CHAPTER 3

1.7K 103 1
                                    

[♧CHAPTER 3♧]

"Class dismissed! You can go home now." Mabilis kong niligpit ang gamit ko at lalabas na sana ng room nang tawagin ako ni crush.

"Xia, may kasabay ka pauwi?" Nilingon ko naman siya sabay tango.

"Yup, kasabay ko si ku--I mean Alex. Una na ako." Tumango na lamang ito kaya naglakad na ako palabas ng room. Naabutan ko sila Aira at kuya Alex na nag hihintay sa may gilid ng hagdan.

"Punta muna tayo kay Ma'am."

"Ilan yung mission success mo?" Bulong ni Aira habang nag lalakad. Nasa likod namin si kuya Alex.

"Nasa anim lang yata ngayong araw. Apat yung failed mission ko."

"Okay na yan HAHAHAHA ginusto mo yan eh." Sinamahan ko siya ng tingin.

"Ikaw ang epal mo rin eh! Isusumbong kita kay Mama, ang lakas ng batok mo sakin. " natawa nalang siya. Luh, anong nakakatawa don?

Napatigil ako sa pag lalakad nang may maalala ako.

"Anyare?" Tanong ni kuya Alex.

"Dadaan pa pala ako ng 7/11 mamaya. After natin pumunta sa faculty, una na kayo ah." Tumango naman sila.

Mga tamad mag salita! Mapanissana laway nyo hmp!

Nang makarating kami, naiwan na sila sa labas ng faculty room at pumasok ako sa loob.

"Ma'am, tungkol saan po yung kaninang tinanong niyo sakin?"

"Ikaw pala, Xia. Sinabi na nga ba't hindi ka nakikinig kanina eh. Magkakaroon kasi ng party dito sa school after ng Sport Fest. Kailangan ng representative na dalawa per section para sa King and Queen of the Night." Halos lumuwa naman ang mata ko.

"P-po?! Seryoso po yan?!"

"Shhh!!" Sabay sabay na sigaw ng ibang teacher na nasa loob ng faculty. Nag sorry naman agad ako.

"Eh sino po yung partner ko?" Nag kibit-balikat nalang si Ma'am.

"Secret daw eh. Wag ko daw sabihin sayo. Anyways, bagay naman kayo sa isa't isa eh." Nagmula naman ako sa sinabi ni Ma'am.

"Luh si Ma'am talaga nambola pa. Wait Ma'am.." may kinuha ako sa bulsa ko at inilagay sa palad ni Ma'am.

"Aanhin ko to?"

"Salamat sa pag puri sa kagandahan ko Ma'am," dahan dahan akong lumabas sa pinto, "pero piso nalang kasi pera ko Ma'am eh HAHAHAHAHAHA! Labyu Ma'am!" Sabay takbo ng mabilis.

"IKAW TALAGA XIAAAA!!!!"

~*~

"Salamat po." Sabi ko matapos abutin ang binili sa 7/11.

Palabas na sana ako ng 7/11 nang may biglang pumasok kaya nagkabungguan kami.

"I'm sor--Xia? Sabi na nga ba't makikita kita dito eh." Pag angat ko ng tingin, nakita ko ang napakagwapong muka ni crush. Aaaahhhh!!!! Mainggit kayo plessss •-•

Mag sasalita na sana ako nang bigla kong maalala yung sinabi ni Ma'am.

'Bagay naman kayo sa isa't isa eh'

Naramdaman ko nalang ang pag akyat ng dugo ko mula talampakan hanggang sa muka.

"WAAAHHHH!!! IKAW TALAGA MAAAAAMM!!!" Sigaw ko habang tumatakbo paalis. Narinig ko pa ang pagtawag ni Czy pero hindi ko na pinansin. Kasalanan talaga to ni Ma'am!

Sino ba kasi yun?! Pa mysterious epek pa eh! Pwede naman sabihin kung sino. Malay ko bang si crush pala yun edi sana ngayon palang nag papaganda na ko.

Kung hindi nyo alam, then you don't know charot. Si crush ay childhood friend ko. Nagulat na nga lang ako pag gising ko, I woke up eh charot ulit. Hahaha basta pag gising ko, crush ko na siya. Yun lang. Tapos isa pa tong si Mama na pilit akong pinapalapit kay Czy tapos sasabihin, study pers. Lakas talaga ng sapak ng mama ko noh??

Nakahithit yata ng katol lola ko habang pinagbubuntis si Mama eh.

Oh para sa mga nag tatanong, maagang nabuntis si Mama kaya parang tropa tropa lang ang turingan namin. 14 or 15 yata siya non nang mabuntis siya sakin, 18 na ako ngayon. Wag nyo na tanungin kung sino ang ama ko dahil hindi din alam ni Mama.

Bumalik lang ako sa katinuan nang biglang may bumatok sakin ng pagka-lakas lakas.

"Lutang ka na naman! Tignan mo nasa bakod ka na ng kapit bahay! Jusko naman Xia!"

Pag lingon ko sa paligid, oo nga nandito ako sa bahay ng kapit bahay naming chismosa! Mygoodness!!

"Ma! Bakit naman kasi hindi niyo ako tinawag! Lumagpas na pala ako sa bahay!" Reklamo ko.

"Eh kung hindi ka ba naman sira! Bulong ka ng bulong ng CzyRei! Ano yan, pangalan ng krass mo tsaka pangalan mo? Luh asa ka! Walang poreber! Mag bihis ka na nga!" Sinimangutan ko nalang si Mama.

Minsan gusto ko nalang iuntog ulo ni Mama sa pader eh.

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now