CHAPTER 5

1.3K 82 2
                                    

[♧CHAPTER 5♧]

"Aray!!" Aambahan ko na sana ng suntok si Czy kung hindi lang pumasok si Ma'am.

Makasundot kasi ng sugat, wagas! Akala mo hindi masakit eh noh?

"Ms. Flores, masakit ba ang sugat mo?" Gulat nalang akong napatingin kay Ma'am. Gusto ko sanang sabihin na 'Ma'am may sugat bang hindi masakit?' pero baka kasi mawalan ako ng grades kaya wag nalang.

"Konti nalang po Ma'am." Tumango na lamang siya.

[anG bolANg Din ni mA'am, Ka, nOh?] Sulat ko sa papel sabay abot kay crush. 'Ka' ang tawag ko minsan kay crush kasi ang basa sa pangalan niya ay [ka-zi]. Ni-Capitalize ko talaga yung word na GANDA KO para pag sinabi niyang OO edi ang ganda ko daw huehuehue. I'm so brainy talaguhh.

Napatingin ako sa papel na inaabot sa likod ko. Si crush na yata to hihi.

[anG bolANg Din ni mA'am, Ka, nOh?

Zero sa summative test, minus 5 sa exam, at 90 over 100 ang passing score mO sa subject kO Ms. Flores!!]

"Hala!" Gulat akong napalingon sa likod ko at bumungad ang muka ni Ma'am with matching may usok pa sa ilong.

"WAAAAHHH!! MA'AM BIRO LANG! SORREH NA SORREEEHHH!!!" Lagot ako kay Mama nito sheeett!

"Bolang pala ah, okay class. Pwede na kayong mag palit ng PE uniform sa locker at pumunta na sa gym pag tapos. Ikaw, Ms. Flores, pumunta ka sa faculty ko."

"YES MA'AM!" sabay sabay na sagot namin.

Sinamaan ko ng tingin si Czy at umiling lamang ito habang nakataas ang dalawang kamay.

Hmp! Kung hindi lang kita crush! Hmp ulet!

~*~

"Hi, Ma'am hehe."

Tahimik akong umupo sa upuan sa harap ng desk ni Ma'am.

"Xia," napalunok agad ako. Ito na! Ito na! Sasabihin na ni Ma'am ang katagang 'Izza Prankkk--'

"Tumigil ka nga sa kakangiti mo diyan, hindi ako nag bibiro kanina." Loh!

"Ma'am naman,"

"Pinatawag kita dito kasi---"

"Sige na kasi Ma'am, biro lang naman yung eh ㅠ^ㅠ" pag putol  ko sasasabihin sana ni Ma'am. Napa-sigh naman si Ma'am.

"Kahit anong gawin mo hindi na mag nabago ang isip ko. Don't worry hindi ko naman sasabihin sa Mama mo." Napangiti naman ako.

"Yan ang gusto ko sayo Ma'am!"

"Maibalik tayo, isa ka pala sa mag pe-perform para sa opening ng Sport Fest natin." Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang sabihin iyon ni Ma'am.

"Hala Ma'am sineryoso ka?" Sinamahan agad ako ng tingin ni Ma'am kaya nag peace sign agad ako. Kakagaling lang kasi ni Ma'am sa break up BWAHAHAHAHA! "Joke lang Ma'am, pero seryoso ka nga po? I mean, ano namang talent ko Ma'am?"

"Mag j-jamming lang naman kayo nila Gonzales. Sila ang nag sabi na sasali ka daw eh."

Si kuya Alex at Aira?! Mykyutness talaguhh!

Bagsak balikat akong lumabas sa room.

"Oh, anyare daw?" Sinuntok ko nalang siya ng malakas sa tiyan tsaka iniwan don. Nauna akong mag lakad sa kaniya ng may ngiti ng pilit pinipigilan.

'Shet may abs si KWASSS!!!'

Tumakbo na ako papunta sa pwesto nila Aira nang makarating kami sa gym.

"Epal talaga kayo!" Inis na sabi ko.

"HAHAHAHA ganun talaga yun friend! Ikaw vocal ha! Tapos mag gitara ka na ren para parehas kayo ni kuya tapos mag p-piano ako." Paliwanag ni Aira.

"Parehas talaga? Marunong naman mag drum si kuya ah?" Agad akong nakatikim ng batok mula kay Aira.

"Pag seselosin nga natin crush mo diba?!" Doon lang ako bumalik sa katinuan. Muntik ko na makalimutan yun shemay!!

"Hehehe," yun na lamang ang nasabi ko.

"Jamming lang naman gagawin natin kaya dapat sweet yung kakanyahan niyo tapos dapat feel niyo yung pag arte na parang ang sweet sweet nyo sa isa't isa ah!" Inirapan ko naman siya. Napaka-bossy talaga nito.

"Halika nga dito," bigla nalang akong hinila ni kuya Alex sa may gilid malayo kay Aira.

"Sino yung lalaking dikit ng dikit kay Aira?" Nanlaki agad ang mata ko.

"Oo nga! Muntik ko na makalimutan! Hindi ko siya kilala eh pero ang sabi nung lalaki, future boyfriend daw siya ni Aira." Pa'ng ch-chismis ko. Nakaisip naman ako ng kalokohan. Mwehehehehe.

"Tapos alam mo ba kuya, sabi ni Aira hindi daw.. kasi 'future husband' daw yung correct term." Natawa naman ako nang makitang mag salubong ang kilay ni kuya. Hinampas ko siya ng mahina.

"Biro lang. Tara na, matatapos na yung dance group."

Medyo kinakabahan na nae-excite ako awiiieeee! MAG SELOS KA NA KASI CRUSHHHH!!!

Kinapa ko ang bulsa ko nang mag migrate ang cp ko.

[Goodluck anak!! Kakanta ka lang, hindi lalandi ah! Babatukan talaga kita!!] -Mama.

o_O??

PANO NALAMAN NI MAMA?!?!?!?

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now