Chapter 29

24.9K 730 85
                                    

"Talagang sa kwartong ito?" Paninigurado koa sa kanya. Napatingin na naman siya sa akin ng may pagtataka. Napaiwas ako ng tingin para hindi niya mapansin na kinakabahan ako.

Nilapitan na niya ang pinto.
Napapikit ako ng mariin noong sinusihan na niya ang door knob.

'Heto na Jamieya!'

Inikot na niya. Napamulat nalang ako ng mata noong ilang ikot na niya sa susi pero ayaw magbukas.

Napalipat lipat na naman ako ng tingin kay Quiro at sa pinto.

"Ayaw." Kunot noong sabi niya sa akin.
Hinugot niya ang susi. Tinignan niya ang tag nito. And he chuckled.

"My bad. Hindi pala dito.  Dito pala." Sabi niya and he take a step at saka tumigil sa pintong katabi ng binubuksan naming pinto.

Yung kwarto kung saan nagsimula ang lahat lahat ng ito ay room number 27 samantalang ang hawak hawak ngayon ni Quiro na susi ay room 28.

Napahinga ako ng malalim at palihim na hinaplos ang aking dibdib para kalmahin ang aking sarili. Napapunas pa ako sa aking noo dahil may namumuo nang pawis doon.

"You okay?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Pero nangunot noo ako noong makitang may kakaiba sa mata niya. Parang kumikislap iyon. Sinulyapan niya ang pinto ng room 27 at saka sa akin at hindi nakatakas sa akin ang pagngisi niya. Naalala niya kaya. Alam niya kaya ang iniisip ko kaya siya ngumisi. Dahil doon ay namula ang aming mukha dahil sa hiya. Tumikhim ako at saka isinawalang bahala nalang iyon.

"Buksan mo na at nang makapagpahinga na tayo."

He smiled a teasing one.

"Uy excited si Jamie gurl." Tukso nito.

"Excited saan?" Kunwari naiiritang tanong ko sa kanya.
He smirk at saka niya ako tinaasan ng kilay.

"Excited kang makatabi ako sa pagtulog." Sabi niya and he let out that boyish smile that make me swoon a little bit.

'Anong a little bit ka diyan Jamieya. Yung puso mo nga nag gi-gymnast na diyan sa loob ng ribcage mo!' bara sa akin ng isang bahagi ng utak ko. Kaya napairap ako sa kawalan at lihim na napamura. Sabi ko nga ang gwapo gwapo niya.

Bakit kasi nagpapakamanly siya eh!

Nahuhulog na tuloy ako.

Binuksan na niya ang pintuan. Akala ko kagaya din ng room 27 ang ayos ng kwartong ito. Pero naalala ko resort pala ito ni Nayumi eh ayaw niya ng paulit ulit na design. Kaya iba ang ayos ng kwartong ito. Napabuntong hininga ako at saka pasalampak na naupo sa kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto.

Pero sa totoo lang kahit na natatakot ako na pumasok sa kwarto sa kabila pero nandoon pa rin yung kagustuhan ko na pumasok doon.

Because Im hoping that maybe if I enter that room may maalala ako. Para matapos na din itong dilemna ko about doon sa forgotten night kong iyon. Dahl hangga't hindi ko naalala ang mga sinabi ko noong gabing iyon, yung mga sinabi niya noong gabing iyon mahihirapan akong humakbang papalapit sa kanya.

Hindi magmomove forward ang kung ano mang meron kami.

Oo gusto ko siya pero hanggang doon nalang muna iyon hanggang ngayon, hangga't hindi ko pa naaalala ang pinag usapan namin noong gabing iyon.

"Aw!" I hissed and I glared at him when he flicked my forehead. Nakanguso akong napahawak sa noo ko.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo." Puna niya sa akin. "Care to share?" Sabi niya at saka siya umupo sa tabi ko. Umusog naman ako papalayo sa kanya dahil ang lapit lapit niya.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now