Chapter 32

22.6K 642 126
                                    

"Beshie okay ka lang ba?" Nagising ako sa pagkakatulala noong makaramdam ako ng mainit na dumampi sa palad kong nanlalamig.

And upon realizing their question, my eyes turned misty again. Gusto ko na namang umiyak. Napatingin ako sa palad ko na hinawakan ni Ariza.

At mas grumabe ang kagustuhan kong umiyak na naman. But I can't cry infront of them. Strong ako eh. Matatag ako. Pag ibig lang iyan. Hindi ako papatalo.

"Kung may problema ka, wag kang mahiyang sabihin sa amin. Best friend mo kami diba." Si Rhianne naman iyan.

Napatingin ako kay Cassidy noong tumabi siya sa akin. Nag aalala ang kanyang mga mata. "Ate Jam. Pwede kang umiyak, we won't judge you. Kapag hindi mo na kaya iiyak mo lang. Wag mong pigilan." Napasinok ako doon at dahil doon ay nag uunanahan na namang bumuhos ang luha ko.

"I don't... Want- to cry..." Halos hindi ko maidiretsong sabihin iyan. "Pagod na akong umiyak eh." Sabi ko na parang bata.

"Ayoko ng umiyak." Sunod sunod pa rin ang luha ko sa pagtulo. Kahit na ilang pahid na ang ginawa ko.

Nakikita ko sa mga mata nila ang awa at lungkot. "Ilang araw na din akong umiiyak. But I can't stop crying." Pag amin ko.

Nanghihinayang ako.

Nasasaktan.

"Okay lang iyan Jamie, malalampasan mo din iyan?" Sabi ni Rhianne.

Malalampasan nga ba?

Napatingala ako kay Nayumi na kanina pa ako pinagmamasdan. Malungkot din siya.

"Yumi... Bakit ganun?" I ask her. "Sabi mo magpapahinga lang saglit si Quiro at pakikinggan niya ulit ako. Pero  bakit ganun?" May hinanakit na sabi ko.
"Bakit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon  na magpaliwanag?" Mas grumabe na ang aking pag iyak.

"B-bakit..." Huminga ako ng malalim.

Dahil masakit.

"B-bakit sumuko na siya sa akin?"

Masakit tanggapin  na ang taong mahal mo hindi na nakapag hintay at sinukuan ka na.

"B-bakit iniwan na niya ako?"

Masakit tanggapin na ang taong mahal mo ay tuluyan ka ng iniwan at nagpaka layo layo nang hindi ka man lang nakakapagpaliwanag.

"Bakit niya ako iniwan pagkatapos niya akong sabihan na mahal niya ako?"

At mas masakit tanggapin na mahal ka din ng taong mahal mo pero mas pinili niya pa rin na sumuko at iwan ako.

"Bakit?" Tanong ko at saka na ako napayuko. Ang dami kong bakit?

"Bakit hindi niya ako binigyan ng chance na sabihin sa kanya na mahal ko din siya?"

Ang dami dami eh pero wala na yung taong makakasagot ng lahat ng iyon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil feeling ko nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa grabeng pag iyak ko. Hanggang sa lumabo ang aking paningin ang huli kong narinig ay ang sabay sabay na pagtili ng mga kaibigan ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.



***
Nasaktan ako sa nakita ko kaya ilang araw din akong hindi lumabas, nagmumukmok sa bahay. Walang ganang kumilos at iiyak kapag naalala iyon.

But then napag isip isip ko na hindi pwede yung ganito na pinag gagawa ko. Na kailangan kong makausap si Quiro. Kailangan kong sabihin sa kanya ang dahilan ko.

So I called Nayumi if she know kung nasaan si Quiro. Hindi na kasi ito umuuwi sa bahay niya. Katunayan nun ang palaging madilim niyang bahay tuwing gabi.

Forgotten Night (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن