30. Expectations

146K 4.3K 259
                                    

I was full of tears and emotions. Nakatitig lang ako kay Adan habang nakatingin lang din siya sa akin. Sa isip ko, alam ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko siya gustong makasama. Sa ngayon ay iyon lang talaga ang laman ng isip ko. Gusto ko siya at ayoko nang magsayang ng panahon. Gusto ko na makasama siya. When I heard about him and what he did with my family members, nanginig ako. Akala ko ay hindi ko na siya aabutan ng buhay. Nag-alaala ako. Alam ko kasi kung paano sila sa mga tao sa paligid nila. They are ruthless - I think I need not to say more.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Carla sa baywang. Nakaluhod siya sa sahig habang umiiyak at nakatingala sa akin. Himihikbi siya at sisigok-sigok. Nanlalaki naman ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaibigan ko. Pilit kong inaalis ang kanyang kamay sa baywang at pilit ko siyang itinatayo.

"Carla, huy ano ka ba?" I was feeling a bit awkward.

"Casi, patawarin mo na si Kuya! Ako ang ama ng anak ni Eva! Ako! Pinagsamantalahan niya ako! Binaboy niya ako Casi!" Humihikbing wika niya sa akin. Tumaas lang ang kilay ko. Nakita kong lumapit si Jorgia sa tatay niya at itinayo ito. Pinahid pa niya ang luha ng tatay niya at saka hinatak palabas. Umiiyak pa rin si Carla at sinasabi na patawarin ko ang kapatid niya. Ngisi lang ang ibinigay ko sa kanya. Tuluyan silang lumabas at naiwan kaming dalawa ni Adan doon. Huminga lang ako nang napakalalim. Dumiretso ako sa table kung saan maraming prutas. Humarap ako sa bintana. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina habang papaunta ako dito ay alam ko kung anong gagawin ko pero ngayon na magkaharap na kami ay saka ko naman naisip na hindi ako dapat nagpunta dito. Hindi ko siya dapat nakita o pinuntahan dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. I held on the orange and sighed again. I really don't know what I'm doing here.

Bakit ng aba ako nagpunta dito? Gusto ko ba siyang makausap. But the feeling of betrayal is still there. I'm still hurting. I just came here because I wanna make sure that he's alive. I closed my eyes. Can I still see myself in the future with him? Do I still wanna build a life with him? Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Adan, but there are so many doubts.

"Casi..." Tinawag niya ako. I bit my lower lip. I was shaking - hindi dahil sa tinawag niya ako kundi dahil sa hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang alam ko naman na ang kahihitnatnan ng pakikipag-usap ko sa kanya. At ayaw ko sanang humantong kami doon dahil alam kong mahal ko siya - oo, despite everything, I love Adan - I still do - with all my heart. But I just don't know. I really don't know. Wala akong ideya.

Humarap ako sa kanya. He was just lying there. His left eye was swollen, naka-cast pa ang kamay niya. May benda ang noo niya. Putok ang labi niya - sa madaling salita, he looked like a man who had just got beaten by twelve goons.

"Agent ka diba?" Panimula ko. "Bakit hindi ka lumaban?" Nakadama ako ng iritasyon. Naiinis ako. He could've fought for his safety, mas katanggap-tanggap pa na lumaban siya sa kuya ko o sa tatay ko o sa kahit na kanino kaysa naman ang hayaan niya na bugbugin siya nang wala man lang siyang ginagawa. Hindi ko talaga iyon matanggap. Why would he let other people beat the hell out of him? Does he wanna be the guy who was beaten to death by the whole empire? Sa tingin niya ba bigla ko na lang makakalimutan ang ginawa niya dahil doon?

Hindi naman ako ipinanganak kahapon. I sighed again.

"I did that so before you could tell your family about what I did ay alam na nila. Casi, hindi ko naman sinadya iyon. I was trapped by my emotions---"

"To the extent na kinalimutan mo ako - literal mo akong kinalimutan, Adan. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Palagi kong sinasabi sa'yo n asana, kahit paano nagsinungaling ka sa akin. Kasi alam mo? Kung sinabi mo lang sa akin na walang nangyari, na hindi mo siya hinawakan, maniniwala ako sa'yo because that's how much I love you - na kaya kong magpakatanga at magbulag-bulagan dahil lang sa mahal kita!" I was hissing. Noon ko lang naramdaman sa dibdib ko ang ganoong kabigat na emosyon.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon