CHAPTER 2

2K 109 3
                                    

[♧CHAPTER 2♧]

Bored na bored along nakayuko dito sa desk ko dahil sa boring na turo ni Ma'am. Ilang minutes pa ba? Mygoodness! Matutuyo na yung utak ko!

Kinuha ko nalang yung notebook ko at binasa ang susunod na step. Binuksan ko ang cellphone ko at nag facebook. Sinulat ko ang mga bagong comments na nasa post ko.

Ididikit ko pa lamang ang ballpen sa notebook ko nang may biglang tumusok ng tagiliran ko.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinanap kung sino ang may gawa non.

"Yes, Ms. Flores? Are you willing?" Willing? Willing saan? Myghad! Ano meron?!

"Ms. Flores??" Napaatras ako ng konti padikit sa upuan ko nang may biglang sumipa non.

"Ay yes Ma'am Sir!!" Gulat na sigaw ko.

"Good. Thank you Ms. Flores. You may take your seat now."

HAAAAH?!?! Anong nangyari?! Anong meron?! Explain nyo nga!

Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng mahinang tawa.

Ahh so siya pala... ganon ha.

"Ma'am! Si Cortez daw po yung mag ma-mascot sa labas ng gate bukas!!" Dare-daretsong sambit ko dahilan para mapatayo sa gulat si Czy. Pwe! Buti nga HAHAHAHA.

"Okay class hindi na pala natin kailangan mag botohan. Palakpakan natin si Mr. Cortez!" Tawa kami ng tawa lahat habang nag papalakpakan. Kailangan kasing mag suot ng mascot para sa gaganaping Sport Festival bukas. Eh siyempre nakakahiya yun kaya laptrip talaga.

"Class dismissed!" Anunsiyo ni Ma'am.

"REI!!!" Galit na sigaw ni crush at akmang hahawakan ako nang may biglang nag salita.

"Xia, sabay na tayong mag lunch?" Sabay kaming napalingon sa pintuan at nakita si kuya Alex. Narinig ko ang mahinang pag 'tsk' ni Czy kaya napangiti ako.

"Oh pano, goodluck nalang MASCOT! HAHAHA" pa'ng aasar ko at nag lakad papunta kay kuya Alex.

Inilabas ko ang notebook ko at chinekan ang pangalawang step.

Dapat biglang sisingit si bf 'kuno' habang nag aasaran kayo ni crush. Kapag nag 'tsk' o 'tch', mission success na. [/]

Napangiti ako. Pfft! Madali lang pala eh.

"XIAAAA!!" Nanlaki ang mata ko at napalingon sa tumawag. Don't tell me si Mama na naman to?!

"Halika na! Kanina pa ako nag iintay sa inyo." Ahh si Aira lang pala.

"Okay." Nakangiti kong sambit. Buti nalang hindi si Mam--

"Oo nga pala, nakita ko si Tita Rita sa gate. Yung essay mo daw kasi nalimutan mo pero don't worry, kinuha ko naman na. At saka may pinapasabi si Tita."

"An--?" Nagulat ako ng batukan ako ni Aira.

"B0AnG ka daw WAHAHAHAHA!"

Sabi na eh. Mama talaga oh!

~*~

"So ano na yung nangyari kanina?" Tanong ni Aira. Napangiti ako at sabay na hinampas ng mahina sila kuya Alex at Aira.

"Everything is going according to the plan." Nakangiti kong sagot. Kinwento ko sa kanila kung anong nangyari kanina at tawa lang kami ng tawa habang kumakain.

"May sinalihan kayo sa sport fest?" Tanong ko.

"Ahm, sumali ako sa volleyball, si kuya naman sa Basketball. Ikaw?"

"Wala, alam niyo namang wala akong talent sa sports. Kanina may sinabi si Ma'am na ako daw ang representative ng section namin pero hindi ko naman alam kung ano yun. Mag tatanong nalang ako mamaya." Napatango-tango na lamang sila. Tinapos na namin ang pagkain namin at saka kami bumalik sa kaniya-kaniyang room.

"Psst! May biscuit ka?" Tanong ni Czy habang nangangalabit.

"Bakit? Wala ka bang baon?" Umiling na lamang ito.

"Hay na ko, hindi na nag bago. Oh ito, Bingo lang meron ako eh."

"Sige pwede na yan, lagi naman eh haha. Salamat!" Ginulo pa nito ang buhok ko bago siya bumalik sa kaniyang upuan.

Hay nako! Mag selos ka na kasi crush para hindi ka na laging gutom! Papakainin kita ng sobrang dami! Kung gusto mo sabay pa tayo tapos dun tayo sa garden ng school tapos mag p-picnic tayo tapos---

"Ms. Flores! Uso bumati." Napatayo ako bigla nang tawagin ako ni Sir.

"S-sorry po. Good afternoon po, Sir." Nahihiyang bati ko. Pinag titinginan kasi ako ng mga kaklase ko. Hmp! Palibhasa mga wala kayong crush kaya hindi nyo alam yung feeling na mag day dream!

Nakinig nalang ako kay Sir. Hirap talaga maging college student amp! Pero okay lang yan, para sa FUTURE!! Laban lang!!

Kinuha ko ang cp ko nang mag vibrate ito.

[Tama na ang kakamotibeyt sa sarili! Gudlak sa plano mo. Aral muna bago landi •-•] -Mama.

Napalingon ako sa buong room, nag babakasakaling nandun si Mama pero wala. Jusq po nakakatakot na si Mama, HEEELLPPP!!!!

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now