Chapter 15

31.2K 864 79
                                    

Closer

"At lumabas ang reyna ng mga taong bahay." Manghang sabi ni Rhianne habang nakatingin sa akin ng hindi makapaniwala. Actually dalawa sila. Sino nga bang hindi magugulat kung makikita nila ako dito sa isang coffee shop na nagkakape, walang kaharap na laptop at maayos ang damit.

"Mukha ka ng tao diyan sa damit mo actually." Komento din ni Cassidy na nakataas ang kilay at pilit hinuhuli ang mata ko. And she is looking at me na parang sinasabihan ng 'may di ka ba sinasabi sa akin?'
Nag iwas ako ng tingin.

Mabuti nalang at sila lang dalawa ang nandito.
Umupo na sila sa bakanteng upuan sa mesang inookupa ko. Napasimangot ako, bakit ba kasi ang tagal tagal niya? Napabuntong hininga nalang ako.

"So what are you doing here?" Rhianne ask.

"Wala." Ang tanging nasagot ko lang.
"Kayo anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko.

"I own this place." Sabi ni Cassidy. Napangiti nalang ako ng alanganin. Bakit ko ba nakalimutan iyon?
Hindi na ako nagsalita at iniiwasan nalang ang kanilang mga mapanuring mata.
"You are hiding something from us Jamieya." Rhianne tease me. Napasimangot ako lalo at inirapan siya.

If you don't go out that much may masasasabi ang mga tao once they saw you went out, and if you are not a home person and enjoys life outside your house they will say something about it, like gala ng gala, ni hindi mapirmi sa bahay, naglalandi lang naman. Now, saan nga ba tayo lulugar.

We can't satisfy them though, those judgemental freaks out there. Pero itong mga kaibigan ko, sadyang curious lang sila sa mga ganap aa buhay ko. Alam niyo na wala na silang masyadong pinagkakaabalahan, lalo na itong dalawang ito. Bakit kasi hindi nalang sila mag anak para may pagka abalahan sila like Ariza. Si Nayumi naman busy pa sa bagong marriage life niya. Sweet sweetan muna sila ni Drake.

"Tell us na, why are you here?" Pangungulit nila. Akmang sasagot na ako pero may asungot na nakisawsaw.

"She is here to see me." Naagaw  ang atensyon namin sa taong papansin na yan.
And I don't like his smirk. He eyed me, from head to toe, ramdam ko yung paglakbay ng mga mata niya sa katawan ko and after that he even grin wider. Samantalang sina Cassidy at Rhianne ay nanlalaki ang mga matang nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Quiro.
"You're pretty with your dress Jamieya gurl." He complimented and wink at me. Natigilan ako doon at namula ang mukha na sana ay hindi nalang nangyari. Hindi talaga ako sanay na kinocompliment ako ng baklang iyan.

"Oh my gosh. I made you blush- ay wait sabagay palagi naman pala." He said and that naughty smile of him and he wink at me. Gosh! Bakit ganyan ang baklang iyan. I want to strangle his neck para tigilan na niya ako sa kalalandi niya sa akin. Namimihasa na siya-

'Sus gustong gusto mo naman!' I groaned in my head silently because of that. I hate myself. And I hated him kasi ang landi landi niya. Pero hindi naman kasi siya magiging malandi kung hindi ko siya pinayagan diba?

"You two..." Takang puna ni Cassidy. "Are you dating?" She ask na ikinasamid ko sakto pa naman na umiinom ako. Agad namang nakalapit sa akin si Quiro at pinagpag ang aking likod.

"Cassy bakit mo ba ginugulat si Jamie sa mga ganyang tanong mo? Tignan mo tuloy ang nangyari sa kanya." Saway niya kay Cassidy you can hear in his voice that he is worried.

"May something sa inyong dalawa." Sabi na naman ni Rhianne while observing us intently. Mas lalo tuloy akong naubo. Pinagpag ni Quiro ang likod ko.

"Oy bakla OA kana ah! Mapanakit na yang pagpag mo!" Saway ko kay Quiro kaya napatigil siya at saka napangiwi and he look at me apologetically.

He mouthed sorry at umupo na siya sa tabi ko.
Nanatiling nakamasid yung dalawa sa amin. At alam kong magiging ganyan sila hanggat hindi nabibigyang linaw ang nakikita nila.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now