CHAPTER 4

1.5K 97 5
                                    

[♧CHAPTER 4♧]

Panibagong araw, panibagong pag papaselos na naman! BWAHAHAH----

"Xia!! Male-leyt ka na!"

"Yes, Mama!"

Haynako, hindi mo malaman kung araw araw bang may dalaw si Mama o wala eh. Pero okay lang yan, siya naman ang mastermind natin BWAHAH---

"Xia nga!!"

"Ito na nga Mama oh, ito na!" Mygoodness!

Lumabas na ako sa kwarto at bumungad ang nakasimangot na peslak ni MaderErt.

"Ang pangit mo, Ma, awat na." Natatawang sabi ko dito kaya nakatikim na naman ako ng malutong lutong at bagong luto na batok •-•

"Pasok na ako, Ma! Bye!"

Habang nag lalakad ako papasok ng school, may pa-hikab session pa ko. Napuyat kasi ako kagabi, bwiset yung mga nag c-comment sa post ko. Hinihingi kung ano na daw ang nangyari. WAAAHHH NAG ANDAMING CHISMOSA (T^T) charot.

So ayun, busog na naman si kumareng eyebags, kayo din noh? Sabihin niyo, kayo din diba?? Puyat din kayo dibaaaa? Suntukan kami ng hindi sasagot ;-;

"Yown! Puyat pa nga! Hahaha!" Napalingon ako sa umakbay sakin at... watdapakeningshet!!!! SI CRUSH!!!!!

Mabilis akong nalalayo ng ilang metro sa kaniya. Yung puso ko ang bilis tumibok. Parang ganito Czy-Czy-Czy-Czy. Inggit kayo noh? Si crush lang kasi tinitibok ng hearteu ko >^<

"Mabaho ba ako at kailangan mong lumayo sakin ng tatlong metro?" Natatawang sabi nito. Mabaho? Kelan naging mabaho si crush? Sino nag sabi?! Myghad!! Amoy downy kaya crush ko, ehe~

"Ikaw kasi! Sulpot ka ng sulpot bigla! Para ka din si Mama!" Ginulo na lamang niya buhok ko sabay sabing, "Hayyssst!"

"May problema ka ba?" Tanong ko.

"I..w problema ko," mahinang bulong nito. Oh diba, mahina na nga, binulong pa! Talagang hindi mo maririnig eh!

"Ansabe mo?"

"Wala. Nag almusal ka na ba? Daan tayo 7/11? Ba't hindi mo kasabay boyfriend mo?" Nag iwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

Kapag tanong ng tanong at kulang curious sa inyo ng bf 'kuno' mo, mission success [/]

"Mwehehehe," mahinang tawa ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala, sabi ko tara na." ACCKKK ROAD TO FOREVER NA BA THIS?? >^< CzyRei lang mAlAkAsSs BWAHAHAH---

"XIAAA!! YUNG BAON MOOO!!" Muntik na akong madapa nang marinig ko ang napakalakas na boses ni Mama.

MYGOODNESS!!!

~*~

"May lahi bang kabute si Mama?"

"Nakalunok ba ng microphone Mama mo?"

"Ewan, sa tingin mo nakainom ng maraming Energen yun?"

"Siguro, hindi nawawalan ng energy si Tita eh."

"Oo nga tama ka dy--ANO?!?!?!?!?!" Malakas na sigaw ko. MYKYUTNESS!

"Ms. Flores!!" Napatayo ako sa upuan nang tawagin ni Sir yung apelyido ko.

"B-bakit po ser?"

"Define Pneumonoultramicroscopicsilicovulcanoconiosis!"

Numon--HANUDAW?!?!

"S-ser--"

"Oh bakit?!"

"Nandiyan yung bagong teacher oh! Yung pogi!!" Malakas na sabi ko sabay turo sa pintuan sa unahan.

"Asan?!"

"Tara dali!!" Mabilis kong hinila si Czy palabas, sabay sigaw ng.. "SER, IZZA PRAAANKK!! WAHAHAHA!"

Tawa kami ng tawa ni Czy habang nag lalakad sa hallway. Hayst, cutting na naman. Buti nga hindi ako sinusumbong kay Mama eh.

"Oh Xia, bakit kayo nasa hallway?" Napahinto kami sa pag lalakad.

"Ikaw pala, Alex! Napagalitan kasi ako ni Ser eh." Natatawang sagot ko. "Eh ikaw?"

"Ako din haha! Pupuntahan sana kita para yayain tumambay sana sa park pero..." sinadya niyang putulin ang sinasabi at tumingin kay Czy.

"Oh pandak, naalala kong may pupuntahan pa pala ako HAHAHA mamaya nalang. Bye!" Paalam ni Czy sabay nag lakad na paalis. May ibinulong pa ito pero hindi ko na narinig. Hayaan mo na nga yon.

"Ikaw talaga kuya Alex haha! Nga pala, half day lang tayo di ba?" Tumango naman siya. Nag simula na kaming maglakad papunta sa mini park dito sa loob ng Campus. Yayamanin principal namin eh.

"Yeah, gaganapin kasi yung opening ng Sport Fest mamaya.. pero bukas pa naman sisimulan." Natawa naman ako.

"Ewan ko sayo kuya. Si Aira nga pala?"

"Edi nasa park den. Pinalabas din daw eh, ewan ko kung bakit. Mag p-picnic daw tayo." Napangiti naman ako.

"AIRA!!!" Sigaw ko nang makarating na kami sa park.

"Ang tagal nyo mag lakad, nilalangaw na ako dito." Nakasimangot na reklamo ni Aira.

"Hahaha ganun talaga. Bakit ka nga pala napalabas?" Tanong ko.

"Ikaw muna, bakit?" Kumibit-balikat ako.

"Pinag tripan ko si Ser eh. Tumakas kami ni crush uwuu~ HAHAHAHA." Nakita ko naman ang biglaang pag pula ng pisngi ni Aira pero bigla din itong nawala.

OW.EM.JI!

"Kuya, pwede ka bang bumili ng siopao sa 7/11?"

"Sure, ilan?"

"Dalawa sakin, tapos apat kay Aira. Salamat!"

Nang makaalis na si kuya, mabilis kong binatukan si Aira.

"Aray! Para saan naman yon?!"

"Para yon sa kalandian mo, gaga ka! May crush ka na noh??" Namula ang buong mukha ni Aira.

"Ayern, meron nga. So ano name? Gusto mo pag selosin din natin? Gwapo ba? Matangkad? Mayaman? Maputi? ANO? Sabihin mo!" Palapit na palapit ang muka ko habang tanong ako ng tanong sa kaniya.

"Hey! Back off!" Nagulat ako nang may biglang tumulak sa noo namin ni Aira dahilan para magkalayo ang muka namin.

Nang tignan ko ito, masama ang tingin niya sakin at halos yakapin na niya ang buong muka ni Aira.

"Hoy hoy hoy! Sino ka ba?!" Tanong ko dito sa lalaki. Mukang englishero eh, pero bahala siya dyan. Ayoko mag adjustment, hmp!

"Future boyfriend of Aira." Agad lumuwa ang mata ko, like literally LUMUWA!!

"O to the M to the G!" Nilingon ko si Aira at tumango naman ito.

"WAAAAHHH!!! KUYA ALEEEXXX!!! MAY JOWA NA SI AIRAAAA!!" Nag hi-hysterical kong sigaw habang tumatakbo papunta sa 7/11 kung na saan si kuya Alex.

"H-hoy! Anong jowa! Hindi noh!!!" Sigaw ni Aira habang hinahabol ako.

"KUYAAAA HINDI NIYA DAW JOWA!! ASAWA NA DAAAWW!!!"

"WATDAPAK?!"

"KUYA WEDNESDAY DAW PO ANG KASA---!!!"

"At bakit ka nag papaikot-ikot dito sa labas ng School nyo?! Xia Rei Flores?!?!"

Sa gulat ko, natapilok ako sa bato at huli ko nalang naalala ay ang malakas na pagka-bagsak ko.

Nandito kami ngayon sa clinic ng school. Ginagamot yung sugat sa pisngi at ilong ko.

"Mama kasi eh! Kung hindi ka ba naman sira, bakit ka ba kasi sulpot ng sulpot bigla?!"

"Eh sa nalaman kong nag cutting ka eh! Oh ano, tama ako diba??"

Natahimik nalang ako. Kung sino man sa inyo ang sponsor ng mata ni Mama, lumapit kayo sakin SUNTUKAN TAYO!!! ;-;

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon