28. Malapit na

160K 4.6K 1.3K
                                    

"Hi, Gus."

I smiled wide as I enter the restaurant and I saw Augustus Ledesma sitting by the window near the big lamp inside a certain French Restaurant. I asked him to go on a date with me. Ako na ang nag-aya. When Gianna told me to see other people, agad kong naisip si Gus. Matagal ko naman na siyang crush at hindi naman masama kung lalabas kaming dalawa. Ang alam ko very much single si Augustus at walang matatamaan kung lalabas kami. I sat in front of him.

"You look very beautiful tonight, Casiel." He said. Kinuha niya ang kamay ko at hinagkan ang palad ko. I just smiled at him.

"Thank you, Gus. Sorry na-late ako, Ang traffic kasi." Paliwanag ko. I lied. Hindi naman traffic. Inisip ko lang maigi kung pupuntahan ko ba siya o hindi. In my head I was thinking if this is the right thing to do and I know that it is. Kung hindi ko kasi makalimutan ang ginawa ni Adan, siguro kailangan na siya na lang ang kalimutan ko. Tutal, dalawang araw na halos siyang hindi nagpapakita. I just sighed.

"Um-order na tayo." Sabi ko na lang. Nagmamadali ako. Gusto ko na kasing umuwi. Hindi ko alam kung pang-ilan na si Gus sa mga lalaking inaya kong mag-date, maybe fifth? Iyong iba kasi sinabay-sabay ko. It was like watching a very bad romantic comedy. Nasa isang table kaming lahat - everyone was trying to get my attention pero ako, na kay Adan ang isip ko. Pakiramdam ko lalong lumalaki ang butas sa puso ko dahil hindi ko naman siya kasama. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makita, kaya lang, ayoko naman siyang tawagan o pakitaan ng maganda dahil baka isipin niya na madali akong makuha. Gusto ko na mahirapan muna siya at makita ko ang sensiridad niya bago ko siya patawarin.

Pero sa puso ko, gustong-gusto ko na siyang mapatawad.

Nag-order na kami. Si Gus, may sinasabi siya. It was about his work and his day pero ako, si Adan ang nasa isip ko. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Totoo kaya na wala siyang naramdaman noong makita niya si Martha - ang totoong Martha? Totoo kaya na ako talaga ang pipiliin niya?

The dinner went - I don't know - how it went. Matapos mag-dessert ay umalis na ako. I couldn't take it. Umuwi ako sa bahay at doon, nag-iiyak sa loob ng apat na sulok ng aking silid. I was still in pain. Hindi ko na nga alam kung pain pa rin iyon nang ginawa sa akin ni Adan o kung dahil sobra ko na siyang nami-miss. Iyak lang ako nang iyak. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang patawarin. Gusto ko na siyang makasama but I'm so afraid of what other people would think of me.

Sasabihin nila na tanga ako, sasabihin nila na uulitin lang ulit ni Adan ang ginawa niya sa akin. Ayokong makarinig ng ganoon kaya hanggang ngayon ay pinatatagal ko ito kahit na gustong-gusto ko na siya. Hera said that I deserve someone better - she was right - and I tried so hard to go out and mingle but all I could think about is Adan Rafael Narciso. I miss him a lot.

"Anak?" I heard my mother's voice. Bumangon ako at pinunasan ang luha ko. Naupo si Mama sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. She was pouting.

"Anak, umiiyak ka na naman. Ano bang problema?" Yumakap ako sa kanya at saka umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit. Basta ang alam ko, gusto ko na siyang makasama. Gusto ko nang makasama ang lalaking mahal ko, but there are things to be considered. I want him but it's not that easy anymore.

"My boyfriend cheated on me. Kinalimutan niya ako para lang makipag-sex sa babaeng akala niya ay ex niya!" I cried like a little girl. Mama just hugged. "Gusto ko siyanng patawarin, Mama pero ayokong maging tanga, Mama!" Humigpit ang yakap ko sa Mama ko. Somehow my feeling is starting to get a little better. Bahagya akong itinulak ng Mama ko at pinakatitigan niya ako.

"Your father forgave me. Why can't you do the same thing?"

Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi ni Mama? May nangyari ba sa kanila ni Papa na hindi ko alam? Nag-away ba sila? Bakit hindi ko alam? Kung sabagay, hindi naman namin nalalaman iyon. Hindi naman sila nag-aaway sa harap namin.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon