Chapter 13

29.9K 851 100
                                    

Friends

I wake up the next morning dahil nahihirapan akong huminga. Feeling ko may sumasakal sa akin or dumadagan sa akin. Kaya lukot ang mukha kong nagmulat ng mata. But my eyes widened in shock dahil nakita ko si Quiro sa tabi ko. Natigilan ako. He is sleeping soundly beside me. Habang nakapatong ang kanyang kamay at paa sa katawan ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap kurap.

Bakit siya nandito? Bakit katabi ko na siya? Did he sleep walk or what? At ang mas malala bakit ko hinahayaan na nandito siya sa tabi ko?!

Dahil doon ay agad agad akong napabangon not minding if magising siya or ano. Mararahas ang aking paghinga noong makabangon na ako at tinignan si Quiro na hindi man lang natinag at patuloy lang sa paghilik nito ng mahina.

Napatingin ako sa alarm clock ko. At napagroan nalang ako when I saw what time is it. Alas kwatro y media palang ng umaga. It's too early for me to wake up. Kaya napatitig ako sa kama ko na hinihigaan na ng iba. Napahinga nalang ako ng malalim at saka napagpasyahang lumabas sa aking kwarto. I went to my living room and lie down in the matress na kinahihigahan lang kagabi ni Quiro. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa kwarto ko. Hindi ko na yun iisipin pa. Baka ang akala niya ay nasa bahay siya nito at noong nagkamalay ay lumipat ito sa kwarto niya. That explains why he is in my room.

Pinikit ko nalang ang mata ko at napagdesisyunang matulog ulit. Kasi masyado pang maaga. Gusto kong bawiin ang mga gabing kulang ako sa tulog. Nagkumot ako and help myself to be comfortable, nakakahiya naman kasi sa baklang iyon na feel na feel na yung kama ko.

Naalimpungatan muli ako when I feel something weird yung  parang may nanonood sa akin. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata. At ganun nalang ang gulat ko when I saw 3 pairs of eyes watching me.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kanila. My crazy friends except for Ariza is here in my house.
Pero nanatili silang nakatingin sa akin with their questioning eyes.
"P-paano kayo nakapasok?" I ask again.

"The gate was open." Nayumi said

"Your door was unlock." Dagdag ni Rhianne.

"And it's so not you." Taas kilay na sabi din ni Cassidy. The gate... Oo nga pala dahil sa pagmamadali at pag alalay ko kay Quiro ay baka nakalimutan kong ilock pati na din ang pintuan ko.

"And why are you sleeping here in your sala?" Nayumi ask at inilibot niya ang kanyang paningin. Napalunok ako at napatingin sa iba. I can't meet their stares.

"Ah-eh. Kuwan.... Trip ko lang oo. Trip ko lang besides magulo kasi yung kwarto ko. Andaming kalat." Pagpapalusot ko. Lumusot kang palusot ka. Piping dasal ko pero nawalan na ako ng pag asa na lulusot iyon when someone goes down from the second floor and greeted us.

"Good morning." All eyes darted to that person. Ako ay napangiwi lang. Siyempre sino pa nga  ba ang bababa. It's Quiro, he is sleepily walking habang kinukusot nito ang mata niya. Napakurap kurap ang tatlo, palipat lipat ang kanilang kakaibang tingin sa akin at kay Quiro. I breathed out at saka tumayo at iniligpit ang higaan ko.

"Good morning Jamieya gurl." Quiro greeted me na parang iyon ang pinakanormal na gawin sa umagang ito not minding the eyes na kulang nalang ay lumuwa ang eyeball sa pagkamulat. Pinandilatan ko siya.

"Bad morning." I greeted with a distorted face.
Noon lang siya natigilan na parang noon lang nag sink in sa utak niya na nasa ibang bahay siya. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha. He even roam his eyes around to confirm na nasa ibang bahay nga siya.

"Quiro! What are you doing here?!" Gulat na gulat na tanong ni Nayumi sa pinsan niya. Napakamot sa batok si Quiro at saka siya napatingin sa akin. Inirapan ko lang siya at saka ko binuhat yung matress, unan at kumot at dinala sa taas. Bahala na siya diyan. Siya ang magpaliwanag sa mga kaibigan ko. If and only if naaalala niya ang nangyari kagabi. Hindi naman siguro siya kagaya ko na nalilimutan ang mga nangyari dahil sa kalasingan diba?

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now