Special Chapter Part 1

53 1 0
                                    

Scene at the Airport...

"So, pa'no ba 'yan? Mukhang may nanalo na," sabi ni Aira.

"Oo, sis. Ikaw na lang yata ang talo—" mabilis na nakatikim ng batok mula kay Aira si Craine na ikinatawa namin. "Nagbibiro lang eh."

"Mag damag na lang ba tayong nakatayo rito sa labas ng airport? Baka lang naman gusto niyong malaman na kanina pa tayo pinagtitinginan dito." Saka lang namin napansin ang tinginan at bulungan ng mga tao sa paligid namin dahil sa sinabi ni Aira.

"Tara na sa plane!" Malakas na sigaw ni Ate Zcy.

Tahimik lang ba kami ni Czy? Malamang. Sino ba naman kasing magdadaldal kung nakaakbay sayo yung crush mo at holding hands pa kayo 'di ba? Ang ganda ko talaga.

"So... Xia," rinig kong bulong ni Czy.

Nahuhuli kami ng lakad dahil lahat sila ay excited makapunta sa plane. Sinabi kasi ni Ate Zcy na may mga pagkain daw sa loob. Hindi ko tuloy alam kung ni-set up kami ni Ate Zcy dahil mukhang alam na alam na niya ang mga susunod na mangyayari.

"Xia?" Natauhan ako at napapikit ng sunod-sunod nang mahinang pisilin ni Czy ang kamay ko.

"H-hmm?" Isa lang ang masasabi ko, hiyang-hiya talaga ako. Eh kasi naman, ako kaya ang nag confess! Dapat siya eh. Kaya ko nga siya pinagseselos para siya yung mag confess, hindi ako. Okay?

"Papayag ka bang...?"

Bang? Bang bang pew pew? Ano 'to, barilan?

Hindi nalang kasi sabihing, "Papayag ka bang naging tayo? Syempre, oo—" Mabilis kong naitikom ang bibig ko nang marealize ko kung ano ang nasabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Czy kaya malakas kong sinuntok ang abs—tiyan niya. Tiyan nga... na may abs hehe.

"Tigilan mo 'ko, Czy. Simula noon pa man hanggang ngayon crush na kita. Anong aasahan mong gawin ko? Mag hintay na naman ng ilang taon? Baka sa kakahintay ko, maunahan naman ako. Willing akong hanapin ka at habulin ka kahit saan mang sulok ng mundo pero dapat libre mo. Wala akong pera eh." Narinig ko siyang natawa at ipinatong ang ulo niya sa ulo ko.

Naglalakad pa rin kami hanggang ngayon. Ang layo naman kasi nung eroplano eh.

"Gusto ko sanang itanong sa'yo kung papayag ka bang ligawan kita," panimula ni Czy. Nag init ang pisngi ko nang halikan ni Czy ang ulo ko.

Shet, kahapon pa 'ko hindi naliligo!

Ilang segundo pa bago ulit nagsalita si Czy. "Pero dahil sa sinabi mo, iba nalang ang itatanong ko sayo."

Omg, ito na ba? Kyaahhh! Yes, I do!

"Kailan huling ligo mo?" tanong niya. Sa sobrang inis ko, malakas ko siyang siniko sa tagiliran at iniwan siyang halos mamatay na kakatawa. Bakit nga ulit ako nagkagusto sa baliw na 'yan?

Patakbo akong sumunod kila Mama na nasa eroplano na at hindi pinapansin si Czy na tinatawag ang pangalan ko habang tumatawa. Pagka-akyat ko sa eroplano, lahat sila ay mga gulat at laglag ang panga na nakatayo lang sa loob.

"Oh? Anong mero—"

"Xia, ikaw na ba 'yan?" Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang isang lalaking mukhang nasa mid 30's. "Ako 'to, ang Papa mo." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko si Mama na nakatulala lang at muling ibinalik sa lalaki.

"Xia, I'm sorry," rinig kong sabi ni Czy na kakarating lang. "Oh, Tito, ikaw lang pala. How are you? Mabuti po at nakarating ka." Nabaling naman kay Czy ang gulat ko.

"Alam mo?" tanong ko sa kaniya. Naguguluhan naman niya akong tinignan.

"Uhh... yes? Hindi niyo ba alam?" Umiling ako. Itinikom ko muna ang bibig ko dahil tutulo na ang laway ko at tinitigan si Czy at yung 'Papa ko' raw.

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now