya!" Sambit ko sabay batok sa dalawa.

"Aray ko naman, Xia!"

"Aw!"

Sabay na daing nung dalawa.

"Ang ingay niyo, gabing gabi na!" Sigaw ko sa kanina.

"PARANG IKAW HINDI MAINGAY HA?!" Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Ycz oh, inaaway ako." Sumbong ko kay Ycz na ikinatawa na lamang nito. Ang sama.

"I will drive for tonight. Sa passenger seat ka umupo," tumango naman ako.

Pumasok na ako sa kotse at ganun din siya. Tahimik lang kami mag damag sa byahe.

Nang lingunin ko yung dalawa sa likod ay parehas tulog ang mga ito. Pagod yata kakasigaw.

Si Ycz naman ay nakatuon lang sa daan. Napalingon naman ako sa labas ng bintana at bumalik sa isip ko ang tanong ni Ycz.

Ano nga ba ang hiniling ko?

Ipinikit ko ang matako at sumandal sa upuan.

'Makalimutan ko 'man si Czy o hindi, sana siya pa rin.'

~*~

"Kumpleto na ba lahat ng gamit mo?" Tumango naman ako. "Ilagay mo na yan sa taxi," sinunod ko naman ang utos ni Mama.

"Tita Rita!!" Sabay kaming napalingon ni Mama sa sumigaw.

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ko nang makita sila Craine, Ycz at Tart.

"Sasama kami syempre!" Sagot ni Craine.

"Hoy hoy hoy! Hindi pwede!" Sambit ko.

"Pinayagan na kaya kami ni Tita, di ba, Tita?" Napalingon ako kay Mama at tumango naman ito.

MYGHAD! BAKIT HINDI AKO UPDATED??

"Makisakay ka na sa kotse nila, kami ng kuya Akashi mo dito sa taxi." Napakamot nalang ako sa ulo.

"Okay, tara na nga! Excited na ko." Nakangiti kong sambit at nauna nang pumasok sa van na dala nila.

"Halatang hindi kayo ready eh 'no??" Tanong ko nang makita ang mga maleta nila.

"Wag ka dito, dun ka sa tabi ni Ycz umupo!" Sigaw ni Craine sabay tulak sakin palabas.

"Ang damot!" Natawa na lamang sila. "Tawa tawa kayo dyan? Hampasin ko kayong mag jowa eh!"

Inis akong lumipat sa unahan sa tabi ng driver, na walang iba kundi si Ycz.

"Alam mo ba kung saan yung daan?" Nag kibit balikat lamang ito.

"Ang sabi ni Tita, sundan lang daw yung sinasakyang taxi eh." Napatango tango naman ako.

"Babe, tabi ka dito sakin." Rinig kong tawag ni Tart kay Craine.

"ANG CRIIINNNGGEEEE!! Kaya ayoko sumabay sa inyo eh! Kadiri kayo," sigaw ko sa kanila with matching pandidiri pa.

"Tse! Edi jowain mo din si Ycz, para alam mo yung feeling! Hampasin kita eh," sigaw pabalik ni Craine.

"Ewan ko sayo," sagot ko na lamang.

Yeah, tama yung nabasa niyo. Craine and Tart are in a relationship habang nililigawan naman ako ni Ycz.

Dalawa't kalahating taon na rin ang nakakalipas simula nang pumunta kami dito at ngayon pabalik na kami. Pabalik na ako.

"Ano nang nararamdaman mo?" Napalongon ako kay Ycz nang mag tanong ito.

"Wala naman, excited? Ewan, halo halo eh. Makikita ko na ulit sila Aira." Nakangiti kong sagot.

"I mean, sa kaniya." Unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Sinubukan kong tumawa kahit pilit.

"Ano ka ba, 2 years na ang nakakalipas, wala na yun." Wala na... sana.

"Matulog ka muna, gigisingin nalang kita pag nandun na tayo," tumango naman ako at sinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.

Mag t-three years akong nawala, nag hihintay ka pa ba?

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now