CHAPTER 18

785 57 0
                                    

[♧CHAPTER 18♧]

"If eVeR yOu'Re iN mY aRmS aGaiN, tHis tiMe I'll lOvE yOu mUcH bEttEr... tHiS tiMe will nEvEr EnD~" nakakairitang kanta ni Tart.

"Tart, pwede ba tigil tigilan mo yang kakakanta mo?! Akala mo naman kasi ang ganda ng boses!" Sigaw sa kaniya ni Aira.

"bAbE iNaAwAy aKo oHh!" Pag susumbong ni Tart kay Craine with matching tono pa. Mygoodness!

"Ang pangit naman kasi ng boses mo. Hampasin kita eh," natahimik naman bigla si Tart. Under amp! HAHAHAHAH.

"Oo nga pala, Aira, nasaan si Lucas?" Pansin kong nanliit ang mata nito.

"Yon? Pake ko don? Ghoster yun eh, bigla nalang nawala. Pero ang mas importante, nakita ko na ang forever ko, diba bebe Ycz? Ehe~" Natawa naman kaming lahat. Apaka landi eh?

Napalingon kami kay kuya Akashi nang magsalita ito.

"Pag dating sa France, sa hotel tayo unang dadaretso. Make sure na kapag aalis kayo, alam ko at isa pa, bawal umalis ng mag isa. Okay? May tao bang familiar sa inyo sa France?" Napaangat naman ng kamay si Tart.

"Ako tsaka si Ycz!"

"Good,"

Nang tumigil ang kotse sa Airport, bumaba na kami at kanya kanya ang dala ng maleta.

"Mauna na kayo sa plane. Sa bandang dulo, may nag aabang na personal guard don. Ipakita niyo lang yung ticket niyo sa kaniya, alam na niya ang gagawin." Napakamot naman ako sa ulo. Ganito yung nababasa ko sa mga story kapag mayaman, may personal guard.

"Tara na nga," sambit ko. Habang naglalakad kami, kaliwa't kanan ang kwentuhan nila Aira. Mygoodness!

"Hey, are you okay now?" Napalingon ako kay Ycz. Simula pala nung mag kulong ako sa kwarto, hindi na kami nag uusap.

"Oum," sagot ko na lamang. Nahihiya akong kausapin siya dahil alam niyo namang nanliligaw siya at sinabi kong hindi ko na crush si Czy pero nang malaman kong wala siya, ito ako't papunta ng France para sundan siya.

"Naiilang ka? Haha okay lang yun," nakangiti nitong sambit sabay gulo ng buhok ko.

Nang makarating kami sa dulo, may nakita kaming lalaki na nakaitim. Siya na yata yon.

"Kuya, ikaw po ba yung personal guard na sinasabi ni kuya Akashi?" Tumango naman ito. "Ito po yung ticket namin," kinuha naman niya iyon at parang nagulat pa ito nang makita si Ycz.

"Ahm, this way po, Ma'am."

Iginiya kami nito patungo sa plane na sasakyan namin. Nagulat kami nang makitang isang babae lamang ang sakay nito maliban sa tatlong flight attendant.

"Hi! Kayo na siguro yung mga kasama ni Akashi, upo kayo." Nakangiting bungad ng babae. Kung huhulaan ko, nasa 28+ na ito pero muka pa rin itong dalaga. Magaling itong mag tagalog pero hindi mo pa rin maikakaila ang French accent sa boses nito.

Naka-shades ito pero ewan ko ba kung namamalik-mata lang ako kasi nakita kong pinanliitan niya ng mata si... Ycz?

"By the way, I'm Zcy Serenity, Ycz's sister and Akashi's boss. You can call me Ate Zcy." Sabay sabay namang nanlaki ang mata namin.

"A-ate ka ni Ycz?!" Sabay sabay na tanong namin, maliban kay Ycz syempre.

"Uh-huh, oh siya kayo'y magsi-upo na't lalarga na tayo."

"Wait, si kuya Akashi p--"

[Hi guys! Capt. Akashi speaking, please sit properly while we're taking off.]

WATDAPAKENINGSHET?!?!

"See? Upo na, dali."

Sumunod nalang kami. Akmang uupo ako sa tabi ni kuya Alex pero bigla akong hinila ni Ate Zcy.

"I know you, you are Xia, right? Lagi kang kinukwento ni Ycz eh." Napakamot naman ako sa ulo. Nakakailang!!

"Ate Zcy, hindi ka na bumibisita sa ZU!" Biglang sigaw ni Craine.

"So many work, baby Aine eh. Don't worry, next time I will visit ZU." Doon lang pumasok sa isip ko yung name niya.

"Ikaw yung may-ari ng Zcy University?!" Gulat na tanong ko.

"Uh-huh..? Don't tell me, ngayon mo lang narealize?" Napakamot naman ako sa ulo.

"Ehehehe," yun na lamang ang nasabi ko.

Mag damag lang kaming nag kwentuhan, nag iingayan at kung ano-ano pa.

Matapos ang mahigit 14 hrs na byahe, nakarating din kami sa France.

"Gaya ng napag-usapan walang hihiwalay, okay? Mag pahinga muna tayo sa hotel." Tumango naman kami.

"I prepare the van at the parking lot." Sabi ni Ate Zcy kay kuya Akashi.

Napatingin kami sa bag niya nang may nag ring dito.

"Excuse me," nakangiti niyang sabi bago sagutin ang tawag.

"De quoi avez-vous besoin?" Tanong ni Ate Zcy sa kausap nito. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang boses ng kausap niya.

"Hurry up! I'm here already, if you won't come within 10 minutes, iiwan kita." Nanigas naman ako nang marinig iyon.

Inis na pinatay ni Ate Zcy yung call sabay tingin samin.

"Guys I'm sorry hindi ko na kayo masasamahan papunta sa hotel. May bwisit kasing surot eh, gotta go! Bye!"

"Ate Zcy, wait!" Pigil ko sa kaniya.

"Yep, baby Rei?" Napapikit naman ako sabay iling.

"W-wala, gusto ko lang sabihing ingat."

"Okay, kayo din!" At umalis na ito ng tuluyan.

"Are you okay?" Tanong ni kuya Alex. Tumango naman ako.

"Okay lang ako. Tara na?" Tumango naman sila.

Hay nako, sa sobrang excited ko makita si Czy, pati boses ng iba napapagkalaman kong boses niya. Myghad!

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHWhere stories live. Discover now