CHAPTER 16

773 63 4
                                    

CHAPTER 30

"XIAAAATOT!!!" Napangiti ako nang salubungin ako ni Aira. Mabilos ako nitong niyakap ng mahigpit.

"I miss youuuuuu!" Nakangiti kong sambit.

"Ehem," napalingon ako sa nag salita.

"Kuya Alex!" Mabilis ko itong niyakap.

"Acckk-- dalaga ka na." Nakangiti nitong saad. Natigilan ako nang may mapansin ako.

"Si... Czy?" Nagkatinginan naman sila Kuya Alex at Aira.

"A-ah mukang pagod na kayo ng kasama mo, pasok muna kayo sa bahay. Nilinis namin yan kanina." Sabi nito na parang iniiwasan ang tanong ko. Kinuha niya rin ang maleta ko.

"Oo nga, Xia. Hindi mo ba namiss itong bahay at lugar niyo? Tsaka, hello? Bisita mo kami oh." Singit ni Craine. Napatango naman ako. Oo nga naman..

"Tara pasok kayo," anyaya ko sa kanila. "Pasensya na walang second floor yung bahay namin dito, hindi kagaya kila Lola."

"It's okay." Nakangiting sambit ni Ycz.

"Ay shet gwapo!" Sabay sabay kaming napalingon kay Aira nang sabihin niya iyon.

"Landi 'te?" Natatawang sabi ko dito. "Ipasok ko muna tong mga maleta. Hintayin niyo nalang muna si Mama."

Pag pasok ko sa kwarto ko, parang bigla akong nang hina. Wala naman, namiss ko lang kasi itong bahay.

"Hey, papasok." Napalingon ako nang may mag salita.

"Ikaw pala, Ycz. Pasok ka."

Pagka-pasok nito, inilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto.

"Ano nga palang kailangan mo?" Tanong ko. Itinabi ko na ang mga maleta.

"Do you wanna see him?" Natigilan ako at napatingin sa kaniya.

"H-hindi ko alam." Nag lakad ako palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Parehas na kaming naka-upo sa kama at tahimik.

"Yung totoo, gusto mo siyang makita, right?" Napayuko naman ako at hindi nalang sumagot.

"Pwede mo naman puntahan, samahan kita."

"Talaga?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Mama, alis lang kami ni Ycz ha!" Paalam ko.

"Psst pogi, wampepte. Ehe-- aray naman!" Sinamaan ng tingin ni Aira si Crainw dahil binatukan siya nito.

"Landi mo, kaya hindi ka nagkaka-jowa eh."

"Tse! Palibahasa may jowa ka na. Kuya, inaaway ako oh!" Natawa naman kaming lahat. Ang bilis naman nila maging close?

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Mama.

"Dyan lang, kila Czy." Parang natigilan silang lahat sa sinagot ko. "Anong meron?"

"Wala, mag iingat kayo."

"Okay." Sagot ko na lamang. "Tara na nga, ang weird ng mga tao dito kapag binabanggit pangalan ni Czy, tsk." Natawa lamang si Ycz.

MYGOODNESS!

~*~

"Hindi ko nakita si Akashi kanina," sabi ni Ycz habang naglalakad kami papunta sa apartment ni Czy.

"Si Kuya Akashi? Hindi ka na nasanay, lagi talagang wala yun. May trabaho kasi sa ibang bansa." Tumango tango naman siya.

"Oh nandito na pala tayo," tumigil kami sa tapat ng isang apartment. Nakaramdam naman ako ng excitement na may halong kaba. Excitement dahil makikita ko na ulit si Czy at kaba dahil sa hindi malamang dahilan.

"Ate TinTin!" Tawag ko sa anak ng landlady dito.

"Oh, Xia? Ikaw na ba yan? Dalagang dalaga ka na ah!" Nakangiting bungad sakin nito.

"Ahm, Ate TinTin, nandyan ba si Czy?" Napakunot naman ang noo nito.

"Si Czy ba kamo? Nako, matagal nang wala yon dito. Nung araw na umalis ka, umalis din siya. Akala ko nga ay magkasama kayo." Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

"S-saan daw po nag punta, Ate?" Kinakabahang tanong ko.

"Kung hindi ako nagkakamali, sa France daw ang punta niya eh." Nanlaki naman ang mata ko.

"Po? As in France?! Yung sa ibang bansa, ganon?!" Tumango tango naman siya.

Wala sa sariling napatakbo ako paalis sa lugar na iyon.

"Hey, saan ka pupunta?" Tanong ni Ycz.

"Pupuntahan ko si Czy sa 7/11." Sagot ko.

"Huh? Hindi mo ba narinig ang sinabi nung babae?" Bumagal naman ang takbo ko.

"Narinig,"

"Narinig pala eh--"

"Laging dahilan ni Czy yon kapag gusto niyang makipag kita sakin sa 7/11 kaya sanay na ako." Nakangiting sagot ko. Ngiting pilit dahil kahit ang sagot ko ay hindi ako sigurado. Iba yung feeling eh.

Nang marating namin ang 7/11, napakunot ang noo ko nang makitang sarado iyon.

"Ahm, Ate, ano pong meron dito?" Tanong ko sa babaeng nag wawalis ng kalsada.

"Dyan ba? Ang usap-usapan ay nakatanggap daw ng malaking pera ang may-ari n'yan pero ang kapalit ay isasara ang 7/11 pero bawal ipagiba. Yun ang sabi-sabi." Tumango naman ako at nag pasalamat.

"Ahm... b-baka nag prepare siya ng surprise sa bahay. T-tara puntahan natin." Nawawalan ng pag-asa kong sabi kay Ycz. Hindi ko pa rin inaalis ang pilit na ngiti sa aking bibig. Ayoko.

Nag lakad na kami pauwi at pilit kong pinapaniwala ang sarili kong nandito pa si Czy. Alam ko, nandito pa siya.

Nang makatapat na kami sa pintuan, huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago ito buksan.

Katahimikan ang sumalubong samin nang makapasok kami. Ang inaasahan kong 'SURPRRIISSEEE!!' ay hindi dumating.

"Ahm, k-kamusta yung lakad niyo?" Basag ni Craine sa katahimikan. Pinanatili ko pa rin ang ngiti ko tsaka sila tinignan isa-isa.

"Ah, okay lang. Bakit ang tahimik niy--?" Natigilan ako nang may pumatak na tubigsa pisngi ko. "Pasensya na, na puwing lang. Sige pasok muna ako sa kwarto." Mabilis akong nag lakad papasok sa kwarto at doon biglang bumuhos ang napakaraming luha mula sa mata ko.

"Ang sabi mo, maghihintay ka... pero na saan ka ngayon?" nasasaktang tanong ko sa kawalan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala.

Napaka-daya mo, Czy. Sampung taon kitang hinintay samantalang tatlong taon lang akong nawala, naglaho ka nalang bigla. 

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon