Chapter 28(1)

29K 753 134
                                    

His smiles were so bright. So bright na parang may nakikita na akong halo sa likod ng kanyang paligid.

Habang nakatitig ako sa kanya na nakikipagkwentuhan sa mga magulang niya narealize ko na ganyan na ganyan din ako dati noong nabuhuhay pa ang mga magulang ko. And in an instant I feel sad because I eny him.

"Sis, yung barbecueng iniihaw  mo sunog na." Napapitlag nalang ako noong may bumulong sa akin niyan. Pagkalingon ko kung sino yun ay nakita ko si Nayumi na grabe kung makangiti. Napasimangot ako at inirapan ko siya.

Siya! Siya ang may kagagawan ng lahat bakit ako nasa sitwasyong ito sa ngayon. I came here because I want to talk to her na wag na wag ipagsabi yung nangyari sa amin ni Quiro. Na wag na wag niyang mabanggit banggit na sinabi ni Quiro na pakakasalan niya ako. But I guess huli na ang lahat lahat. Heto nga't nandito na ang mga magulang ni Quiro na kararating lang pala ng bansa.

Dahil noong sinabi ni Nayumi sa mga ito na may pakakasalan na daw ang panganay nila ay dali dali na silang nagbook ng flight papunta dito.

"Wag kang ngingiti ngiti diyan masama ang loob ko sayo." Pagsusungit ko sa bruhildang ito. Pero tinawanan lang niya ako at saka niya tinapik ang balikat ko.

"No hard feelings Jam. Tinutulungan ko lang kayong dalawa. Dahil obviously gusto niyo naman ang isa't isa. Obvious naman sa mga mata niyo. Kung paano niyo titigan ang isa't isa. And ito pa ha. Ahem grabe kayo, nagtutukaan na pala kayo. So why not get married para matapos na." Sabi niya. I scoffed and rolled my eyes.

"Hindi nga kasi simpleng usapan ang kasal Nayumi." Medyo nafufrustrate na sabi ko sa kanya.

"I know, but he is willing to marry you. At ngayon lang nangyari ito kay kuya Quiro. He never mentioned any single thing about wedding hanggang noon-"

"Sinabi niya lang na pakakasalan niya ako dahil tinutukan mo siya ng cutter." Irap na sabi ko sa kanya. Natigilan siya nag isip siya kung anong ipapalusot na naman niya. Akala ko talo na siya eh. But then ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

"But what if..." She smiled, isang ngiting may gustong iparating. "Kailangan ko pa bang sabihin sayo?" She ask herself. Bubulong bulong rinig ko din naman. " Hmm. Never mind." Sabi niya na hindi sinasabi sa akin ang gusto niyang sabihin. Napairap ako ng dahil sa inis.

"Basta ayoko siyang pakasalan." Sabi ko at nagpatuloy sa pagpaypay sa niluluto kong barbecue.

Supposed to be ay nakaalis na ako but then Quiro' s mother requested na dumito muna kaming dalawa ni Quiro. Gusto daw niya akong makilala. Gustong gusto daw niyang makilala ang future daughter in law niya.

Wala akong nagawa. Aayaw sana ako pero nakiusap din sa akin si Quiro. Kaya wala akong nagawa. Gustong gustoko ding sabihin sa mga ito na walang kasalang magaganap pero hindi ako nabibigyan ng chance.

"Why? Eh obvious naman na may gusto ka na kay Kuya Quiro?" She ask again.

"Wala akong gusto sa kanya."
Deny ko in a very cold voice.

"Haist. Just keep lying to yourself Jamie pero hindi nagsisinungaling ang mata mo. You like him." Pagdidiin niya. Napaiwas nalang ako ng tingin. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"If you want to have your happy ever after just admit it already and stop rejecting and pushing him away. Sinasabi ko sayo..." Tinignan niya si Quiro... "One day mapapagod din siya, kaya wag mo na sanang hintayin na mangyari ang araw na iyon." Payo pa ni Nayumi sa akin. Pero hindi nalang ako umimik. Umalis na din siya sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako at saka napatingin kay Quiro. He is radiantly smiling and laughing. Makikita mo sa mukha niya na masayang masaya siya na nandito ang mga magulang niya.



Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon