21. A deal is a deal

188K 4.4K 242
                                    

The days spent with Casi in Pangasinan were really treasured memories pero kailangan nang magtapos niyon. Kailangan na naming bumalik sa siyudad kung saan haharapin ko na naman ang panganib na alam kong nagiging dahilan ng pagdududa sa isipan ng babaeng mahal ko. Ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na matapos ko ang misyon ko ay titigil akong muli at mamumuhay nang malayo sa mundong ginagalawan ko ngayon. Tama na ang isang Martha. Hindi ko hahayaang mangyari kay Casi ang nangyari sa kanya - baka ikamatay ko pa kapag nawala siya sa akin.

"Adan, babalik ka na ba sa kandungan ng babaeng puki na iyon?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o ikukunot ko ang nook o habang inalalagay sa likod ng sasakyan ko ang mga gamit namin. Pauwi na kami sa Metro. Kalalabas lang ni Casiel ng bahay noon at iyon agad ang bungad niya. Naisip kong bunga na naman ng pagseselos niya iyon. Napapansin ko na sa tuwing magseselos siya ay lalong umiitim ang mga mata niya. Para bang napapalitan ang mga features niya. Tumatapang ang mukha at parang susuwagin ang lahat ng tao.

Parang ngayon lang.

Nilapitan ko siya at inakbayan saka hinalikan sa sentido.

"Her name is Zoey."

"Anuman ang pangalan niya, puki pa rin siya sa akin. Hindi ako papayag na maagawan ako. Babaliin ko ang leeg niya kapag hinalikan o hinawakan ka niya." Napalunok ako nang makita ko kung gaano kaseryoso si Casiel habang sinasabi ang mga salitang iyon. Her eyes were speaking a different language. It was as if she was telling me that she's dead serious about whatever was coming out of her mouth. Nakadama ako ng kaba. Ano bang nangayayari? Bakit pakiramdam ko ay hindi si Casiel ang kausap ko?

"'Wag ka nang magselos. Ikaw lang ang babae sa mga mata ko."

"Dapat lang, Adan. Kung hindi, makikita mo at malalaman mo kung ano talaga ang ibig sabihin ng CONSUNJI." Tinaasan niya ako ng kilay. Pagkatapos niyon ay saka siya ngumiti. Nawala agad ang bakas ng galit sa mga mata niya at agad na yumakap sa akin. Inamoy niya pa ang kilikili ko tapos ay humagikgik.

Casiel is very spontaneous and unpredictable. Isa iyon sa mga bagay na nakakatuwa sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit pero palagi lang akong nakangiti kapag siya ang kasama ko. Para bang nakakalimutan ko ang cruelness ng buhay dahil sa kanya. She's my breath of fresh air.

Nagpaalam na kami kina nanay at Carla. May paiyak-iyak pa ang kapatid ko na para bang hindi na niya makikita si Casiel kahit kailan. Nagyakapan pa ang dalawa tapos ay akmang hahalikan ni Carla si Casiel - kumunot ang noo ko at hinatak siya palayo kay Carla. Kahit naman kasi anong mangyari, baliktarin man ni Carla ang buong mundo - lalaki pa rin siya at nagseselos ako kahit na kapatid ko siya. Just thinking about the moments they had spent together habang nasa ibang bansa ako ay tama na para mainggit ako kay Carla. Nandoon siya noong araw na kailangan ni Casiel ng kasama habang ako sinusubukan siyang kalimutan - isang bagay na habambuhay ko yatang pagsisihan.

Sumakay na kami sa sasakyan. I drove swiftly as Casiel plays with my hand while I drive.

"Sabi ni Nanay Sheena - iyong tita ko, Adan, kapag nilalaro daw iyong kamay ng isang tao ibig sabihin noon, love - kaya love kita. I love you, Adan." She pouted her lips as if she was going to kiss me. Nakangiti naman akong tingnan siya - akmang hahagkan ko na rin siya nang may mapansin akong isang itim na SUV sa kanan namin. Ngayon ko lang naisip na kanina pa pala iyon sa aming tabi at hindi naman ako tanga - alam kong sinusundan kami ng sasakyan.

Hinagkan ko si Casi. I acted as if I didn't see anything. I acted casual. Nakikipagbiruan ako kay Casiel. Tumatawa, nilalambing ko siya. Ganoon lang ang ginagawa ko habang sa gilid ng aking mga mata ay tinitingnan ko kung naroon pa rin ang SUV - at tama ang hinala ko, naroon pa rin ang SUV. Hindi kami iniiwan. Kahit saan ako lumiko ay lumilitaw pa rin siya.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon