Chapter 16

29.6K 824 53
                                    

Agreement

After the kiss that we shared gaya nga ng sabi niya mag uusap kami. We talked and it's not about that night but it was about what is happening now between the two of us.

"What now?" Tanong niya. Hindi pa din niya ako nilulubayan sa mga mainit niyang tingin like he was going to devour my lips again.
Napalunok ako at dumistansiya sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay ng dahil doon. Mag uusap kami kaya kailangang magkalayo kami. Marupok pa naman ako.
Masyadong mabilis ang lahat. Kakaofficial lang ng friendship namin and now something happened between us na hindi dapat ginagawa ng magkaibigan. Kung hindi lang naman kasi halik ng halik yang baklang yan.

'But you like it!'

Oo na wag na tayong magpakaipokrita. Noong unang beses niya akong hinalikan, except for that forgotten night na hanggang ngayon ay pilit ko pa ring inaalala. Nagustuhan ko na iyong mga halik niya...

"Masyadong mabilis ang lahat Quiro but let's be honest I like the kiss, you also like it, and we were both concenting adult kaya normal nalang iyon siguro."

"It's not normal for m-"

"How? E ikaw nga ang halik ng halik sa akin. How is it that it was not normal to you?" Tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin niya ako ay tinitigan lang niya ako ng matagal na nakapagpakabog sa dibdib ko. Napalunok ako sa uri ng tinging ibinibigay niya sa akin. Sa huli ay nagkibit balikat siya.

"When I said it's not normal for me then it's not." Sabi lang niya at saka nag iwas ng tingin sa akin. Mas lalong nangunot ang noo ko.
Pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Well our situation is too much to handle at mas lalo lang sasakit ang ulo ko kung iisipin ko pa iyon. Maya maya ay tinignan niya ako na parang may malalim na iniisip. And I am so curious if what is he thinking?

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon