Chapter 12

29.2K 876 42
                                    

Drunk

"Should I go to him and say sorry? Or should I buy some stuff para suhulan siya at mawala na ang tampo niya sa akin?" Sunod sunod na tanong ko habang nakahiga ako sa may rattan swing na pinasadya ko pa talaga malapit sa may sala. "What should I do? Hindi ko naman alam kung nasaan siya." Pagkakausap ko na naman sa sarili ko. "Or maybe should I call him para makapagsorry?" I ask again at saka inangat ang phone na hawak hawak ko. Napailing iling ako. No, it should not be like that dapat sa personal. "Or maybe I could ask Nayumi if where can I find him." Napailing iling na naman ako. Not a good idea. If I ask Nayumi alam kong magiging isyu na naman yun at  aasarin na naman nila ako.

"JAMIEYA GURL!!!"

Napamura nalang ako noong nahulog ako sa duyan dahil sa gulat  pagkarinig ko sa sigaw na iyan galing sa labas. Naulit na naman iyon. Kaya natigilan ako.

"Is that Quiro?" Kunot noong tanong ko. Naulit na naman, kasabay nang pagtunog ng doorbell ng sabay sabay."He sounded like Quiro." Bulong ko at kahit ayokong lumabas ay lumabas ako para tignan kung sino yung talipandas na minumurder yung doorbell.

"Oo na! Andyan na!" I shouted when he push the doorbell again. Pagkabukas ko ng gate ay napatili ako dahil bigla nalang may natumba sa akin at napasubsob ito sa balikat ko.

"Hi Jamie gurl." Bati niya noong lumayo siya sa akin and he tried to stand straight but he can't coz he is so drunk. He reeks of alcohol. Naguguluhan lang ako na nakatingin sa kanya.

Bakit nandito ito at lasing na lasing?

He smile like an idiot while his eyes were close. Maya maya ay nagulat ako at buti nalang mabilis ang reflexes ko kundi bagsak na siya. Naalalayan ko agad siya kaya napasubsob muli siya sa balikat ko.

"Why are you here? And you're drunk?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot sa halip ay ipinulupot niya ang kanyang braso sa beywang ko at mas lalong bumigat ang katawan niya na nakasandal sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nahigit ang aking hininga.
"Q-Quiro... You need to go home." Utal na sabi ko dito  at pilit na tinitignan ang mukha niya. Hindi pa naman siya tulog dahil nakuha pa niyang umiling.

"Ayaw!" At sumagot na parang bata. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.

"Then we need to go inside my house." Sabi ko dito at triny na alalayan siya sa pagpasok sa bahay ko but then he stop at nakangusong lumayo sa akin hawak hawak ko pa rin ang braso niya para hindi siya tuluyang matumba dahil lasing na lasing talaga siya.

"But you said I should stop coming into your house na." Nakangusong sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Pwede ka nang pumasok at pumunta dito. Dali na we need to go inside na." Yakag ko dito dahil naramdaman ko ang iilang patak ng ambon na tumatama sa balat ko. Kahit na hirap na hirap ay inalalayan ko siya. Hingal na hingal ako noong ibinagsak ko siya sa sofa ko. Nagpameywang ako sa harapan niya at saka tinignan ang baklang ito na nakanganga pa habang nasa sofa ko. Bakit ba kasi ito naglasing.
Napahinga ako ng malalim at saka ito nilapitan. Tinapik ko ang kanyang mukha para magising siya. Dahil may katangkarang tao siya ay halos hindi siya magkasya sa sofa. Alam kong mananakit ang katawan niya kapag nanatili siya diyan ng buong magdamag.
Nagising naman siya at unti unting umupo. Kahit papikit pikit ay pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bigla nalang siyang ngumiti na ikinakunot noo ko. And then he laugh like a stupid.

Why is he laughing? Nabaliw na ba siya? Wala naman siguro akong kasalanan kung nabuang na ang isang to diba? Kasi bigla bigla nalang siyang sumulpot dito na ganito ang lagay.

"Jamie gurl..." He called me. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakaupo ako sa tabi niya while facing him. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa kin. Maya maya ay itinaas niya ang kanyang kamay hanggang sa dumapo ang daliri niya sa pisngi ko at pinindot iyon and he giggled like a child.
"Oh you're real!" He exclaimed and he giggled again. Nawiwirdohan lang akong nakatingin sa kanya.

"Why are you here Quiro?" Tanong ko dito. Nababaliw na din siguro ako para kausapin ang isang lasing na lasing na tao.

Sumimangot siya at saka siya ngumiti ulit. Ganito pala siya kapag nalalasing parang batang baliw.
Maya maya ay sumimangot ulit.

"Jamie gurl, don't push me away." He said he doesn't sound gay anymore. Hindi na siya tunog baklang nagpapabebe. Natigilan ako doon at nag iwas ng tingin.
"Sorry if I annoyed you." Sabi niya at natumba siya at tuluyang napahiga sa sofa. But he keeps on murmuring something para maintindihan ko ay lumapit ako sa kanya. I squatted near to him at tinitigan ang kanyang mukha.
"Gusto ko lang mapalapit sayo..." He murmured again. "And it so painful everytime you are rejecting me and pushing me away." Tuloy nito na tila kinakausap ako. I bitterly smile at hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang tumatakip sa mata niya. And then I sigh. Why is he so persistent in getting close to me?
Sumimangot siya na parang may naalala. "Im sorry if I keep on pestering you to remember that night ..." Sabi na naman niya na muntikan ko ng hindi maintindihan kaya nangunot ang noo ko. Pero ngumiti na naman siya na parang nanaginip ng napakaganda.

"Because that night was so unforgettable for me..." Pag amin niya. Dahil doon ay hindi maiwasan ng aking puso ang dumagundong.

"What is it that you can forget about that night?" I ask. Umaasang sagutin niya. Pigil ko ang aking hininga. He smiled at saka nagmulat ng mata dahil kalevel ko lang ang kanyang mukha ay dumiretso ang kanyang titig sa aking mata na nakapagpahigit sa aking hininga. Kuminang iyong mata niya and he even smiled lovingly na parang ang nakikita niya ang pinakamamahal niyang bagay. Napalunok ako kaalinsaba'y nito ay ang pagdagundong ng puso ko ng mas doble ang lakas at bilis kaysa kanina.

"Because that night..." Ngumiti siya na parang naalala niya talaga ang gabing iyon.

"It was  not the love making that  I can't forget. It was the words you said to me Jamieya..."He sleepily said inangat niya ang kamay niya at tumapat ang palad niya sa dibdib niya. "It makes my heart beat..." He added and he close his eyes. And I heard his little snore na katunayan na nasa dreamland na siya. Samantalang ako ay nanatiling  nakatulala at nakatitig sa kanyang mukha. Napaawang ang aking labi dahil may gusto akong sabihin but I just remembered that he is already asleep. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas lakas na ng pagdagundong.

"It was  not the love making that  I can't forget. It was the words you said to me Jamieya..."

"It makes my heart beat..."


Paulit ulit iyan sa aking pandinig. And those words coming from him. It also makes my heart beat goes fast and loud.

Napuno ng katanungan ang aking isip. If it is not about the carnal thing that  we did that night why he is so obsessed with that night....ano ba yung mga sinabi ko sa kanya para magkaganito siya?

Do I really need to remember that forgotten night para malaman ko na din ang mga kasagutan sa mga katanungan ko?

Napatingin ulit ako kay Quiro when he murmured my name.

"Jamie..." He called my name. And he crouch parang nilalamig siya. Tinignan ko ang damit niya at napangiti at napailing nalang ako noong makita kung ano ang kulay ng damit niya. He really love colorful clothes pero hindi na gaya ng dati na pambabae, yung parang happy go lucky na  beki na nagsusuot ng mga kung ano ano diyan na damit. He is wearing a hoodie again. A neon pink hoodie.

Umakyat ako sa taas and get an extra matress at inilatag iyon sa sahig. Makapal iyon, inayos ko iyon at saka nilagyan ng unan. Tumayo ako at kinagat ang kuko ko sa hinlalaki. At matagal na tinignan si Quiro na sa ngayon ay naghihilik na. Iniisip kung anong gagawin ko sa kanya.
Nilapitan ko siya at saka hinila para mailipat siya sa matress na inilatag ko. Pero napangiwi nalang ako noong bumagsak ang mukha niya, napahinga nalang ako ng maluwag dahil mabuti nalang ay sa unan ito lumanding. Kung hindi baka nagkapasa na ang gwapo niyang mukha. 
Inayos ko siya, kinumutan. Ayoko ngang banyosan yan maya niyan makita ko pa ang itinatago niya. Okay na siguro ito.

Nakaluhod ako habang inaayos ang pagkakakumot niya. Napahinga na naman ako ng malalim noong matitigan ang mukha niya.

"Maybe I should remember that night. But please help me." I whispered. He is sleeping peacefully, nakabuka pa ng bahagya ang kanyang bibig. Sayang talaga at bakla ang isang ito ang gwapo gwapo pa naman niya. Hinawi ko yung buhok na tumatakip sa noo niya.

"Maybe no choice na talaga ako. I need to make friends with you bakla." Pagkakausap ko dito na tila labag sa loob ko yung sinabi ko. Pero sa huli ay napangiti ako at saka iniwan na siya doon and I went up on my bed to sleep.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now